Chapter 2

393 88 27
                                    

Napapikit ako sa malamig na simoy ng hangin dito sa bintana. Kahit pa maraming kailangang ipasa na notes sa mga teacher ay hinayaan ko na lang muna ang sarili ko na makapagpahinga dahil nangangawit na rin naman ang mga daliri ko sa pagsusulat.

“Taray, damang dama ang pagiging tamad.”

I opened my eyes and gave Casseydey a look when I turned to her.

“Nagsalita ang babaeng spoiled na hindi mautusan sa bahay.” Inirapan ko siya at muling kinuha ang ballpen sa armrest.

I sighed.

“Alam mo, parang mas marami ka pang problema kaysa sa subject na Mathematics.”

Lahat na lang ay pinansin.

“I-search mo sa Google kung may pakialam ako.” Sabi ko sa kanya.

Tumawa naman siya sabay kuha sa cellphone niya kaya kumunot ang noo ko.

“Ay, no results.”

Dahil doon, hinampas ko siya ng notebook ngunit mas lalo lang lumakas ang tawa niya.

“Impakta ka talaga.”

Pagkatapos noon ay hindi na namin ulit nagawang magpakasaya.

Dire-diretsong pumasok ang teacher namin sa Statistics and Probability dala ang announcement na bangungot sa aming mga taga salo ng patong-patong na tasks.

“I-re-record ko ang last quiz ninyo na magiging final project na ninyo sa akin. One hundred points iyon kapag perfect score, at mayroon lamang tayong ninety-five items kaya kung hindi ninyo ma-perfect, kung ilan lamang ang nakuha ninyong scores ay iyon lamang ang points ninyo.”

“Ma’am.” Nagtaas ng kamay si Natasha.

“Yes?”

Tumayo ang babae bago magsalita. “May dagdag points po ba kapag complete notes?” Pagkatapos niyang magtanong ay muli siyang umupo.

Sumagot naman ang guro sa harapan. “Bibigyan ko kayo ng oras para kumpletuhin ang notes ninyo dahil may additional points kapag completed. Sa Friday, kailangan ay makapagpasa na kayo ng notebook sa time ko. Kapag natapos ang klase natin ay hindi na ako tatanggap ng mga notebook na late ipinasa.”

Nang sabihin niya iyon, nagsimula na siyang magsulat ng mga formula sa board. Nagsimula na rin kaming magklase kaya inayos ko ang aking sarili at nakinig sa kanya habang kinokopya ang bawat numerong nakasulat sa harap.

Nakipagbuno ako sa mga sumunod na subject, at nang mag-dismiss ang huling teacher namin ngayong umaga, nagpakawala ako ng malayang buntong hininga.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 11:50 AM na kaya’t nagmamadali kong inayos ang lahat ng gamit ko bago ko ayaing lumabas si Casseydey para kumain.

Pagkababa namin ay dumiretso kami sa canteen nang walang pahinto-hinto. Kahit pa medyo mahaba ang pila ay talaga namang sinugod na namin, at nang makabili’y napagdesisyunan naming pareho na sa silong mangga kami kakain, doon malapit sa room ng EIM.

Dumating kami roon at nilapag ang mga pagkain. May malaking puno ng mangga sa school na ito at sa tabi nito ay mayroong tambayan kung saan may bubong at may mga lamesa’t mahahabang upuan kaya naman kahit umulan, hindi iyon magiging sagabal kung kakain ka rito.

“Legit iyong kaba ko noong nagtanong si Natasha about sa notes.” Kibo ni Casseydey.

“Bakit naman?” Tanong ko.

“Wala pa akong na isulat sa notebook ko, puro lang pangalan ng mga crush ko ang naroon.”

My eyes widened. “Gaga ka! Miyerkules na ngayon.”

Adami's Cigarette (Point of View Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon