𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 35

46 6 0
                                    

Chapter 35 - The Killers of Lokistim

Third Person Povs

"Ouch!"

"I'll kill you bitch!"

"Fuck!"

"Aww"

"Arggg!"

"Bullshit!"

Mga samot saring daing ng mga nakakalaban ng grupo ni Rain. Hindi niya inaasahan na madami pala ang lalaban sa kanila. Mukhang napaghandaan na din nila ito bago sila sumugod sa mga kuta ng mga Lokistim.

"Napipikon na ako Rain dito!" Sigaw ni Denver sabay talon upang makaiwas sa katana na hawak ng isang immortal.

"Be careful." Saad lamang nito at hinarap ang kalaban niya. Sinunggaban niya ito ng suntok at nakaiwas ang lalaki. Tanging iwas lang ang ginagawa nito. Maliksi rin ang kilos nito na siyang kinabagal ni Rain dahil sa pagod. Nang mapagtanto ng lalaki na mabagal na ang kilos ni Rain ay agad nitong sinuntok ang kaniyang mukha. Kita niya kung paano tumulo ang dugo at manlabo ang kaniyang panigin dahil sa suntok na natanggap nito.

Maya maya ay agad rin nawala ang panlalabo at tiningnan niya ang lalaki na nakangisi. Nagpakawala ito ng apat na dagger at hinagis ito sa mga lalaking lalapit sana sa kanilang dalawa.

"Who are you?"

"Rain! The one who will end your life!" Saad nito at sinaksak ito sa kaniyang dibdib na siyang ikinamatay kaagad ng lalaki.

"Rain! Are you alright?!" Sigaw naman ni Dale na papunta sa kaniyang gawi. Agad niya itong sinenyasan na tumigil at umiba ng direksyon. Wala sa kaniyang bokubularyo ngayon ang salitang ayos. Sadyang napipikon na ito sa mga pinaggagawa ng mga lalaki sa mga kuta ng mga Lokistim.

Parami nang parami ang dumadating na mga armadong lalaki. Iba iba ang kanilang kapangyarihan at marahil kaya niya itong tapatan subalit ang kanyang pisikal na katawan ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Hindi dahil sa may malakas siyang kapangyarihan ay makakayanan niya nang patumbahin ang mga ito. Mahalaga pa rin ang kaniyang pisikal na katawan upang labanan sila. Marahil rin na kaya niyang pagalingin ang kaniyang sarili subalit hindi ito sapat dahil may mga sakit rin siyang nararamdaman at pagod na siyang ikinahihina ng kanyang katawan.

Huminga ito ng malalim at ipinikit ang kaniyang mata. Kung ibang tao man ang nakakakita sa kanya ay pagtatawanan ito at paghuhusgahan dahil sa nagkaroon pa ito ng pagkakataon na ipikit ang kaniyang mga mata kahit na nasa gitna siya ng digmaan.

"Rain!"

"Rain! May pasugod na sa iyo!"

"Gumising ka.."

Unti unting nawawala ang ingay sa kaniyang paligid. Nais niyang makapagpokus ng mabuti upang malaman niya ang magiging susunod na aksyon na pwede nilang gawin upang manalo sa digmaan. Ramdam niya kung gaano pa karami ang mga padating sa kanilang lugar. Mukhang mga tauhan ito ng lalaking nag-offer sa kanya ng isang trabaho. Maya maya ay napangisi ito nang mapagtanto kung ano ang dapat nitong gawin.

Iminulat niya muli ang kaniyang mga mata at bumulong ng mga katagang latino.

"Virtus Glacialis et Ventus totum locum munit. Ne alii inmortales evadant et locum ineant." [Power of Ice and Wind make a barrier for the whole place. Don't let other immortal escape and enter the place.]

"Potestas Pluviae, Nubis et Fulgoris immortales necant, qui obice rumpent. Pati fac ut dum intelligant sua errata." [Power of Rain, Cloud and Lightning kill the immortals that will break the barrier. Make them suffer until they will understand their mistakes.]

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now