Nobya
Natigil lamang siya sa pag-iisip nang magsalita ito.
"Tara na."
Napasimangot na naman siya. Napakabrusko nga lang talaga. Sa lahat ng mga lalaking nakilala niya, he just seems to naturally hate her. Hindi niya maintindihan para bang napipilitan lamang itong protektahan siya. He is a bodyguard and that is his job. Habang tumatagal, she is starting to dislike him even more.
Nauna itong tumayo, kinuha ang itim na back pack at duffel bag bago naglakad papunta sa dalampasigan.
Tinulungan siya nitong makasakay at paupo sa maliit na bangka. She never tried riding one before kaya kabado pa siya. Although marunong naman siyang lumangoy it would not be a good idea kapag nasa gitna na sila ng dagat.
Tutulong pa sana si Jun sa pagtulak ng bangka ngunit pinigilan na siya ng bangkerong hindi nalalayo sa edad niya.
"Ayos lang boss ako na baka mabasa ka pa."
Medyo umuga pa ng kaunti nang tuluyang maupo na si Jun sa bangka at kinuha ang puwesto paharap sa kanya. Napakapit si Hera sa magkabilaang gilid at tumikhim. Kinakabahan siya ngunit ayaw niyang ipahalata iyon sa kaharap. She maintained a stoic face while watching the guy maneuver the boat towards the sea.
"Bos mukhang galing kayong Maynila. Sana pala sumakay na kayo don sa kabila. Mas malaking bangka mas malapit pa."
Hindi na umimik pa si Hera samantalang nagsimula naman sa pakikipag-usap si Jun sa bangkero. Kahit papaano habang tumatagal naiibsan ang kaba ni Hera dahil mukhang hindi naman natatakot ang dalawa. She was even amazed at how Jundrix easily gets along with these people. It's as if sanay na siya sa mga ganito. No, actually he seems to be pretty good at making everyone feel comfortable... Except maybe for her. But being honest with herself, she knows she felt safe with him… Para bang lahat ng takot niya sa mga nakaraang araw biglang naglaho nong dumating siya.
She hates his attitude most of the time, but she felt weirdly safe with him around. Hindi niya alam kung epekto ito ng una nilang pagkikita, that maybe she felt like she owes him her life. Maybe or maybe not. Hindi niya alam pero gayon pa man hindi parin niya gusto sa ideyang pagpunta nila sa Isla. She could have easily convinced her Mom not to do this but since hindi ito pumayag na makipagkita, wala na siyang choice.
Pinaandar na ng bangkero ang motor ng bangka. Nang nasa medyo may kalaliman na sila at tuloy na sa paglayag papunta sa natatanaw nilang Isla. Hindi narin sila nag-usap pa at nagconcentrate na sa bangka ang bangkero. Napataas ng kamay si Hera nang lumakas ang hanging may dalang tubig dagat. Mahapdi sa balat lalo na sa mata.
"Halika dito."
"Ha?"
Gulat na napatingin sa kaharap niya si Hera. Kita niya na medyo umusog si Jundrix. Marahil naramdaman nito ang problema niya. Kung uupo nga naman siya sa puwesto nito hindi sila masyadong sasalubongin ng hangin na may tubig dagat. The boat can accommodate them but she felt hesitant to move when the boat is moving quite fast.
"N-no it's fine. I-uh I’m good."
Pilit niyang inayos ang pagkakaupo. Ramdam niya ang pagkairita ni Jun at napatili nalang siya nang bigla siyang hilain nito paupo sa tabi niya. Halos dikit na dikit siya dito dahil narin sa takot at pagkabigla. Galit niyang binalingan ang katabi.
"Ano ba! W-what if I fell into the waters?"
"Namumula ka na. Ilang minuto pa at mararamdaman mo naring mahapdi iyang mga mata mo. Usog ka narin ng konti baka ako pa ang matulak mo sa tubig."
Nanlaki ang mga mata ni Hera at mayroon pa sanang gustong sabihin ngunit tama nga si Jundrix. Nakakapit pa nga siya sa braso nito hanggang ngayon. Mabilis nalang niyang tinanggal ang kamay at umusog kahit konti nalang ang space and also making sure na hindi parin siya nakagilid ng husto.
BINABASA MO ANG
🌹 THE PROTECTOR 🌹
Roman d'amourCaptain Jundrix Marco Atienza - BLADE - Hera's life was in danger the moment her father was being hunted by a mafia group but before her kidnappers even got to her, she found herself under the protection of a soldier who seems to dislike her so much...