Tila tinangay lang ng hangin ang oras. Noong biyernes ay hindi na kami nakapag-usap pa ni Camilo dahil naging abala ako sa mga dapat kong gawin bilang estudyante. Hindi ko na rin siya pinuntahan sa second floor ng HE building. Makailang beses siyang nag-text at nag-call sa akin ngunit hindi ko siya sinasagot.
“Busy ang mga alaga ko ngayon dahil mag-re-report sila sa subject ko bukas.” Natatawang ani Ma’am Janairah sa harapan habang nakaupo. Nakalapag ang laptop niya sa table at kasalukuyan niyang ni-re-record ang scores namin sa quiz.
“Hintayin n’yo sila dahil pipili sila ng mga i-interview-in dito sa floor n’yo.” Dagdag pa niya.
Tumingin ako sa oras sa cellphone ko. Masyado pa palang maaga para lumabas ang guro. Wala na kaming ginagawa kung kaya’t nababagot ako.
“HUMSS A.” Biglang tawag niya sa section namin dahilan upang tumingin kaming lahat sa kanya. “Since nag-re-record na ako ng scores n’yo rito, gawin n’yo na ang lahat ng gusto n’yong gawin basta’t hindi kayo makagagawa ng ingay, neh?”
Nang sabihin niya iyon ay kinuha ko ang cellphone ko para libangin ang sarili. Nag-online ako para sana manood ng memes ngunit may floating preview na lumabas sa taas ng screen ng cellphone ko. Pinindot ko ang notification at doon ko nabasa ang mensaheng bagong dating.
Camilo Baltazar: Naka-off ang status mo pero alam kong active ka.
Camilo Baltazar: Si Tita Jaja ang teacher n’yo, hindi ba?
Camilo Baltazar: Pupunta ako riyan.
Kaagad akong nagtipa ng reply dahil sa huling sinabi niya. Tangina, bakit siya pupunta rito?!
Lyndsey Cañavenar: Ano’ng gagawin mo?! Kung tutungo ka lang para kausapin ako ay huwag mo nang ituloy, pakiusap.
Seen.
Napamura na lamang ako nang mahina dahil doon. Bigla akong nataranta. Hindi ko alam ang gagawin dahil nang subukan kong magtipa ulit ng mensahe ay hindi na niya ito pinansin pa.
“Excuse po, Ma’am Janairah.”
Dumako ang tingin ko sa pintuan ng room namin at nakita ng dalawang mga mata ko ang isang matangkad na lalaki.
Nakasuot siya ng complete uniform at malinis siyang tingnan. Nakangiti siya’t tila ba nakapikit na sa sobrang singkit ng mga mata.
Ang gwapo naman nito. Parang anghel.
Nakita kong sumenyas ang babaeng guro kung kaya’t pumasok siya sa loob para lumapit. At nang marating na niya ang puwesto ni Ma’am Janairah ay narinig kong tumili si Nashvile.
Napatakip siya sa kanyang bibig nang lumingon ito sa kanya. Maging ang kaibigan niyang si Yossra ay tila ba hindi makapaniwala na napansin sila ng lalaki.
“Mamaya ko na lang hahanapin ang folder mo, Mikeynito. Baka naisama ko sa folders ng STEM Combinatorics.” Ani Ma’am Janairah kung kaya’t lumipat ang mga mata ng lalaki sa kanya.
“Nabanggit ko po sa inyo na kinuha po ni Adami sa akin ang folder, Ma’am. Lumabas po ako ngayon para sana pakiusapan kayo na hayaan akong pumunta sa room nila.”
Nanlaki ang mga mata ng ginang. “Wala ba kayong klase? Paano ka nakalabas?”
“Wala po, Ma’am. Nasa new site po si Sir Jeff. Ang bilin niya ay huwag pong umalis sa room kung hindi nagpaalam.”
“Nagpaalam ka ba sa kanya?”
“Hindi po.”
Napahawak sa kanyang noo ang guro. “Busy si Adami ngayon, hindi mo s’ya makakausap.”
BINABASA MO ANG
Adami's Cigarette (Point of View Series #1)
RomansaPOINT OF VIEW SERIES #1: "Magugustuhan mo ba kung naninigarilyo, masakit magsalita at laging sangkot sa gulo?" Kapag naririnig ni Lyndsey Kaye Cañavenar ang ganyang klase ng tanong ay kaagad siyang umiiling. Bakit nga naman niya magugustuhan ang isa...