🌹 kabanata 12 🌹

1.1K 25 0
                                        

Memories

Mailap talaga ang kabayo at halos nagwawala kapag ipinapasok sa kulungan. Nakaupo siya noon sa bakod ng rancho habang nakatanaw sa kabayo na kulang na lang ay tumalon upang hindi lang mahawakan. At sa araw ding iyon ay napansin ito ni Don Ador. Hindi masyadong nagagawi sa rancho ang Senyor maliban na lamang kung may mga bisitang ipapasyal sa kanyang rancho.

Sa pagkakataong iyon kasama niya ang ilan sa mga bisita niya at isang batang babae. Alam na niya ang susunod na mangyayari lalo na nang ituro ng bata ang puting kabayo na tila nagustohan ito. Tumawa ang Senyor at sinenyasan ang trainer gamit ang tungkod upang ilapit si Adanza.

Gustong-gusto nang lumapit ni Jun sa kumpol ng mga bisita ngunit maagap siyang pinigilan ni Mang David. Hindi pag-aari ng rancho si Adanza. Hindi ito pwedeng kunin ng Senyor.

Isang malakas na hagupit ng latigo ang narinig nila at halos lumuwa ang mga matang tinignan nila ang nasasaktang si Adanza. Kumuyom ang mga kamay ni Jun at balak nang sumugod ngunit pinigilan siya ni Mang David nang may babala sa mata.

"You should have trained it better! As young as that and that horse can injure it's riders! Gamitan niyo ng latigo upang magtino."

Hindi na napigilan ni Jun at balak nang sumugod nang makitang hawak na naman ng matanda ang latigo.

Galit ang senyor na marahil ay napahiya sa mga bisita niya dahil ayaw magpaamo ng kabayo.

"Grandpa don't!"

"Princess let's just find another horse my darling. Bibigyan nalang kita ng mas maganda."

Halos maiyak na ang bata sa sinabi ng Senyor.

"B-but I want that pony grandpa."

Inis na inis si Jun sa batang babae. Kung ipipilit nito ang gusto baka mas lalong magalit ang Senyor kay Adanza.

"Jun hayaan mo na. Galit ang Senyor ngayon. Sinusubukan nitong bumawi sa apo niya. Hayaan mo ako nalang ang lalapit. Dito ka lang at baka ikaw pa ang pag-initan niya."

Kumuyom nalang ang mga kamao niya at huminga ng malalim. Lumapit nga si Mang David sa grupo. Rinig niyang nakipagbiruan pa ito upang siguro pagaanin ang sitwasyon at mayamaya ay galit na sumigaw ang Senyor.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo David! Ibaba mo ang apo ko!"

Magkaibigan ang Senyor at si Mang David kaya matapang itong suwayin ito. Buhat-buhat nito ngayon ang batang babae at lumalapit kay Adanza na naglilikot sa tabi ng pader kung saan ito nakatali.

"Mang David baka masaktan kayo ng senyorita!" babala ng trainer sa tabi.

"David bumalik ka dito!" ang nanggagalaiting utos ng Senyor habang hirap na naglakad ng mabilis gamit ng tungkod.

Pati si Jun ay kinabahan dahil kung mapapahamak ang senyorita siguradong mas lalong masasaktan si Adanza. Mabilis na siyang naglakad palapit at nakipagsiksikan upang makadaan. Pinagpapawisan na siya sa pag-aalala ngunit hindi inasahan ang sunod na nangyari.

"Grandpa! She likes me look! Grandpa!"

Nakayakap sa kabayo ang senyorita habang tuwang-tuwang hinhagod ang kabayo. Iyon ang unang beses na nakita niya ang senyorita. Hindi nagwala si Adanza. Mukhang mas umamo pa ito at hindi gumagalaw habang hinahagod siya sa gilid. May ibinulong si Mang David dito at lumawak ang ngiti nito. Lumapit narin ang Senyor na tila hindi rin inaasahan ang nangyari. Mabuti na lang mukhang kalmado na ito at masayang nakitawa sa mga bisita.

"I'll name her Adanza! She is so pretty! Thank you grandpa!"

          NAMAMANGHANG napangiti ang senyorita habang nakatingin kay Jun na patuloy sa paghagod kay Adanza.

🌹 THE PROTECTOR 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon