Talon
His eyes never miss a chance to look at her kahit pa mabilis magmaneho. The road isn't as bumpy gaya doon sa naunang parte pero hindi parin sementado. This time, more trees came into view and the greener scenery is pleasing to the eyes.
"Kumusta ang paglilibot niyo?" mataman siya nitong tinignan.
"Okay naman..." bumaling siya saglit kay Jun bago ibinalik ang tingin sa nadadaanan nila.
"Hmm." Tumango si Jun pero nahuli ni Hera ang bahagyang pagliit ng mga mata nito. Parang hindi ito naniwala sa kanya.
"What?" Bahagya siyang nairita nang maalala ang bangayan nila ni Ethel kanina. "Hindi ko inaway ang pinsan mo. I kept my word."
His eyes narrowed even more, pero ngayon may bahid na ng pag-aalala. He was about to say something when the car bumped a bit kaya medyo umalog sila. Itinuon na nito ang atensyon sa kalsada.
"What? You don't believe me again?"
His brow shot up. Parang hindi na nagustohan ang tungo ng usapan.
"Oo na." He shook his head and tiredly set his attention on the road.
Parang gustong mainis ni Hera. Magpahangang ngayon iniisip niyang hindi talaga naniniwala si Jundrix sa kanya. Even when he said that he believed her, alam niyang iba parin ang iniisip nito. She doesn't even know why her heart is beating so loud while watching him drive like that. Kahit medyo sumama ang loob niya naguguwapohan parin siya. Nakakainis...
Paano kaya siya nagkagusto rito? Thinking about it makes her wonder if she ever liked someone the same way. Kahit anong isip niya wala talaga siyang mapagkumparahan non. She always put her standards so high even through physical appearance before, at mas lalo na sa ugali. Ayaw niya sa mayayabang at pinaparamdam sa kanya na may pagkakamali siya or even worse, na mahina siya. Pero ngayon... hindi na niya alam... It's like a very strong force and she couldn't fight it.
Pumarada ang sasakyan sa medyo malawak na bahagi na wala masyadong talahib. The place immediately felt colder and Hera could smell the trees and plants. Even the wet smell of fresh leaves and the faint sound of flowing waters made her so excited.
"Nandito na tayo?" her eyes widened and excitement is evident on her face. "Hindi na ako makapaghintay!"
He chuckled at her reaction habang pinapatay ang makina. Hera watched him walk in front and went to her side. Binuksan nito ang pinto sa banda niya at inalalayan siyang bumaba while she kept looking at a small pathway sa gitna ng mga madamo at mapunong lugar.
"Is this the way? Parang gusto ko nang lumangoy."
May kinuhang isang backpack si Jun sa likod ng sasakyan. "Oo, papasok diyan at sampong minuto pa paakyat sa falls."
Basa ang daanan kahit hindi naman umulan. The pathway is even slippery lalo na sa kanyang suot na doll shoes. Nauuna minsan si Jun para lang maalalayan siya. The sound of the water became stronger when they arrived at the river bank. Umawang ang bibig ni Hera...
It's like a wide stream of water that rapidly ripples and trickles along the stony river bed. Hindi gaanong malalim kaya medyo malakas ang pagdaloy ng tubig lalo pa at medyo pababa ang direksyon.
Bumaba si Jundrix sa tubig at saglit na inayos ang pack sa likod niya. Medyo nagtaka si Hera nang bumaling ito sa kanya at ngumisi.
"Itong ilog mismo ang daan." Anito sa kanya.
No wonder he is wearing those boots dahil kung hindi halos aabot sa tuhod ang tubig. Mabagal siyang bumaling sa kanyang suot na doll shoes. Those are the only shoes she got aside from her high heeled boots.
BINABASA MO ANG
🌹 THE PROTECTOR 🌹
Roman d'amourCaptain Jundrix Marco Atienza - BLADE - Hera's life was in danger the moment her father was being hunted by a mafia group but before her kidnappers even got to her, she found herself under the protection of a soldier who seems to dislike her so much...
