𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 52

13 2 0
                                    

Chapter 52 - Training 2 with the Dragon of Truth

Rain Povs

As day passed, natanggap na ni Tanya ng buong buo ang bata. She was really excited to the point na gusto niya na ipanganak ang baby. Pero sa paglipas din nang panahon, mas lalong nagiging kakaiba ang craving ni Tanya na minsan mapapatampal na lang kami ng noo dahil sa hirap ng pinapagawa nya. Like, saan kami makakakuha ng hugis puso na mangga?

"Rain" Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Si Serekya pala, ang itinakda.

"Serekya" Ngumiti ito sa akin ng malapad. Halatang handa na sya sa aming pagsasanay ngayon.

Hindi ko lang aakalain na sya ang itinakda, ang pagkakaalam ko rin noon ay ako. Pero ipinaliwanag sa akin ng Prinsesa na tanging tagahanap lamang ako at may isa pang role pero malalaman ko iyon sa itinakdang oras.

"Kumuha ka riyan ng mga armas, at may mga makakalaban ka na manggagaling roon." Turo ko sa isang pintuan.

"Sige sige."

"Kung gayon, ika'y maghanda na. Talasan ang iyong pandinig, paningin at pandama upang hindi ka matalo sa laban mo."

"Sige Rain." Agad siyang naghanda sa paparating na mga kalaban. Pinindot ko na ang pulang button at nagsilabasan na ang mga makakalaban niya. Ito ay mga lobo at isang dragon. Alam ko na kakayanin nya ito, at sa ngayon kailangan niya rin sanayin ang paggamit ng espada.

Kita ko kung paano ito tumalon ng mataas sa ere upang iwasan ang atake ng isang lobo. Agad niyang ginamit ang espada at itinutok ito sa isang lobo, subalit bago pa man niya ito matusok ng espada ay bigla itong naglaho na parang isang bula. Kahit ako ay gulat na gulat sa aking nasilayan sapagkat ngayon ko lamang ito nalaman. Mukhang may mga binago ang staff ng school sa Training Room na ito. Hindi na rin ako magtataka kung iyon rin ang nais nila, kailangan na rin kasi na maghanda para sa pagsalakay ng mga kalaban sa akademya o kaya naman sa buong Majestic Immortal World.

Kita ko kung paano nawala sa focus si Serekya, maya maya ay lumitaw na ang lobo sa kanyang likuran. Agad sinugod ng lobo si Serekya at kinalmot ang kanyang likuran. Kita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Im fine, dont worry Rain." Saad nya ng akmang ititigil ko na ang laban. Agad itong tumayo at tumingin sa kanyang mga kalaban. Hinawakan niya nang mabuti ang kanyang sandata sabay iwinasiwas sa ere. Agad na nagsi-atrasan ang kalaban upang hindi madaplisan ng espada.

Agad na nagsilapit ang mga lobo sa pwesto ni Serekya at hinanda niya ang kanyang sarili sa pag-atake nito. Habang ang dragon naman ay nakatingin lamang kay Serekya. Ano ba ang balak nito?

Maya maya ay natalo na ni Serekya ang mga lobo. Tila'y nagulat pa ang dragon sa kanyang nakita. Agad itong bumaba patungo sa lupa at hinarap si Serekya.

"Hindi ko aakalain na matatalo mo ang aking kasamahan." Napatakip ako ng bibig ng mapagtanto na nagsasalita ang mga ito.

"Ikaw na ang sunod."

"Alam ko, at hindi kita hahayaan na matalo ako ng isang tulad mo na ipinanganak ng reyna ng kasamaan!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang nanay mo ang syang dahilan ng pagkakagulo ng lahat!"

"Hindi kita maintindihan."

"Oo nga pala, paano mo ako maiintindihan kung hindi mo kilala ang tunay mong ina."

"Sino? Sino ba sya?"

"Serekya... Dragon, tumigil ka na?! Paano ka nakakapagsalita?" Tanong ko rito habang palapit sa kanya.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now