Gabing-gabi na ngunit hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko. Nakahiga ako ngayon sa kama habang hawak ang cellphone ko. Kanina ko pa tinitingnan ang mga picture ni Camilo sa Facebook account niya at aaminin ko na sa lahat ng naka-upload, wala akong kahit isang napintasan.
Ang gwapo talaga niya. Pinagmasdan ko ang pinakauna niyang profile picture na apat na taon nang naka-upload. Simpleng selfie lamang iyon ngunit nagdala ng init sa magkabilang pisngi ko. Grade seven pa lang siya rito pero kaakit-akit na.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa totoo lang ay malakas pa rin ang charisma niya hanggang ngayon.
Inalis ko ang recent apps at ibinaba ang cellphone bago tumingin sa ceiling ng kwarto ko.
Nag-upload ka ng profile picture kung kailan kami iniwan ni Mama.
Nag-lit up ang cellphone ko kung kaya’t kinuha ko iyon. Hindi ko pala napatay ang data.
Camilo Baltazar accepted your friend request.
Napabangon ako dahil doon at ilang segundo lang, muli akong naka-receive ng isa pang notification.
Camilo Baltazar sent you a message.
Nagmamadali ko iyong binuksan.
Camilo Baltazar: Naka-off ang status mo.
Lyndsey Cañavenar: Bakit gising ka pa?!
Camilo Baltazar: Ikaw din naman.
Lyndsey Cañavenar: Paki mo.
Camilo Baltazar: What are you doing?
Lyndsey Cañavenar: Nakahiga lang ako kasi katatapos kong maglaba.
Camilo Baltazar: Pahinga ka na.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Para namang gusto mo na akong mamatay!
Lyndsey Cañavenar: Ayaw ko pa. Masyado pang bata si Eldon.
Camilo Baltazar: 👍
Lyndsey Cañavenar: Like lang? Hindi mo ako love?
Camilo Baltazar: You should rest.
Lyndsey Cañavenar: I-kiss mo muna ako para mag-sleep na ako.
Camilo Baltazar: No.
Lyndsey Cañavenar: Why?
Camilo Baltazar: How?
Napasibangot ako. Paano nga naman niya ako i-ki-kiss, eh, magkalayo kami? My god. You’re so stupid, Lyndsey.
Lyndsey Cañavenar: Sabi ko nga matutulog na.
Camilo Baltazar: Good.
Lyndsey Cañavenar: Good lang?
Napaka manhid mo naman, grabe.
Camilo Baltazar: Goodnight, Lyndsey.
Dahil sa reply niyang iyon, payapa akong nakatulog kagabi at hindi ako dinalaw ng mga masamang kaluluwa at maligno.
Pagkagising ko nitong umaga, dumiretso ako sa salamin para i-check kung gumising ba ako nang may magandang mukha... mabuti na lamang dahil hindi ako nabigo.
Mas maaga akong nagising kaysa kina Papa at Eldon kaya’t nilinis ko muna ang bahay namin. Itinupi ko ang kumot ko at pagkatapos ay inayos ang hinigaang kama. Lumabas ako ng kwarto at nagwalis ng sahig. Nagluto na rin ako ng babaunin nina Papa at Eldon para mamaya, wala na silang gagawin.
Nag-inat ako matapos ang lahat.
“O, anak. Napakasaya mo yata?” Tanong ni Papa nang makaupo na siya.
BINABASA MO ANG
Adami's Cigarette (Point of View Series #1)
RomancePOINT OF VIEW SERIES #1: "Magugustuhan mo ba kung naninigarilyo, masakit magsalita at laging sangkot sa gulo?" Kapag naririnig ni Lyndsey Kaye Cañavenar ang ganyang klase ng tanong ay kaagad siyang umiiling. Bakit nga naman niya magugustuhan ang isa...