𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 53

8 2 0
                                    

Chapter 53 - MamaLa and PapaLo

Rain Povs

"Anong nangyari kay Serekya?" Tanong ni Ace ngayon sa akin habang hinihiga sa kama si Serekya.

"Nahimatay sya, siguro dahil sa pagod. Nagtraining rin muna kami. Nga pala, may pupuntahan muna ako. Pwede bang ikaw na lang muna bahala rito? It is actually important to the point na hindi ko pwedeng icancel."

"Sure sure Rain. Don't worry, I'll handle everything here."

"Thanks leader."

"Parang ikaw na nga itong nagiging leader sa ating dalawa."

"Luh?"

"Which is yes, pero sana maging boss din kita. Boss sa buhay ko."

"Hahaha funny leader."

"Rain talaga."

"Oi oi sweethearts. Nilalanggam na kami."

"Annika naman."

"Masyado pang bata si Rain. Kaya wag mo muna yan liligawan. Kakasuhan kita ng child abuse."

"Nasa legal age naman na si Rain..." Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Zeus, Ace or Rodolfo, hindi pa ngayon ang tamang panahon. Agad agad akong lumabas at hindi na sila hinintay. Every seconds are important. Hindi ko alam kung kailan susugod ang kalaban. I can only defend them, but I couldn't lead.

"Rave." Tiningnan ko na ngayon ang dragon at mga kasama nito. Agad na nagsiyukuan ang mga ito.

"You don't have to do that."

"Pero isa kang prinsesa." Saad ng isang maliit na dragon.

"Noon, pero ngayon para sa akin, isa akong normal na immortal." Saad ko sa kanila.

"Maghintay muna kayo, gagawa muna ako ng portal patungo sa lugar na maaari niyong tirahan. Pero, paalala lang. Wag nyo iistresin sina MamaLa at PapaLo ko. Magpakabait kayo at alagaan nyo sila. Dibale, aalagaan din nila kayo. Mabubuti silang mga tao." Saad ko rito. Nagbanggit ako ng mga kataga at biglang bumukas ang portal. Agad ko silang sinenyasan na pumasok doon.

"Salamat Princess Rave." Ngumiti ako rito. Nagsipasukan na ang mga dragon, lobo at iba pang mga hayop na kinulong ng university na ito. Nang wala ng mga hayop, agad agad akong tumalon sa portal at agad na sinara ito.

Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang aking mga kasamahan. I can see their amazement from their faces. Kahit nga hayop sila, they have their own feelings like us humans.

"Magstart na tayo maglakad." Saad ko sa kanila at nagsimulang maglakad. This place was protected by me. It was actually hidden from other immortals. Ang place na ito ay isang isla, a far far isla and only I can go here since nasa akin ang portal.

Flashback

"Apo? Anong gagawin namin sa mga bagahe natin?"

"MamaLa at PapaLo, pagkatiwalaan nyo po ako ah? Ako po si White Savior, at panigurado po na pag nalaman ng mga kalaban kung ano ang tunay ko pong pagkakakilanlan ay maaaring kayo ang isunod nila. Kaya para po maging ligtas po kayo, kailangan ko po kayo dalhin sa lugar na alam ko po na ligtas kayo."

"Pero apo?"

"Marami pong kailangan na paghandaan. Pero hindi ko po hahayaan na kayo po ay mapahamak dahil sa aking pinaggagawa. Matindi po ang aking kalaban."

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now