𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 64

8 1 0
                                        

Chapter 64 - He's Back

Tanya Povs

"No! Stop!" Napapikit ako. Alam ko na katapusan niya na ito. Pero ano ba ang magagawa ko? Bakit ba kasi ang hina ko? Hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang mga mahal ko sa buhay?

"Yahhhh!" Napadilat ako dahil sa narinig ko. Hindi ako nagkakamali, boses niya ito.

"Ayos ka lang ba?" Unti unti siyang lumalapit sa akin. Bakit feeling ko nag slow motion ang paligid? Kita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala at pagkamiss sa akin. Pero bakit andito siya? Hindi bat may responsibilidad siya? Naguguluhan ako.

"Tanya, ayos ka lang? Please sumagot ka." Napabalik ako sa wisyo ng hawakan niya balikat ko. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Pero teka? Si Jiezhel. Tumakbo ako palapit kay Jiezhel na nakahandusay sa sahig. Pero parang may iba sa kanya? Nagliliwanag siya.

"Anong nangyayari?" Maya maya ay kita kong lumutang sya at mas lalong lumiwanag ang paligid. Hindi ko na siya makita dahil nababalutan na nang puti ang paligid.

"Jiezhel?" Nagulat ako nang may nakita akong magandang babae sa harapan ko. Matangkad, matangos ang ilong, pula ang mga labi at higit sa lahat blonde ang buhok nito. Nakasuot ito nang bistidang asul na may design na bulaklakin.

"B-bumalik na ako?!" Teka, hindi na siya nagsasalita ng English.

"Ang ganda mo." Nasabi ko na lang.

"Mas maganda ka rin Ate Tanya. Tingnan mo yung katabi mo. Nakatitig sa iyo. Miss ka na niyan panigurado." Pang-aasar nito sa akin.

"Shhh. May atraso yan sa akin."

"Ako ba talaga o ikaw?" Nilingon ko ito. Tama siya ako may atraso. Ano ba tong sinasabi ko?

"But meron din ako. Tanya, I'm sorry. I'm sorry dahil di kita naipalaban. Pero... Nandito na ako ngayon. Alam kong magiging masayang pamilya tayo. Lalo na't kumpleto na tayo. Hindi ko kayo papabayaan okay." Ngumiti ito sa akin. Napapikit na lamang ako.

"Paano siya?"

"Wala akong pakialam sa kanya. Ikaw lang ang tangi kong mamahalin. At higit sa lahat pumayag na ang aking tiyo. Naputol na ang kasunduan sa pagitan namin. Lalo na't nagdadalang tao ka."

"Paano mo nalaman?"

"Dahil ang mga tao sa rock kingdom ay isang beses lang sumiping ng isang babae. I mean, I can only do loving loving to one person only. And it was you." Napalunok ako.

"Kaya nakatali na ako sa iyo Tanya."

"Bakit feeling ko hindi ka masaya?"

"Tanya naman..." Napanguso pa ito.

"Oo na. Hayyss namiss kita. Namiss ka namin ng magiging anak mo. Akala ko mag-isa ko siyang papalakihin."

"No Tanya. Tayo ang magpapalaki sa kanya. Bubuo tayo ng isang malaking pamilya. You'll be my queen, and I'll be your King. Our babies will be our little princesses and princes." Napangiti ako. Masaya at kinikilig ang beshy nyo. Ang rupok ko man, subalit masaya ako sa pagbabalik niya.

Rodolfo Povs

"Buti naman nakaalis na tayo. Jusko jusko."

"Hayss need natin mag-ingat."

"Oii si Tanya yun diba." Saad ni Vania. Akmang kakawayan niya ito nang biglang mapatigil sya.

"D-denver." Saad ko na lang. Tama si Denver yun.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Stories to obsess over. Discover now