Chapter 43 - Decision (Part 2)
Tanya Povs
"Nakakatawa mang isipin pero kahit kami wala kaming kaalam-alam sa nangyayari ngayon sa kaharian na ito. Maraming mga mayayaman noon na ngayon ay naghihirap na, ang masayang buhay noon ngayon ay naging masalimuot na. Iba na ngayon ang lahat kaysa noon."
"Mahirap pala ngayon..."
"Oo. Hindi ko nga alam kung minsan ba naisip ng ibang kaharian na pumunta sa lugar na ito at tingnan kung ano ang nangyayari sa amin ngayon. Napakasama nila!"
"Ate... Siguro po may pinapadala din po sila."
"Pero asan yung pinapadala nila? Hangin?"
"Hindi ko alam kung ano po ang nangyayari pero sana ay wag lang po tayong bumase sa isang parte ng istorya. Marahil po sa kabilang parte ay may iba pa pong dahilan."
"Siguro tama ka. Pero dahil bumalik na ang prinsipe baka umayos na ang buhay namin."
"Ano pong ibig mong sabihin?"
"Pag nagpakasal na ang dalawa, makakatulong si Zahharra yata ang name na iyon para mas lalong mapalago ang Rock Kingdom."
"Kaya ba ganon ang gustong mangyari ng hari?"
"Oo. Kaya sana ay mag-isip ng mabuti ang prinsepe. Sana maisip niya kami. Umaasa kami sa kanya." Naluluhang wika ng ale. Napatayo ako at nagpaalam na sa kanila. Sigurado na ako sa gagawin ko. Ito ang nararapat.
========
Dahan dahan akong naglakad patungo sa silid ni Denver. Ginawa ko munang seryoso ang aking mukha para hindi ko masira ang plano ko. Desidido na ako na pakawalan siya, marami siyang maliligtas kung pipiliin niya ang pagpapakasal.
"Denver."
"Love?" Saad nito sa akin habang papalapit.
"Choose them." Kita ko kung paano siya tumigil. Alam ko na hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko ngayon.
"Wait, what?"
"Choose them Denver." Itinago ko ang kamay ko na nanginginig. Kailangan na matapos ang pag-uusap namin dahil hindi ko na kayang magpretend sa harapan niya na kaya ko.
"No Tanya, I will choose you."
"Stop being a selfish person!" Napapikit ako. Ayoko malapit na, malapit ng tumulo ang mga luha kong pilit kong pinipigilan.
"I have to, dahil mahal kita Tanya. Ipaglalaban kita kasi gusto ko. So wag mo naman ako gawan ng rason para sumuko lang! Ikaw ang laman ng isip at puso ko. Kaya hindi ko hahayaan na maghiwalay tayo dahil lang sa sitwasyon natin ngayon. Maraming paraan love, we can help them, we can save them."
"When Denver?" Feeling ko magcracrack ang boses ko sa pagpipigil ko ng luha ko.
"I don't know pero gagawa ako ng paraan."
"Stop being an idiot. Stop being selfish. Stop loving me. Save your people, save your friends. They need you and you don't need me." Denver I am sorry, God knows how much I love you. But I am really sorry but I guess this is the right thing to do.
"No Tanya, no."
"I am breaking with up with you. We will choose to save them. And that's what we will do." Alam ko kakayanin nating dalawa na mawala ang isa't isa. Alam ko kakayanin natin...
"Don't!!'
"Narinig ko ba ang save?" Tiningnan ko ang hari na pumasok sa pintuan. Agad ko itong nilingon.
"I'll accept your offer."
"No Tanya." Rinig ko na pagtutol niya.
"Yes Denver." Lumingon ako rito at kita ko sa kanyang mata ang lungkot at pagmamakaawa niya na itigil ang ginagawa ko.
"Wala na itong bawian." Saad ng hari kaya lumingon ulit ako rito.
"I am really sure. But I hope na alagaan mo si Denver ng mabuti." Tumango ito at sabay na ibinigay ang kailangan namin. Ang portal na makakapagligtas sa mga Prince at Princess.
'Make sure to guide him. Please, sabihin mo sa mapapangasawa niya na mahalin siya at alagaan. Ipadama niya yung love niya sa kanya at wag siyang iiwan. Ayokong maulit ang nangyayari ngayon. Nagpaubaya na ako dahil alam ko na ito ang tama.' Pagkausap ko sa kanya habang ginagamit ang aking isip.
'Yeah sure. Promise me that you won't go back here. Palayain mo na siya. He will be get married to another person.'
'I will' I smiled bitterly to him. Mukhang hindi rin naman napansin ni Denver ang ginawa ko.
"Tanya please."
"Tanya wag."
"Handa naman akong gawin ang lahat basta sa akin ka lang." I am sorry but I can't.
"Di ko kaya." Me too Denver. But I'll choose to save thousands of lives kaysa na piliin kita.
"Wag mo naman akong ipagpapalit diyan."
"Alam ko gusto mo akong makasama."
"Please lingunin mo ako." Humakbang ako papunta sa pinto. Mas gusto ko ng umalis ngayon dahil hindi ko na kaya. Gusto ko siya yakapin, gusto ko siya halikan. Gusto ko ipadama sa kanya ang pagmamahal ko. Gustong gusto ko. Pero ano ang magagawa ko? Pinagkait sa amin ng tadhana ang pagkakataon na mahalin siya ng sobrang tagal at pakasalan siya.
"Wag naman noh."
"Ito ba talaga ang gusto mo Tanya?!"
"Stop!!!" I am sorry.
"Tanya pag lumabas ka sa pintuan na yan, sinasabi mo na itinatapon mo na ang lahat ng pinagsamahan natin. Na hindi mo na ako mahal, na hindi mo na ako babalikan. Please love." I am sorry Denver. Agad na akong lumabas ng silid at ramdam ko kung paano nagsimulang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Ang bigat sa pakiramdam na may pinapakawalan ka na isang tao na mahal mo. Hindi ko ito inexpect. I never expect this kind of situation. Ang naiisip ko lang ay magiging secured na ang relationship namin.
'I am breaking with you Denver. I am sorry but this will be the last time. Be happy with your wife.' Ipinikit ko ang aking mata. Hindi ko na kaya ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko na kaya. Hindi... I am sorry Denver.
"You must be the ex girlfriend of Denver." Tiningnan ko ang babae na mas matangkad sa akin. Dinaanan ko lang ito at nagsimulang maglakad patungo sa labasan ng lugar na ito.
"Kinakausap kita! Bastos ka eh noh?" Sabay higit nito sa akin. Agad kong inalis ang kamay nito sa aking braso at sinamaan ito ng tingin.
"Bastos? Well I am sorry if I ignored you. But I am not interested to talk to you." Saad ko at umalis na. Wala akong panahon sa mga katulad niya.
Someone's Pov
"Isssshhh Daddy. Nakakainis talaga ang babaeng iyon."
"Calm down darling. You should be happy that she let go him."
"That's not the point at all."
"That is. It's our plan to make him marry you by blocking their connections outside."
"Yeah I know."
"I have to go now darling. I need to do something."
"Sure Dad."
"I'll be giving you a medicine after 2 days."
"Sige lang Dad. Make sure na effective na siya ah? I really want to reign this whole Magestic Immortal World. Kailangan na mapalitan ang mga Heaven na iyon."
"Yes. Gotta go now. Bye."
"Bye."
I hanged up the phone. This is going to be interesting.
A/N: Hey. Another update ulit po for today. November 18, 2023. Enjoy sa pagread nito. Thankies.
DON'T FORGET TO:
VOTE
FOLLOW ME IN WATTPAD: (BlackRhunterxWP)
YOU ARE READING
Elemental Princess of England 2 (The Missing Savior)
Mystery / ThrillerIsang Nerd Mahirap Magaling makipaglaban Inaayawan ng ibang tao Pulubi na kung pulubi ang turing nila sa kanya Sya pa rin pala ang tagapagligatas nyo.
