Chapter 10

251 79 28
                                    

Lumipas ang labing isang araw. Maraming beses kaming nagkita ulit ni Camilo at nag-usap tungkol sa maraming bagay. Nasanay na ako sa presensya ng lalaki. Sa katunayan nga ay napapadalas na rin ang pagpunta ko sa HE building dahil sa kanya.

“Tuwing sabado at linggo ay nagbabasa lang ako ng comics sa cellphone habang nakahiga. Kung minsan, kapag wala na talaga akong ibang magawa ay lumalabas ako para magpalipas ng oras dito sa AC’s Café.”

Nakapangalumbaba ako habang pinapakinggan ang lalaki. Nakasuot siya ng gray na t-shirt at itim na shorts. Napansin ko rin na medyo mas malinis na ang buhok niya, hindi na ito medyo magulo dahil nagpagupit siya. Ang makapal niyang kilay ay hindi na rin gaanong sabog katulad ng dati. Ang mga mata niya ay naging maamo. Ang ilong niya ay matangos at kapansin-pansin. Ang mga labi naman niya’y mapula ngunit may pagka maitim nang kaunti kung kaya’t nakapagtataka.

“Hindi ako nagbabasa ng comics pero mahilig akong manood ng...” Nag-alinlangan akong sabihin dahil baka hindi niya gustong marinig. “Mahilig akong manood ng korean dramas.”

“I love horror.” Aniya.

“Kaya siguro nakakatakot ka noon.”

He chuckled. “Nah, I really mean to look intimidating.”

Umayos ako ng upo matapos niyang sabihin iyon.

“Alam mo, hindi nalalayo ang itsura mo sa kapatid mo.” Pagsasabi ko ng totoo.

“What do you mean?” Nalukot ang noo niya.

“Mas maputi ka lang sa kanya pero magkamukha kayo.” I said.

“No, I mean, ano ang ibig mong sabihin na magkapatid kami?”

“Bakit, hindi ba?”

He shook his head. “Kaibigan lang ang tingin ko kay Pavlo.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ano ka ba! Para kang timang d’yan. Kapatid mo siya kaya kahit itanggi mo pa ay mananatili ang katotohanang magkadugo kayo.”

Inirapan niya ako. “I don’t care.”

Napaka attitude ng lalaking ’to. Pasalamat ka’t nahulog na ’ko sa ’yo, Camilo, kaya walang wala na sa akin ang ganyang ugali mo.

“I have a question.” He said after a moment of silence. “Kapag may nakilala kang lalaki...”

“... magugustuhan mo ba kung naninigarilyo, masakit magsalita at laging sangkot sa gulo?” Sunod-sunod na tanong niya.

“Bakit mo naman tinatanong sa akin iyan?”

“Just answer me, magugustuhan mo ba siya?”

Umiling ako. “Hindi. Bakit ko naman magugustuhan ang isang tao na sa tingin ko ay mahirap mahalin? Iyong maririnig ko pa lang kung paano s’ya ilarawan ng mga tao ay talaga namang aayawan ko na kaagad?”

He bit his lower lip. “Okay.”

“Bakit ba kasi?”

“Wala, gusto ko lang... malaman.”

Naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong pa.

I sighed. “Pero depende pa rin.”

Tumingin siya sa akin.

“Ayaw ko sa masakit magsalita pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ko s’ya kayang tanggapin.” Paliwanag ko. “Kung magbabago, bakit hindi?”

Umawang ang mga labi niya.

“You mean, magugustuhan mo siya kung aalisin niya sa sarili niya ang mga ayaw mo sa kanya?”

Adami's Cigarette (Point of View Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon