Prologue

574 92 32
                                    

“Maglilinis din, ’wag puro Facebook ang inaatupag.”

Alam kong naiinitan ako dahil patay ang electric fan, pero kumulo ang dugo ko dahil sa sinabing iyon ni Natasha.

“Correction lang po sa nagpaparinig d’yan.” Pagpatol ko.

“Nanonood ako ng bold.”

I lied, trying to deflect attention from my scrolling through Facebook while the other cleaners were hard at work.

Tumayo ako’t inirapan ang babae na alam kong mas ikinagalit niya.

Simula first grading ay hindi na kami magkasundo dahil marami kaming pagkakaiba. Alam ko naman na mas hahaba lang ang away kapag pumatol pero ginawa ko pa rin. Masyado kasi akong nasaktan sa sinabi niya sa akin noon kaya naman ngayon ko na lamang naiisipang gumanti.

Pagkakuha ko ng walis at dustpan ay nilinis ko na lamang ang bawat sulok ng room.

“Ikaw na rin ba ang mag-mo-mop?”

Lumipad ang nanggagalaiti kong tingin sa kanya. “Sabi ni Ma’am ay boys daw ang mag-mop.”

Umangat ang gilid ng labi niya, animo’y nasisiyahan sa batuhan namin ng linya.

“Walang boys sa grupo natin kaya ikaw na lang ang gumawa.”

“Alam mo, mas mukha kang lalaki kaysa sa akin kaya ikaw na lang ang kumilos.”

“What did you say?!”

“O, baka masaktan ka kapag inulit ko?”

Before she could retaliate, Casseydey, my friend, intervened.

“Ang hirap n’yong panoorin.” She said. “Ang kupad n’yo na nga, puro pa kayo pagtatalo.”

Our gaze met.

“Ikaw naman, alam kong allergic ka sa kanya pero huwag mo naman na siyang sagarin. Gutom na ’ko kaya tumulong ka na sa kanila.”

Pareho kaming natahimik sa mga sinabi ni Casseydey kaya naman itinuloy na lang naming pareho ang paglilinis hanggang sa matapos na kami.

Inaya akong lumabas ni Casseydey para pumuntang canteen dahil lunch break na. Maagang nag-dismiss ng klase si Ma’am Inez, teacher namin sa 21st Century Literature, kaya maaga rin kaming nakapaglinis.

Pagkarating namin sa canteen ay wala pang gaanong pila kaya’t mabilis kaming nakabili. Umupo kami sa may bakanteng table para doon kumain at mag-usap.

Ipinusod ko ang buhok ko upang mas madali akong makakain. Pinunasan ko rin muna ang pawis na namumuo sa noo ko gamit ang panyo ko.

“Nakakainis si Daddy, pinagalitan niya na naman ako kagabi dahil hindi ko sinunod ang sinabi niyang mag-aral ako nang mabuti.”

Sinimulan ko nang galawin ang pagkain ko habang pinapakinggan siya.

“Taas ng expectations. Eh, wala naman na siyang magagawa dahil mababa na ang grades ko noong first sem.” She added.

Ganito ang topic namin after distribution ng report cards. Pero ngayon, inakala kong hindi na namin iyon pag-uusapan.

“Kung wala na siyang magagawa, ikaw mayroon. Second sem na tayo, Casseydey, halos patapos na ang third grading at mayroon pa tayong fourth grading.” I reminded her.

She sighed. “Halos lahat na lang kasi ay idinidikta n’ya.”

Pareho naming ipinagpatuloy ang pagkain pagkatapos ng saglit naming usapan, at noong matapos kami ay naroon pa rin ang inis sa mukha ng babae.

I didn’t ask her more about what happened, dahil privacy iyon, pero handa akong makinig kung magsasabi pa siya.

Pabalik na kami ng room namin nang madaan kami sa harap ng room ng ABM at nakita namin si Natasha, kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na taga roon.

Adami's Cigarette (Point of View Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon