“May ipinasang litrato sa akin si Jayson. Magkayakap sila.”
Bumilog ang mga mata ko sa sinabi ng babae. Magkayakap? Bakit naman sila magyayakap ni Pavlo? At saka ano’ng dahilan? Hindi niya nababanggit sa akin iyon, ah!
“A-Ano naman ngayon kung magkayakap? Picture lang naman ang nakita mo. Baka edited pa nga ’yan.” I faked a laugh. “Kung hindi man, malay mo aksidente lang pala!” Napalakas ang boses ko nang maisip ko iyon.
“Maraming ibinigay si Jayson sa akin, iba’t ibang anggulo. Mayroon pang picture na hindi ko malaman kung magkahalikan ba sila dahil nakatalikod si Pavlo.” Paliwanag ng babae.
Napalunok ako dahil doon. At halos lumuwa ang mga mata ko nang manumbalik sa akin ang usapan namin ni Casseydey kahapon.
“Eh, sino nga kasi ’yon?”
“Basta hindi ’yon si Felix.”
I covered my mouth. Si Pavlo ba ’yong tumatawag sa kanya?! Aniya’y hindi ’yon si Felix. Bukod doon, ayaw niya ring ipakilala sa akin si Boyfie.
Napailing ako upang linisin ang isipan ko. Bakit naman makikipagrelasyon si Casseydey kay Pavlo? Alam naming pareho na girlfriend ng lalaki si Natalie Ashanne!
“P’wede bang lumayo ka muna sa akin, Natasha?” Mahina ngunit may kaunting diin kong sabi sa kanya.
Umangat ang gilid ng labi niya. “Are you crazy? Sa tingin mo ba’y gano’n na lang ’yon matapos kong malaman na nilalandi ng kaibigan mo ang boyfriend ko?”
“Shut up. Wala kang alam.” Nagtitimpi na sagot ko.
“Yes, you’re right. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mayro’n sa kanilang dalawa.” Kumuyom ang kamao ng babae. “And once na malaman ko na may ginagawa silang mahirap masikmura ay lagot sa akin ang kaibigan mo.”
“Tandaan mo ’to, Lyndsey. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, at ang lahat ng hindi ko gusto ay sinisira ko.”
Iniwan niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin.
“Parang tanga.” Mahinang sabi ko.
Naging abala ako sa pagsusulat sa notebook ko pagkatapos ng unang klase sa hapon. Hindi ko na lang pinansin ang ingay ng mga kaklase ko dahil ang mahalaga ay matapos kong isulat ang pinag-aralan namin kanina dahil baka may makalimutan ako.
Nag-unat ako nang matapos ko ang unang PowerPoint na ipinasa sa amin. May isa pa akong kailangang i-review pero napagpasyahan kong magpahinga muna dahil nananakit na rin naman ang mga daliri ko.
Kinuha ko ang cellphone ko upang mag-online.
Lyndsey Cañavenar: Ang boring kapag wala ka.
Pansamantala kong isinantabi ang problema ko, kahit pa nahihirapan akong hindi mag-alala dahil hanggang ngayon ay wala akong balita sa kalagayan ng kapatid ko.
Casseydey Walangpakesayo: Palibhasa hindi ka maganda. ✌️
Lyndsey Cañavenar: Anong connect?
Casseydey Walangpakesayo: Nagugutom ako.
Itong bruha na ’to. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa kaninang sinabi ni Natasha pero nagdadalawang isip pa rin ako. Baka mamaya ay maging ugat pa ng alitan sa pagitan naming dalawa.
Lyndsey Cañavenar: May lagnat ka pa ba? Haha. Deserve mo! #Fever. 🤒
Casseydey Walangpakesayo: Umulan sana mamaya tapos mahulog ka sa kanal. 🙄👊
Natupad ang unang hiling ng babae dahil ilang oras lang ang lumipas ay napansin ko ang unti-unting pagdilim ng kalangitan.
“Guys, p’wede na raw umuwi lahat ng hindi cleaners!” Anunsyo ni Jevan kaya agad akong tumayo para umuwi na.
![](https://img.wattpad.com/cover/345913180-288-k149904.jpg)
BINABASA MO ANG
Adami's Cigarette (Point of View Series #1)
RomancePOINT OF VIEW SERIES #1: "Magugustuhan mo ba kung naninigarilyo, masakit magsalita at laging sangkot sa gulo?" Kapag naririnig ni Lyndsey Kaye Cañavenar ang ganyang klase ng tanong ay kaagad siyang umiiling. Bakit nga naman niya magugustuhan ang isa...