🌹 kabanata 9 🌹

1.1K 31 0
                                    

Hurting

Kinagabihan matapos kumain at magligpit ay lumabas si Hera dala ang pantulog. Nasa labas kasi ang CR kaya nasanay narin siya. Balak niyang maligo at basahin ang buhok, may hair dryer naman.

Nilagpasan niya sina Jun at Lola Antonia na nakaupo sa sala. Mukhang nag-uusap ang mga ito tungkol sa mga kakilala nilang nasa hacienda DeSilva. Kita niya ang pagsulyap ni Jun sa kanya habang nagsasalita. Tahimik nalang siyang lumabas at bumaba sa hagdan.

Hangang ngayon hindi parin niya ito kinikibo. Hindi narin naman nagtatanong pa si Lola Antonia at mukhang ayaw na munang makialam.

“Come on Hera you need to get used to this.”

Walang shower ang banyo. Tanging tabo at timba lang. She remembered lola Antonia showing her how to take a bath using those at hangang ngayon naninibago parin siya. She missed the hot shower and the bath tub of her room.

Inopen niya ang faucet upang punuin ang timba. Habang ginagawa iyon ay naghubad narin siya at inunang basahin ang mahabang buhok. Naglagay ng shampoo at binanlawan bago ipinusod. Saka siya nagsabon ng katawan at mukha.

Sasalok na sana siya ng tubig sa timba ngunit parang wala na palang tubig. She opened her eyes only to find out na walang tumutulong tubig sa gripo.

“Oh no.”

Ilang ulit niyang inopen ang gripo ngunit wala paring tubig at nagsisimula nang manakit ang mga mata niya dahil sa sabon.

“Seriously bakit ngayon pa.”

Hindi na niya napigilan at napakamot sa mata only to make the soap enter her eyes. Mahapdi iyon kaya napadaing siya at nataranta. Agad niyang kinapa ang timba dahil may konting tubig pa ngunit nadulas naman siya sa tiles at napasigaw nang bumagsak sa pwetan.

“Ah! Aww…”

Halos hindi siya makagalaw at maiyak sa sakit. Mayamaya ay narinig niya ang malakas na katok sa labas ng banyo at ang nag-aalalang pagtawag sa kanya ni Jun.

“Hera!”

Her bum is aching really bad and her eyes watered dahil umiiyak na pala talaga siya. Rinig niya na mas nag-alala si Jun sa labas at pinihit ang siradora. Nakalock iyon.

“Buksan mo to. Ano bang nangyari sayo?”

“Don’t open it I’m naked!”
Napahikbi siya muli at dahan-dahang gumalaw.

“Ah-araaay…”

“Putang ina buksan mo to sabi!”

“Stop shouting baka marinig ka ni Lola. Nadulas ako.”

“Ano? Putik bakit kasi nandito ang tsinelas mo sa labas. Madulas ang tiles niyan lalo na pag may sabon. Nauntog ba ulo mo?”

Sa wakas nakatayo narin siya. Kinuha niya at inihilamos ang natitirang tubig sa timba. Bigla niyang naalala may poso sa bakuran. Lola Antonia warned her one time na minsan talaga nawawalan ng tubig ang banyo kaya meron iyon.

“J-Jundrix?”

“Bakit?”

Lumapit siya sa pinto dala ang timba.

“There’s no water in the faucet. Pwede mo bang lagyan to sa labas?”

Binuksan niya ang pinto at iniumang sabay abot sa timba habang nakatago ang katawan sa likod ng pinto.

“Tsk dapat kasi pinupuno mo muna ito bago ka naligo. Mabuti hindi ka nabagok.”

Pagkalipas ng mga Limang minuto ay kumatok muli si Jun. Binuksan ito ni Hera habang nasa likod parin ng pinto.

🌹 THE PROTECTOR 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon