Bring Back Jiezhel 3
Rave Povs
"Ayos ka lang ba Tanya?" Tumango naman ito.
"Malayo layo pa yata tayo."
"Oum wala pa akong nakikita na bahay."
"We cannot fly either."
"I agree."
"Forbidden ang powers yata natin dito sa gubat. Ni hindi ko rin magamit ang air whip ko."
"Useless din pala kung may ability ka to fly."
"TAHIMIK!" Napatigil kami sa aming narinig.
"Woi? Sino yun? Umayos kayo hindi magandang biro toh!" Saad ni Aika. Napalingon ako sa paligid at alam kong hindi galing sa kanila yun. Napakadeep ang boses nito at nakakatakot. At kahit na ibahin nila ang mga boses nila ay imposibleng maabot nila ang gantong kadeep ang voice.
"Sino ka?! Magpakita ka sa amin!" Sigaw ko rito. Maya maya ay may naramdaman kaming pagyanig ng lupa. Kita ko rin ang paglapit sa amin ng isang puno.
"BAKIT KAYO NASA AKING LUPAIN?!"
"Isa kang puno?"
"OO, AKO'Y NAGMULA SA PAMILYANG TRESEROUS."
"Kung hindi ako nagkakamali, ito ay tawag sa mga punong nakakapagsalita at nakakapaglipat lipat." Saad ni Serekya.
"Territoryo mo ito?"
"OO! SINO ANG NAGBIGAY SA INYO NG KARAPATAN UPANG PUMASOK RITO?!" Kahit na gusto kong takpan ang aking mga tenga sa sobrang lakas ng boses nito ay hindi ko magawa.
"Maaari mo bang hinaan ang boses mo?" Tanong ni Tanya rito. Napatingin naman ang Treserous kay Tanya.
"Buntis ka?"
"Oo ginoo." Mukhang napasunod naman ni Tanya ang Treserous.
"Anong pangalan mo?"
"Tanya"
"Tanya? Magandang pangalan, parang ito ay pamilyar sa akin subalit hindi ko na rin maalala dahil sa aking katandaan. Ako pala si Tobias."
"Nagagalak akong makilala ka."
"Ginoong Tobias, pwede ba kaming makiraan sa territoryo mo?" Tanong ko rito.
"Ikaw ba ang Elemental Princess?"
"Oo ginoo."
"Masyado ka pa ring mahina."
"Alam ko."
"Pero kung hahayaan mo ang sarili mo na tanggapin ang lahat, kontrolin ang emosyon at higit sa lahat mag-isip ng mabuti. Alam kong lalakas ka."
"Sana."
"Hindi ka ba naniniwala sa kakayahan mo?"
"Hindi naman sa ganoon. Pero hindi ko alam kung magagawa ko ito."
"Yan ang mali sa iniisip mo. Kung nais mong maging malakas, dapat handa kang harapin ang lahat at higit sa lahat maging positibo ang iyong pag-iisip."
"I'll try to follow it."
"Huwag mo lang subukan, kundi gawin mo ito." Napatango na lamang ako.
"Ginoo, maaari mo ba kaming padaanin?"
"Hindi muna, kailangan niyo munang paghirapan ang lahat bago kayo makalagpas sa akin."
YOU ARE READING
Elemental Princess of England 2 (The Missing Savior)
Misteri / ThrillerIsang Nerd Mahirap Magaling makipaglaban Inaayawan ng ibang tao Pulubi na kung pulubi ang turing nila sa kanya Sya pa rin pala ang tagapagligatas nyo.
