Chapter 8- Bad Day 2 (Continuation of Bad Day 1)
Rain Povs
Ngayon ay recess namin. Dumeretso ako sa cafeteria. Panay tingin nila ng masama sa akin. Sanay naman na ako.
"Ate water po at isa pong sandwich." Sabi ko at ibinigay na ang pagkain ko. Kakainin ko na lang to sa classroom. Nakalimutan ko na sabihin ay may Take out din sila dito. Pero totoong tao na to. Napadpad kasi ako sa Gold Building kaya nagtataka sila sa akin. Maganda ang uniform nila.
Black and Gold din pero mas naka highlight ang Gold kaysa black.
"Hmmm ah ikaw yung newbie ng Royalty class right?" Tanong ng babae. Taga Gold Class sya.
"Opo." Sabi ko.
"Tsk stupid. Ba't ka napadpad dito?" Tanong nito.
"Naisipan ko hong bumili dito eh. Ayaw ko naman sa Royalty Building bumili." Sabi ko.
"Pero nabalitaan namin na ginagamit mo ang mga Prince at Princess para maging famous. Pero nerd hindi yun mangyayari eh." Pang aasar na wika nya.
"Hindi ko naman sila ginagamit. Kaibigan na ang turing ko sa kanila." Sabi ko. Totoo naman eh.
"Kaibigan ba talaga o pagiging plastic na kaibigan?" Tanong nya.
"Hmm sabihin natin na kaibigan talaga. Hindi pagiging plastic. Wala sa aking bokubularyo ang salitang plastic dahil totoo ako. Nagpapakatotoo ako. Kaya excuse mo ho pero ayoko ng away eh. Kailangan ko nang umalis." Sabi ko at naglakad ng mabilis. Hinabol nya pa ako kasama ang mga kaibigan nya. Dumeretso ako sa Royalty Building pero pumasok pa din sila. Ma late na ako eh.
"Teka paano kayo nakapasok? Diba bawal kayo dito?" Tanong ko.
"Oo. Maliban lang kung meron kaming basbas ng isang Royalty." Sabi nya.
"Ah ok. Teka sino po yun?" Tanong ko.
"Ako." Sabi ng kung sino sa likod nila ng babae.
"I'm Xavia Vicente." Sabi nya.
"The White Savior." Tuloy nito.
"Ok." Walang gana kong sabi. Hindi ko alam kung saan ko ito natutunan.
"Paano mo kaya napasunod ang Prince at Princess?" Tanong nito. Palapit sya nang palapit ako naman si atras ng atras.
"O baka ginayuma mo sila?" Sabi ni Xavia
"Oh my God. Ginayuma ni Nerd ang Prince at Princess."
"Slut."
"Nerd na nga papansin pa."
"O baka isa kang Wizard o Witch?" Tanong nya pa. Tumigil ito. Isang metro ang layo nya sa akin.
"Pasensya na ho ah. Hindi po ako nakikipag away. Late na po ako." Sabi ko. Aalis na sana ako nang hilain nya ang buhok ko para mapigilan ako na umalis.
"Nasa meeting ang nga teachers. Sa may isa pang building. Libre kami na makagala ngayon." Sabi nya.
"Atsaka wag kang aalis. Sagutin mo muna ako." Sabi nya.
"Imposible naman na maging Wizard ako o maging Witch. Ang pagkakaalam ko ay dalawa lang dapat ang kapangyarihan ng isang mortal. Sabihin nating Major power." Sabi ko
"Yeah. Pero may isa pa diba kaya pwede ka maging Wizard o maging Witch." Sabi nya
"Oo nga naman. Ang pagkakaalam ko Weapon Manipulator yang babae na yan."
YOU ARE READING
Elemental Princess of England 2 (The Missing Savior)
Misterio / SuspensoIsang Nerd Mahirap Magaling makipaglaban Inaayawan ng ibang tao Pulubi na kung pulubi ang turing nila sa kanya Sya pa rin pala ang tagapagligatas nyo.
