Chapter 5- Leveling
Rain Povs
"Good morning students. Are you excited?!" Tanong ng Emcee.
"YES!!!" Sigawan nila.
"Well bago magsimula. Ako pala ang inyong maganda na Emcee. Ako si Junwiel 'Jiel' Pineda. Ang host nyo ngayon." Sabi nya. Lalaki sya ah pero bakla sya.
"Well bakit nga ba natin ito ginagawa? Well the answer is para malaman natin kung saan mapupunta ang mga newbies. Every year may 6 leveling tayo. Ang mechanics natin ay we are able to use our powers not our weapons. Kaya simulan na!!" Sigaw nya. Ang ingay po. Super ingay.
"Ang unang magpapakitang gilas ay si Tyron Asnor. Well isa syang Fire Manipulator." Sabi ni Jiel.
Bumaba ang lalaki. Ang mga kalaban nya ay Jolobos at Dragons. Same lang naman yun eh. Bale tig lima so sampu ang kalaban.
========
"Well magaling ang ipinakita ng ating kalahok number 10. Ngayon si Rain Anne Emerald naman ang sasabak." Sabi ni Jiel. Bumaba ako.
Kinakabahan ako dito ah. Hindi ko kaya.
Third Person Povs
Nagsilabasan ang mga kalaban ni Rain. Malalaki ito at nakakatakot. Pag nakita sila ng mga mortal ay maiihi na sila sa pantalon dahil sa itsura nila.
Isa isang sumugod ang mga ito. Nauna ang isang Jolobo. Nilabas ni Rain ang Dagger at pinatamaan ito sa puso.
Kung paano ni Rain tamaan ang Jolobo noong una ay ganoon din sa iba. Sumunod naman ang iba.
Ang mechanics ng levelling ay may isang minuto ka para matalo lahat ng kalaban.
Nagpagulong gulong sya dahil sa naglalabas ito ng nagbabagang apoy. Nilabas nya ang ginawa nyang relo. Pinindot nya ito at naging Bow ito na may arrow. Pinatamaan nya ang mga Dragon. Ang arrow na iyon ay pinagsama samang kapangyarihan ng mga powers. Kaya madali lang nya natalo ang mga ito.
Rain Povs
======
Napagod ako doon ah. Pero masaya ako dahil mapapabilang ako sa Royalties. Ang saya saya ko ngayon. Sabi nila magaling daw ako dahil sa 30 seconds ko lang daw ko yun nagawa. Akala ko kasi ay malapit nang mag time eh. Ako lang ang napasama sa royalty class. Actually ang royalty class ay para din sa magagaling na students din. Lima ang napunta sa Gold Class, dalawa sa Diamond at apat sa quartz Class, ang pinakamamababang class.
=======
Ace Povs
She's cute naman talaga. Innocent but strong when she's having a fight. I don't expected it.
Tama si Jiel. May 6 leveling sa newbies per year. At 4 leveling sa amin dati. Maganda din dito noon, not now because she's gone.
"Hey! Kamustahin natin sya kaya?" Tanong ni Mica.
"That's a nice idea bago tayo mag investigate." Sabi ko.
"Ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang kilala ko na sya noong una pa lang." Sabi ni Aika or Anikka. Ang Dorm ng mga royalties ay hiwalay hiwalay. Meron din kaming place para mag usap usap. Royalty Class have 50 students. Ganoon karami.
"Nakakainis talaga." Sabi ni Rio.
"Why?" I asked.
"She's annoying. Napakalandi. Kung sino sino ang nilalapitan. Pinapagod nya yata ako eh. Mabuti at tumulong si Zian. Kundi baka namatay na ako. Pwede naman kasing pabantayan yang babae na yan sa iba. Ba't sa amin pa. Nakakatawa." Halata sa boses nya ang pagiging sarcastic.
"Geulae geuui gwonli." Zian said.
Translation: Korean
Yeah, his right.
"Geu sonyeo neun neomu." Zian added.
Translation: Korean
That girl is so very annoying.
"Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi mo." Sabi ko
"Sorry. Nevermind that." He said.
"Puntahan na natin sya. Excited na ako." Sabi ni Anikka. Kita sa mga mata nya ang kasiyahan.
=======
Rain Povs
Bukas daw mag start ang klase. Kaya eto ako ngayon nagluluto. Sabi nila may pagkain na daw ako at pwede na din akong magluto.
Well nagluluto na nga ako. Nagluluto ako ng adobo. Marami ito at balak kong bigyan ang mga royalties. Ang gaan kasi ng loob ko sa kanila.
*Knock Knock*
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang mga royalties. Nakangiti sila.
"Pasok kayo." Masyang wika ko. Actually ang laki nitong dorm ko. Libre daw ang dorm. Malaki sya kasing laki ito ng isang classroom. Black din ang theme nya. Napili ko yun eh. Favorite color ko yun.
"Wow ang bango ah." Sabi ni Rio.
"Pasensya na. Di ko pa ito naaayos kadadating ko pa lang po dito kanina." Paumanhin ko sa kanila.
"Okay lang. Ang sarap siguro nyan. Pwede patikim?" Tanong ni Calvin. Sinamaan nila ito nang tingin.
"Oo po naman. Nagluto po ako ng marami dahil po bibigyan ko po kayo nyan." Sabi ko. Lumapit ako. Well tapos na.
"TALAGA?!" Pasigaw na tanong ni Bryan.
"Opo. Pero wala pa po akong masyadong kagamitan. Isang plato lang po ang nakita ko dito eh." Sabi ko.
"Kukunin namin ang plato namin." Sabi ni Mica. Tumango ako. Nagsilabasan sila.
Well actually maganda dito. Ang uniform ng mga royalties ay Black and Gold. Pinaghalo ito. Sa blouse ay Black ito. At gold naman ang ribbon. Sa kanang bahagi sa may harapan ay may pangalan mo. Hindi uso sa kanila ang may logo. Sa skirt naman ay black ang gold. Tas may coat din at Black din at may nakaburda na pangalan sa harapan lang. Full name ko ito at kulay gold ang pinangburda dito. May dalawang bulsa ito sa baba. Well ang skirt ay maiiksi lang. Kung i measure mo. 5 inches above the knee yun. Maganda din yun dahil may nakalaylay sa kanan. At ang medyas ay Gold ang color na may black din. Tas Black shoes naman. Ang University ang nagbigay nito. 2 pairs ito. May jogging pants din. At Black ito. Sa side ay kulay Gold at sa kanan ay DEU at sa kaliwa ay Royalty ang mga nakalagay. Tas sa T-shirt naman ay Black ito. Sa harapan ay nandoon ang buong pangalan ko. Nakasulat ito ng cursive at gold ang kulay. Sa jacket naman ay may sulat sa harapan atsaka likod. Sa may bandang kanan ay nakasulat doon ang Rain Anne at sa likod ay nakasulat o nakaburda ay Emerald. Same with skirt at blouse ay 2 pair din ito. Ang pasok ko bukas ay 7:30 Am. Pero mga five maglilibot na ako at mag jogging.
"We are back." Sabi nila. Pumasok sila at dala nila ang plato nila. Mabuti at naka saing na din ako. Pinabayaan ko sila na kumuha ng kakainin nila.
"Yum yum. Ang sarap nito ah. Mapapatalon ka sa sarap nito." Sabi ni Zian. Ngumiti ako.
"Eh ba't ka di tumatalon?" Tanong ni Anikka.
"Girl naman eh." Sabi ni Zian. Ang sweet nila.
"Thank you. 75% ang nabawasan na kalungkutan at napalitan ito ng kasiyahan." Sabi ni Bryle at ngumiti sya. Ngumiti din ako.
"Walang anuman po." Sabi ko.
"Friends?" Tanong nila sa akin.
"Sige po. Friends." Sabi ko.
"Ang sarap talaga nito. Ito na ang favorite ko." Sabi ni Bryan.
"Talaga? Salamat." Sabi ko. Sumubo ako.
A/N: Hello guys. Nagustuhan nyo ba? Kung oo thank you very much.
DON'T FORGET TO:
VOTE
FOLLOW ME IN WATTPAD: (BlackRhunterxWP)
Walang paalala si Author. Pero dapat maging masaya lagi.
YOU ARE READING
Elemental Princess of England 2 (The Missing Savior)
מסתורין / מותחןIsang Nerd Mahirap Magaling makipaglaban Inaayawan ng ibang tao Pulubi na kung pulubi ang turing nila sa kanya Sya pa rin pala ang tagapagligatas nyo.
