Handaan
Nag-ayos na siya ng sarili bago lumabas ng silid niya at nagtungo sa kusina. Doon ay nadatnan niya ang isang babaeng kasama ni Lola Antonia sa pagluluto. The girl is petite with curves in all the right places. Mas matangkad si Hera ng kaonti dito but she is really not that curvy. She has long legs alright, with a slim body but not that curvy enough plus... the girl is tanned. That tanned skin color she once imagined to have but never will.
"O, Irah gising ka na pala. Halika dito apo, upo ka muna."
Agad siyang nilapitan at iginiya ni lola Antonia paupo sa isang silya ng lamesa. Bakas sa mukha ng matanda ang saya. Napabaling din sa kanya ang atensyon ng babae.
"Saglit na lang at matatapos narin si Ofelia sa pagluluto nitong paborito ni Jun. Siguradong magugustohan mo rin ito. Masarap magluto itong si Ofelia."
Ngumiti nalang si Hera at tumango sa matanda sabay baling sa kay Ofelia. Tipid na ngiti ang binigay sa kanya ni Ofelia bago muling ibinaling ang atensyon sa niluluto. She sensed something in her immediately. Hindi siya gusto ni Ofelia. Ramdam niya iyon sa ngiti pa lang. She could tell a bitch when she sees one. She has been around those type of girls for too long.
"Mmm... Tamang tama ang timpla. O siya maghain ka na at tatawagin ko ang dalawa."
Dumungaw si Lola Antonia sa bintana upang tawagin sina Jun sa ibaba. Tumayo narin si Hera at lumapit upang tumulong sa paghahain.
"Ikaw pala ang bagong nobya ni Jun. Mabuti naman at naisipan ka niyang isama dito."
Medyo nagulat si Hera na kinakausap siya ni Ofelia. Banayad lang at malamyos ang boses nito na tila dalagang pilipina talaga. Walang malisya sa pagkasabi nito at sa totoo lang natural.
"Uh, yeah, kind of."
"Hindi talaga ako makapaniwala. Saan ba kayo nagkakilala? Marahil sa trabaho. Matagal ko nang kilala iyang si Jun at hindi ko aakalaing katulad mo pala ang magugustohan niya."
Muntik nang magtaas ng kilay si Hera kung hindi lamang niya pinigilan. Obvious naman ang panghihinayang sa boses nito. Gusto nalang niyang matawa. If only she knew na hindi ang tulad ni Jun ang tipo niyang lalaki. No way na papatol siya dito if not for these hiding escapade. Tsaka alam niyang malabong magustohan din siya ni Jundrix. Kulang na nga lang umusok ang ulo non dahil sa iritasyon sa kanya.
Pekeng ngumiti nalang si Hera at inabot ang ilang plato sa gilid ng lababo.
"Well, I don't know Ofelia. Maybe he changed his preferences sa isang babae. People change you know."
Hindi niya sinasadyang medyo iba ang tono ng pagkakasabi niya pero kita niya ang biglaang gulat sa mukha ng kausap. Agad naman itong nakaraos sa gulat at tumawa.
"Ah s-siguro nga."
Ngumiti nalang din ng matamis si Hera at bumalik sa lamesa.
Habang kumakain sila ay hindi maiwasan ni Hera na pansinin ang walang palyang atensyon ni Ofelia kay Jundrix. Halos ito na ang naglalagay ng mga pagkain sa plato nito. Parang wala lang din naman ito kay Jun na abala sa pakikipagkwentohan kay Paul.
Nalaman niya kanina na isang sundalo rin pala si Paulo at apo ito ni Lola Antonia sa pinsan nito. Doon din niya nakumpirmang sundalo nga si Jundrix. Hindi nga lang niya maintindihan kung paanong ang isang sundalong may mataas na ranggo ay naging bodyguard niya ngayon. Nakayungo niyang pinaglaruan ang kutsarang hawak. It must be one of her grandfather's connections.
"Tamang-tama pare sumama ka na sa amin mamaya. Papalaot kami bandang alas syete. Siguro naman hindi mo nakalimutan kung pano mangisda," ang natatawang komento ni Paul.
BINABASA MO ANG
🌹 THE PROTECTOR 🌹
Любовные романыCaptain Jundrix Marco Atienza - BLADE - Hera's life was in danger the moment her father was being hunted by a mafia group but before her kidnappers even got to her, she found herself under the protection of a soldier who seems to dislike her so much...
