Chapter 9

239 79 37
                                    

Nang matapos ang break time ay bumalik kami ni Casseydey sa building namin. Napapadalas na talaga ang pagpunta ng babae roon sa STEM building kung kaya’t sumasabay naman ako sa kanya upang pumunta sa second floor ng HE building.

Naging abala ako sa mga sumunod na klase hanggang sa mag-uwian na kami. Isinukbit ko ang aking bag sa magkabilang balikat ko bago tuluyang lisanin ang room namin kasama ang kaibigan ko.

Pagkalabas namin ng gate, tumunog ang cellphone ko.

From: Wimko
Puntahan mo ako rito sa room ni Ma’am Inez.

To: Wimko
Tuloy ang date natin?

My god! Date talaga? Hindi ko naman kasi alam kung ano ang term na gagamitin ko dahil tinanong lang niya ako kahapon kung p’wede ba akong ayaing lumabas.

From: Wimko
Hindi tayo sasama kina Pavlo at Nat, dito lang tayo.

So, dito kami sa school mag-da-date?

“Hoy, sis. Puro ka cellphone d’yan. Maglalakad na ba tayo o uunahin mo munang mag-type nang mag-type?”

Nilingon ko si Casseydey. “Mauna ka na palang umuwi. Dito lang muna ako.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Baka pagalitan ka ni Tito Lyndon kapag hindi ka umuwi nang maaga.”

“Hindi naman ako gagabihin.”

“Sure ka?”

I nodded my head.

“Makikipag-date ka, ’no?” Tinusok niya ang tagiliran ko, nang-aasar.

“Umalis ka na nga!” Singhal ko naman.

“Basta paalala lang na huwag mong isusuko ang kipay.”

Hinampas ko siya nang malakas. “Siraulo ka.”

Humalakhak ang babae bago tuluyang maglakad; habang ako, pumasok muli sa school upang puntahan si Camilo.

Nakarating ako sa canteen at kaunting lakad na lang ay naroon na ako sa HE building, ngunit nagpahinga muna ako dala ng pagod na nararamdaman. Magmula kaninang pagkatapos ng break time, nakakaramdam na talaga ako ng hilo pero baka dahil lang ’to sa pagpupuyat ko.

From: Wimko
I can see you now.

Hindi ako nag-reply; nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko at isinandal ang sariling ulo sa pintuan ng canteen. Sa tingin ko ay hindi maayos ang kalagayan ko.

From: Wimko
Are you okay?

From: Wimko
Mukha kang stressed.

Akmang maglalakad na sana ako nang matanaw ko ang lalaki, magkasalubong ang mga kilay at dala ang nakakatakot na itsura

Shit. Arte mo kasi, Lyndsey. Ilang tumbling na lang ang layo ng building, nagpahinga ka pa.

Hinintay ko na lamang na siya ang lumapit sa kinatatayuan ko dahil dito rin naman talaga ang tuloy niya, at isa pa’y nanumbalik ang kaba sa dibdib ko’t naestatwa na ako.

“Kaya mo bang maglakad?” Tanong niya nang makalapit sa akin.

I raised a brow. “Hindi naman ako pilay, boss.”

“Stop calling me boss.”

“Ah, okay po... lodi.”

“Hindi ka normal.” Aniya.

“Bahala ka riyan. Hindi tayo mag-da-date.” Pinag-krus ko ang mga braso sa dibdib ko.

“What?”

“Sabi ko—”

Adami's Cigarette (Point of View Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon