𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 29

102 5 0
                                        

Chapter 29 - Yin and Yang

Rain Povs

"Nasan po tayo ngayon?" Tanong ko sa hari na ngayon ay nakasuot ng simpleng kasuotan at wala itong buntot.

"Bili na kayo diyan."

"Mura lang ito."

"Halina at habang mura pa."

"Hija, andito tayo sa market ng mga tao." Tiningnan ko ito. Tama naman siya nasa market kami ng mga tao. Pero ang hindi ko maintindihan nasan kami? At anong gagawin namin?

"May pupuntahan tayo, pero una sa lahat bumili muna tayo ng kakailanganin natin." Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Xayvier Povs

Ang tagal na pala noong huling nakasama ko ang aking tinatangi. Hindi ko maintindihan kung bakit pinili niya ang sumama sa mga katulad nila. Pero tanga ba ako? Ako ang dahilan kung bakit nawalay siya sa kaniyang mga magulang. Napailing na lang ako sa aking mga iniisip.

"Vania..."

"Mahal na hari! Mahal na hari!" Tiningnan ko nang masama ang gwardiyang narito.

"Ano iyon?" Tanong ko rito.

"May nakapasok na kamukha mo po dito sa palasyo."

"Kung gayon, ano pa ba ang hinihintay niyo? Pasko? Mga inutil! Hulihin nyo!" Napakuyom ako ng kamao. Sino ang mapangahas na gumagaya ng aking gwapong mukha? Napaupo ako sa aking trono at hinintay ang susunod na mangyayari.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Sigaw ng kamukha ko.

"Sino ka?"

"Hindi ako sinuka, inire ako."

"Ay maattitide." Tinapat ko ang aking kamay sa kanyang leeg at sinakal ito sa pamamagitan ng hangin.

"A-arggg..." Lumiwanag ang katawan nito at niluwa nito ang isang magandang binibini. Inalis ko ang aking kamay na nakatapat sa leeg nito.

"Sino ka?"

"F*ck. I didn't expect na magaling pala ang mga gwardiyan mo. Hinuli ba naman ako kagaad." Napailing-iling pa ito.

"Tinatanong kita! Sino ka?!"

"Chill babe, relax. Ako si Serekya, kapangyarihan ko ay kaya kong gayahin ang mukha ng isang tao at kilos nito."

"Tinanong ba kita?"

"Hindi, pero inunahan lang kita. Hayy naku. Ganto ba talaga ang prinsepe ng kaharian na ito? Pogi ka sana kaso ang sungit mo."

"Maganda ka sana kaso sa kabilang buhay ang bagsak mo." Ngumiti ako nang nakakatakot kaya napaatras ito.

"S-sorry na mahal na hari."

"Natakot bigla? Hahahahha. Patayin niyo yan!"

"Wag po wag po." Lumuhod ito.

"Handa po akong magsilbi sa iyo, maaari mo po akong gamitin sa kung anong gusto mo po. Basta please lang po, wag mo ako papatayin."

"Pag-iisipan ko, ikulong niyo na muna siya." Saad ko sa mga kawal at ginawa din nila ito. Mukhang mapapakinabangan ko siya.

Rain Povs

"Masarap ba ang tukneneng na gawa ko?"

"Opo mahal na hari."

"Mabuti naman, sana nag-enjoy ka. Gusto ko lang talaga mabawasan yang nararamdaman mo."

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Stories to obsess over. Discover now