𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 6

245 17 0
                                    

Chapter 6- Bonding with Royalties

Rain Povs

"Mabuti at ngumingiti ka na ngayon Bryan." Saad ni Bryle.

"Masarap itong pagkain na ito. Parang isang mahika na kung saan nagpagaan ng aking nararamdaman. Kaya Rain, salamat sa pagluto nito." Sabi ni Bryan.

"Walang anuman po. Pero bakit para po kayong problemado noong unang kita po natin?"

"Sorry Rain, ganto talaga kami simula nang may namatay na mahal sa buhay namin." Napatango na lang ako.

"Im sorry po, sorry for your loss po."

"My girlfriend died four years ago because of the fake war. Lumaban sya for the sake of this world, pero kapalit naman non ang buhay nya. Because of  her loss, I lost my life." Saad nito habang nakatingin sa bintana.

"Bisyo doon, bisyo dito. Yan na ang inatupag ko at napasama na rin si Calvin sa akin. Feeling ko kasi, wala ng patutunguhan ang buhay ko." Mapait nitong ngiti at sumubo ng pagkain.

"Sila naman, naapektuhan din sa pagkawala ng mahal nila sa buhay. Lalo na sina Rave at Alexander. Ang daming nawala dahil sa war na iyon, napakasama talaga ng mga dark kingdom. Hindi nila iniisip ang kalagayan ng ibang tao at mas gusto lang nila na makuha ang kapangyarihan, makuha ang mundo ng mga immortal para sila ang maghari." Galit yan ang nararamdaman ko sa kanya habang nagbibitaw sya ng mga salita. Ganito ba talaga kasama sina Ate Vania at si Joseph?

"Si Calvin maliban sa pagiging mabisyo nya, naging bully rin sya. Super worst ika nga nila, mas nagiging masaya sya pag may nasasaktan na iba dahil sa kanyang mga pinaggagawa." Napanganga na lang ako. Hindi halata na bully sya at mabisyo. Kita ko na napaiwas ito ng tingin.

"Si Rodolfo, naging cold yan at seryoso. Hindi palasalita at naging manhid na din."

"Si Zyin para lang si Rodolfo, naging emo. Si Mica, malapit na sana sagutin nya si Alexander kaso namatay sya eh tas ngayon ganoon rin sya. Malungkot na malungkot. Lahat kami nagbago eh, hayst naiinis na ako." Umiiyak na si Kuya Bryan ngayon. 

"Pero thank you Rave atleast nabago mo kami." Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Hindi ko naman po kayo nabago, napagaan ko lang po yung pakiramdam nyo sa pamamagitan ng mga luto ko. Pero kahit saan man tingnan, o baligtarin ang mundo. Ang totoo talaga ay hindi pa rin po kayo nakakaalis o nakakamove-on sa nangyari noon. Nasasaktan pa rin kayo at nahihirapan kasi may mga taong mahalaga sa inyo ang nawala. Pero alam ko po, na sa susunod na mga araw, buwan o taon magiging okay po kayo. Hindi pilit kundi totoo." Nakangiting wika ko rito.

"Salamat Rain." Saad ni Mica. Nginitian ko lamang sila.

"Tama na ang dramahan. Mag bonding tayo. I-tour ka namin." Sabi ni Bryle.

=======

Vania Povs

Nakakalungkot mang isipin ay hindi na namin makikita si Rain o makakasama. Nasa loob na sya ng isang lugar kung saan, bawal ang mga Darkian na katulad ko. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya dahil parang kilala ko sya. Gusto namin sya ni Joseph dahil mabait at masipag syang tao. Hindi sya katulad ng mga naging kaibigan ko noon na trinaydor ako. Pero kung tatanungin kay Kuya? Mukhang impossible, hindi yata gusto ni Kuya sya sa hindi ko alam na dahilan. Pero siguro, deep inside ay gusto nya rin sya. Sana nga lang tama ang iniisip ko. Nang nakilala ko si Rain, inakala ko na Rain Manipulator sya but I was wrong. Her name and even her last name contradicts to her powers.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now