Heartfelt
“Ahh, gising ka na pala…” Pumasok si Anabelle at marahang sinara ulit ang pinto.“Nagdala ako ng damit. Sabi ni kuya wala kang masyadong dala baka lamigin ka mamaya. Malamig dito kapag gumagabi na.”
Hera didn’t move and just stared at her. Ilang sandali ding hinintay nito kung may sasabihini siya pero nong siguro ay napansin ang pananahimik niya, tumango ito at ngumiti.
Lumapit si Ana at ibinaba sa gilid ng kama ang nakatuping mga damit.“Pagkatapos mong magbihis baka gusto mong bumaba. May handaan ngayon para sa mga trabahador at—“
“You didn’t have to do this. You are not in our mansion anymore. You are not my maid.”
“Oo, Hera…”mabilis na sagot ni Ana. “Tama ka. Nasa bahay ka na namin. Hindi ko ito ginagawa kasi katulong mo ako. Pero narito ka bilang bisita ni kuya kaya aasikasohin ka namin ng mabuti.”
“Like nothing happened?” parang nairita siya sa pakikitungo ni Anabelle ngayon. It’s like she never changed at all after what she did to her.
Ana sighed. “Tapos na iyon. Nag-usap na kami ni senyorito Inigo.”
Napa-angat ng tingin si Hera. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkamangha at gulat. “You talked to kuya?”
Medyo nakitaan niya ng pag-aalangan ang mukha ni Ana pero agad ding nawala. Umayos ito ng tayo. “Magbihis ka na. Hinihintay ka ni kuya sa baba.”
Aalis na sana ito ngunit agad na hinabol siya ni Hera at nahawakan sa braso. Gulat silang nagkatinginan. Bumitaw si Hera. “When did you talk to him?”
“Last week noong nasa Maynila pa ako.” Kunot noo ngunit malumanay na sagot nito.
“Ano’ng sinabi niya sayo?”
“Hera—"
“Just tell me what he said to you! Did he ask about me? Is he still angry?” hindi napigilan ni Hera ang mapahawak ulit sa braso nito.
Parang unti-unti nang nakitaan ng pagkairita sa mukha ni Ana.
“Hindi ko tinanong at wala siyang nabanggit, pero alam na namin ang tungkol sa pagtatangkang pagkidnap sayo.” Tinanggal ni Ana ang kamay niya sa braso niya at humarap ng mabuti sa kanya. “Alam ng buong hacienda at alam narin ng kapatid mo Hera. Kaya huwag ka nang mag-alala. Ligtas ka rito sa puder ni kuya at ng pamilya ko. Hindi niya alam kung nasaan ka at sinabihan siya ni Senyora Sabrina na nasa maayos kang kalagayan.”
“Wow so you didn’t talk about me? Or how I humiliated you that night at my own party?”
Halata ang pagkabigla kay Ana at medyo napaatras ito. Hera didn’t budge. She advanced towards her. “I’m never going to be in a good condition unless I’m back in my own family. Why didn’t you tell him where I was?”
“Hera hindi ko alam kung nasaan kayo ni kuya nong mga panahong iyon. At kung alam ko man hindi ko sisirain ang utos si Senyora Sabrina.” Medyo tumigas na ang boses ni Ana. “At sige, humingi siya ng sorry dahil sa ginawa mo sa akin. Isang bagay na dapat ikaw ang gumagawa hindi ba?”
“Oh please…” Hera smirked. “Don’t act so innocent about this. You are such a pretender. Aminin mong gusto mo ang kuya Inigo ko at inakit mo siya.”
“Hindi ko inakit si Inigo! Kung mayroon mang lapit ng lapit sa akin noon ay ang senyorito iyon. Hindi ko ginustong magkaroon siya ng feelings sa akin Hera at magawan mo ako ng masama sa harap ng maraming tao.”
“And you didn’t like him at all? You kissed him. I saw you from my window Anabelle.” Giit ni Hera na nagpatahimik kay Ana. Ilang sandali silang nagkatitigan.

BINABASA MO ANG
🌹 THE PROTECTOR 🌹
Lãng mạnCaptain Jundrix Marco Atienza - BLADE - Hera's life was in danger the moment her father was being hunted by a mafia group but before her kidnappers even got to her, she found herself under the protection of a soldier who seems to dislike her so much...