𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 59

33 2 0
                                        

Chapter 59 - Bring Back Jiezhel 2

Rave / Rain Povs

Another new morning nanaman. Sa mga nakalipas na mga araw, unti-unti nang bumabalik ang mga bagay-bagay sa dati. Hindi man lahat, pero atleast meron pa rin. Maraming mga immortal ang namatay dahil na rin sa mga kasamaan. At ngayon, may isa kaming misyon, ibalik sa dati si Jiezhel na naging isang Lokistim.

Paano ba namin siya nakilala? Simple lang, dahil sa mga piraso ng espada na hinahanap namin upang manalo mula sa kasamaan. Subalit sa paghahanap namin nito, mayroong isang tao na ninanais na mapasakamay ang mga lokistim at kapalit nito ang piraso ng espada na hinahanap namin. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil may mga reinforcement kami. Dumating ang childhood friend ko na si Kuya Dale at mga kasamahan nito. Dito rin mas lalo naming nakilala ang mga lokistim at sumama na rin sa amin si Jiezhel.

Nalaman namin na isinumpa sya ng isang witch dahil sa naging asal nito sa kaniya. At ngayon, hahanapin namin ito upang maibalik sa dating anyo si Jiezhel sapagkat wala sa aking kapangyarihan ang baliin ang sumpang ginawa ng witch na ito.

=========

"Naka ready na ba kayo guys?"

"Syempre naman Rave. Halina ah!" Saad ni Mica.

"Sige sige. I-auto pilot ko lang ito para hindi ko na kailangan mag mano-mano. Una nating pupuntahan ang nahing tuluyan ng witch na ito upang makahanap tayo ng clues about dito."

"Rave, dont worry, kaya mo yan. Ikaw na bahala!" Saad ni Tanya habang napa thumbs up pa. Ngumiti at tumango ako rito. Agad kong tinurn-on ang autopilot ng eroplano na ito. Kanina ko pa nailagay sa system ang location ng bahay ng witch. Subalit ang magiging problema lang namin ang paglalapagan ng eroplano. Ang paligid ng bahay ng witch ay mga punong matataas. At kahit na naisin namin na bumaba ay hindi kakayanin ng aming mga katawan sa sobrang taas nito.

===========

"Rave, wala ka ba talaga kakayahan na buhayin ang mga patay?" Curious na tanong ni Aika.

"Ang alam ko wala. Kahit na isa akong Elemental Princess, limited pa rin ang aking kakayahan."

"Nakabelong si Rave sa linya ng mga God and Goddesses."

"Pero mababang uri na iyon sa kanila?"

"Hindi naman sa ganon iyon."

"Ehh ano? Hindi ko gets Vania, I mean Fauna." Saad ni Aika.

"Nasa middle part si Rave, pero kahit na nasa dugo niya na rin ang pagiging Goddess, hindi pa rin sya ganap na Goddess."

"Aww so kailan?" Tama siya? Kailan ba ako mapupunta sa ganoong sitwasyon.

"Pag nagawa mo na ang task mo." Hindi alam ang ibig sabihin niya. Natalo ko na rin naman ang kasamaan. Ano pa ba ang kulang?

"Pero-"

"May other tasks pa si Rave."

"Kalabanin ang Nanay ko." Saad ni Serekya. Tama siya, isa din ang nanay niya sa mga nanggugulo sa mundo namin. Nagpapalaganap siya ng kasamaan sa pamamagitan ng pagpapasunod sa mga immortal.

"Hindi ba masakit sa iyo ang ganoon?"

"Hindi, kung nakasama ko siya. Kaso iniwan niya lang rin naman ako. Tsaka naniniwala ako na dapat manaig ang kabutihan kaysa sa kasamaan." Tama si Serekya, pero alam ko pa rin na hindi magwawakas ang kasamaan. Sa mundo man namin yan o kahit sa mundo ng mga tao. May mga masama at mabuti para ibalance ang mundong kinagagalawan namin. Kung wala ang isa, hindi rin mararanasan ang tunay na diwa ng mundong ito.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Stories to obsess over. Discover now