🌹 kabanata 8 🌹

1.1K 30 0
                                    

Biruan

Napalingon-lingon si Hera sa paligid. Nakita niyang napapatingin parin sa kanya ang iba at pasimple pa siyang inirapan ng isang babae na tanging hindi nagpakilala sa kanya kanina. Binalewala nalang niya at humarap kina Julia na abala sa pag-aayos sa mga pagkaing nadala niya.

“S-si Jundrix?”

Nagkatinginan ang dalawa bago sumagot si Julia.

“Ah kasama niya si Melfina nasa kabila sila. Iyong likod nang malaking batong iyon doon sila lumalangoy kasi mas malakas ang alon.”

Tumango si Hera at hindi mapigilang sumama ang pakiramdam. So totoo nga na kasama nito si Melfina. And here she is thinking that the kiss also meant something to him gaya ng sinabi niya. Nagkamali pa pala siya ng pagkakaintindi. Ni hindi nga siya nito pinilit na sumama kanina.

Melfina is just his friend, they say. But she can’t help but think of Jun kissing her right now the way he did to her just this morning. Mukhang ayaw nga nina Julia na bigyan ng malisya ang dalawa pero nakikita niya na kahit ang mga ito ay may pagdududa. What would she expect. What was she even thinking anyway, that Jun might actually like her? Or does she even like him?

Damn it. Wala siyang gusto kay Jun. Hindi siya ang magiging tipo niyang lalaki kahit kailan. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam niya ngayon. One thing is for sure. Naaapakan ang pride niya. These people know na siya ang girlfriend tapos heto siya ngayon at ni hindi man lang alam kung nasan ito plus the fact that he is with another girl.

After some time nagawa din ni Hera na mag-enjoy kasama sina Julia at Anita. Hindi siya kailan man nakaramdam ng pagkailang dahil sa natural na pagkamadaldal ng dalawa.

Habang kumakain sila ay biglang dumating sina Judas.

“Hera halika maligo tayo. Masarap ang tubig ngayon hindi na gaanong malamig kasi may araw.”

“Hoy Judas pwede ba kumain nalang kayo!”

Hindi nakinig ang isa pang lalaki at sa halip ay hinawakan pa ang braso niya. Hindi naman masakit pero mahigpit iyon. Agad na nailang si Hera at hindi na gusto ang nangyayari. No one ever dares to touch her without her permision. Dahan-dahan niyang hinawi ang kamay nito at saka tipid na ngumiti.

“Ok lang ako dito. Wala pa akong balak maligo kayo na lang.”

Tila hindi nakuha ng mga ito na ayaw niyang sumama.

“Aba mahiyain talaga. Huwag ka nang mahiya kami ang bahala sayo.”

“Roko ayaw niya. Kitang kumakain iyong tao.” Ang asik naman ni Anita na naiinis din dahil naistorbo pa sila.

“Tsk. Alam mo dapat maranasan mo ang maligo sa dagat. Promise mag-eenjoy ka rin doon.”

“Oo nga Irah. Halika na.”

Umiling si Hera na medyo naiinis na pero hindi niya ipinahalata. These boys can be really annoying. What part of saying na ayaw niyang sumama ang hindi nila maintindihan.

“I’m sorry next time na lang siguro.”

“Tsk pakipot pa to eh. Halika na!”

Napasigaw si Hera sa pagkabigla nang bigla siyang buhatin ni Roko na parang isang sakong bigas at itinakbo papunta sa dagat. Gulat na gulat siya habang nagpupumiglas. Natakot siya. Sobra siyang kinakabahan lalo na nang ibaba siya sa may tubig.

Tawa ng tawa pa ang iba na nanonood pero para sa kanya hindi na ito nakakatuwa. Rinig niya ang pagsaway nina Julia pero hinaharang sila nina Judas. Humampas ang alon at nababasa na siya. Nawalan pa siya ng balanse at napaupo sa tubig.

🌹 THE PROTECTOR 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon