🌹 kabanata 6 🌹

1.1K 29 0
                                        

Independent woman

“Hello din po ate.”

Natawa si Hera sa sabay na pagbati nila. Mula sa bahay ay dumungaw ang ulo ng isang matandang babae. Nakasuot ito ng eye glass at nakapusod sa likod ang halos pumuputing buhok. Kumunot ang noo nito bago nawala sa bintana.

Lumabas muli ito at ngayon ay kasunod ng matanda na si tatay Ramon.

“Jun ikaw pala iyan.” Ang sabi ni tatay Ramon na hindi maitago ang galak sa mukha sa pagkakita sa kanya.

“Siya ba iyong sundalo na kinukwento mo? Iyong galing Maynila na nagbakasyon dito kasama ang nobya?”

Titig na titig ang matandang babae sa kay Jun. Natawa si tatay Ramon sa reaksyon ng asawa.

“Oo Lolita. Kaibigan iyan ni Paul.”

Tumango ang matanda at ngumiti.

“Pasensya ka na iho. At saka malabo na kasi ang mga mata ko. Kaibigan mo pala si Paul. Ah sandali kukuha lang ako ng meryenda. Upo kayo diyan. Mas presko dito sa labas.”

“Ate ang ganda-ganda niyo po! At saka ang puti parang iyong buhangin doon sa may Daklan.”

Napatingin muli sa mga bata si Hera. Hawak ng isa ang braso niya at hinahagod samantalang titig na titig naman ang isa sa mukha niya.

“Ah oo nga pala ang mga apo ko. Sina Ramona at Paloma.”

Tumango si Hera sa matanda at nginitian ang mga bata.

“Ako naman si Irah.”

“Magnobya at nobyo po ba kayo? Ang tangkad ni kuya at guwapo. Kayo naman po mas maliit ngunit maganda.”

“At maputi!” singit ulit ni Ramona na hangang ngayon ay hawak ang braso niya.

Kahit si Jun ay napangiti sa mga ito. Napakamot naman sa ulo si Mang Ramon at nahihiyang sinaway ang mga apo.

“Pasensya ka na Jun sadyang makulit lang talaga ang dalawang ito. At saka ngayon lang may napapadpad na taga Maynila dito gaya ng nobya mo.”

Tumatawa lamang si Hera sa kaulitan ng dalawang bata. Bakas sa mukha nito ang saya. Nanatili ang tingin ni Jun kay Hera bago bumaling sa matanda.

“Ayos lang ho mukhang sanay rin pala siya sa mga bata.”

Lumabas muli si nanay Lolita hawak ang isang pitsel ng juice at mga baso na pinagpatong-patong. Narinig din niya ang usapan ng dalawa at agad na sinang-ayonan ang asawa.

“Oo pero nakakahiya parin sa inyo. Tignan mo nga at baka makalmot pa iyang nobya mo. Hay nako. Ah mga apo hinay-hinay lang sa bisita ha. Ramona tigilan mo iyang kakapisil sa braso niya!”

“Eh lola ang kinis po kasi at maputi!”

“Aba ay syempre kasi hindi siya kagaya niyo na laging nagbibilad sa araw kahit oras na ng pagtulog ng tanghali!”

Nasa isa pang papag sina Jun at tatay Ramon habang nag-uusap. Kung hindi kinukumusta sina Mang David sa hacienda ay ang pangingisda naman ang usapin nila. Halatang maramimg alam si tatay Ramon sa pangingisda at sabik ito sa pagkukuwento kay Jun. Sa tagal nito sa ganoong hanap-buhay na nakagisnan halos siya na ang nagtuturo sa mga bagohang mangingisda sa Isla o minsan sa mga gustong sumubok gaya ng binata.

Napabaling naman ang atensyon ng matanda sa mga apo at asawa na masayang tinatanggap ang mga pinamili ni Hera kanina. Sobrang saya ng mga bata na agad isinukat ang mga sapatos. Iyong mga damit naman ay halos yakapin nila sa kagalakan. Si nanay Lolita halatang namamangha din at nahihiya ngunit hindi napigilan ang malawak na ngiti para sa mga apo.

🌹 THE PROTECTOR 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon