Chapter 7- Bad Day 1
Rain Povs
Another day nanaman, ginawa ko na ang mga morning rituals ko at sinuot ko na ang napakacute na uniform. Hindi ako sanay na ganto kaikli ang uniform o mga suot ko. Hindi ko naranasan na magpalda o magshort. Sanay ako sa jogging pants. Yun ang uso sa amin.
Kung tatanungin, ano ang itsura ko? Kulot ang buhok ko at may makapal akong salamin na binili nila MamaLa at PapaLo. At may brace ako para magpantay ang ngipin ko. Nasanay ako sa pagiging mahirap na tao dahil sa ganoon kami. Hindi din kami yung tipo ng tao na one day millioner. Kasi, marunong kami na mag tipid.
Nakakuha ako ng ID Cellphone. Yes. ID Cellphone. Nakasabit ito sa lace. Parang ID ang style. Pwede kang mag games sa cellphone at yun din ay ginagamit sa pagbabayad ng kailangan mo. May laman itong 5k kaya nakakatuwa. Every week kasi may 5k na nadadagdag sa pera namin. Allowance namin as a royalties.
Bumaba na ako at nakita ko silang nag aantay na din. Napaka gwapo ng mga prinsepe at prinsesa sa mga suot nila. Yumuko ako rito bilang paggalang sa kanila.
"Hi Rain. Sumabay ka na sa amin. Ano bang course ang kinuha mo? Ako kasi ay Medical. Kasama na din si Zian at Mica. Tas si Ace naman ay Criminology. Eh sa ang galing nya. Si Calvin at Bryan pati na din sila Hero at Rio ay Law ang kinuha. Sila Denver at Tanya naman ay Business yung sa kanila. Eh sa iyo?" Tanong ni Anikka.
"Criminology po." Sabi ko
"Sakto at kasama mo si Ace. Sya ang magiging kaklase mo. Dalawang subject lang yata na magkakaklase tayong lahat. Yung Training at MAPEH. Kakaiba kasi dito eh. Lahat ng subject mo noong grade 8 ka ay subject mo din. May mga idagdag din na subject per course mo." Paliwanag ni Anikka ulit. Naglakad na kami. Panay tinginan ng mga student sa amin. May napapansin din akong masasamang tingin. At alam ko para sa akin yun. Yumuko na lang ako.
"Bayaan mo sila. Inggit sila sa iyo dahil sa nakasama mo kaming mga Royalties." Sabi ni Anikka. Napangiti ako.
"At nakalimutan kong sabihin sa iyo na every first subject ay magkakasama tayo. Ang subject na iyon ay tinatawag na HGP." Sabi ni Mica. So ibig sabihin ay tatlong subject kami magkakasama. Nice yun. Nauna ako sa kanila dahil na OP ako eh. Habang papasok ako ng classroom ay may yumakap sa akin kaya napapikit ako at nagulat. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko si Bryle na may paint na natapon sa kanya. Tumingin ako sa taas at nakita ko na may balde doon na nakasabit at nakataob.
"Are you okay?" Tanong ko. Teka kailan ba ako natutong mag english.
"I should be the one who will ask you that question." Sabi nya.
Ace Povs
Habang papasok sya sa classroom ay may naramdaman ako na masama. Niyakap ko sya at alam ko na mabubuhusan ako ng paint. Malamig din yun. Swerte ko at sa coat lang yun.
"Are you ok?" Tanong nya. Base sa boses nya ang pagiging mahinahon.
"I should be the one who will ask you that question." Sabi ko.
"But I'm ok. Thanks for being concern." Habol ko.
"Oh my God. Anong ginawa nila kay Prince Rodolfo?"
"Ac at Aj the heck did you do?"
"Dapat kasi sana kay Nerd yun hindi kay Rodolfo."
Pinakinggan ko ang mga kaklase ko sa sinasabi nila.
"A-amm p-pwede na p-po ba k-kayo bumitaw?" Nauutal na tanong ni Rain. Hindi ko napansin na nakayakap pa din ako sa kanya.
"Sorry." Sabi ko. Umiinit ang ulo ko.
"YOU!! AC AND AJ!! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!" Sigaw ko sa kanila.
"H-hindi naman po dapat kayo ang mabubuhusan nyan pero kasi humarang kayo." Paliwanag ni Ac.
"So ibig sabihin si Rain?!" Pasigaw kong tanong.
"O-oo dahil sya naman talaga yun." Sabi ni Aj
"Both of you are not allowed to bully someone! Anong akala nyo?! Na bata kayo?! The heck I care kung bata pa kayo! Kasi hindi yan ugali ng isang college student! Rain is just a transferee! And wala syang ginawa sa inyo kaya sana tumigil kayo!" Galit na wika ko.
"Eh ano namang paki mo?!" Sigaw ni AC.
*Pakkk*
Sinampal sya ni Mica.
"Pake nya ha?! Bestfriend naman namin sya. Kaya wala kayong karapatan na saktan sya!" Sabi ni Mica
"Bestfriend na pala ah?! Wala syang ginawa sa amin pero sa boss namin oo." Sigaw ng babae.
"Sinong boss nyo?!" Pasigaw na tanong ko.
"Bakit ko yun sasabihin?" Tanong nito.
"Ac tumigil ka na." Sabi ni Aj.
"Both you are not part of this royalty class anymore. Being a Ssg President at bilang prinsepe mapupunta kayo sa Quartz Class. Makaka accelerate lang kayo pag meron na kayong talino at respeto. Leave!!" Maawtoridad na utos ko. Umalis din sila.
"Thank you." Sabi ni Rain. Kumalma naman ako doon sa boses nya.
"Walang anuman." Sabi ko. Umupo na kami. Lahat ng usosera ay naupo na din.
Rain Povs
Natakot ako kay Bryle dahil sa galit nya.
Maya maya ay dumating ang prof namin. Pinapunta nya ako sa harapan para magpakilala.
"Good morning. My name is Rain Anne D. Emerald. 18 years old and a Weapon Manipulator. At nag iiwan ng kataga na Aanhin ang kagandahan kung hindi naman kabutihan. And I thank you." Sabi ko at uupo na sana ng madapa ako. May nagpatid sa akin. Babae sya. Tumayo ako dahil nakakahiya kasi pinagtatawanan na nila ako. Umupo na ako. Masakit din yun. Kahit tiles yung sahig ay nasugatan ako. Masakit yun. Mamaya na lang ako pupunta sa Infirmary.
"OMG Rain. May sugat ka. Halika gagamutin namin yan." Pabulong na wika ni Mica.
"Wag na. Okay lang ako noh." Sabi ko. Bakas sa mga mukha nila ang pag aalala. May sugat kasi ako sa tuhod.
"Okay lang toh at-" Hindi ko alam kung paano mag re-react. Naghilom ang sugat ko. Kabilis. Sila din ay nagulat. Walang bakas ng sugat pero may dugo.
"Rain." Sabi ni Bryle.
"Paanong nangyari na nawala ang sugat mo?" Tanong ni Bryle ulit.
"H-hindi ko alam." Sabi ko. Nagtataka din ako. Alam ko na may apat ako na kapangyarihan pero imposible ito. Hindi ako bampira.
Joseph Povs
"Prince." Magalang na bati ni Kuya Jeyo. Isa sya sa kawal namin na napilitan na sumama sa amin.
"Kuya pwede one favor?" Tanong ko at natigilan sya.
"S-sige po." Sabi nya na nauutal.
"Kuya naman po eh. Wag kayong mag po. Kunwari matanda ka ay oo matanda ka pala kaysa sa akin. Basta don't use po again." Sabi ko at tumango ito.
"Pakibantayan nyo po si Rain. Sa tingin ko po kilala nyo na sya eh. So sabihin nyo po ang pambubully nya sa kanya. Tas pag lumala pupunta ako doon kahit bawal." Sabi ko.
"Sige po. Sisimulan ko na ho ngayon." Sabi nya
"Wag nang ho." Sabi ko. Natawa naman sya.
Mag iingat ka ah. Miss na kita Rain, my love.
A/N: Well magiging spoiler po ako. So magiging super miserable si Rain sa kamay ng mga tauhan ni Xavia.
DON'T FORGET TO:
VOTE
FOLLOW ME IN WATTPAD: (BlackRhunterxWP)
YOU ARE READING
Elemental Princess of England 2 (The Missing Savior)
Mystery / ThrillerIsang Nerd Mahirap Magaling makipaglaban Inaayawan ng ibang tao Pulubi na kung pulubi ang turing nila sa kanya Sya pa rin pala ang tagapagligatas nyo.
