Chapter 4

360 86 24
                                    

Naging abala ako sa mga sumunod na linggo dahil sa dami ng ipinagawa sa amin. Ngunit nang matapos ko ang lahat at maipasa sa tamang oras, malaya akong nakahinga.

Natapos ang third grading at hindi ko na muli pang nakita si Camilo. Ngunit narito pa rin sa akin ang takot na baka isang araw ay mag-krus ulit ang aming landas. Sobrang nakakalunod ang kanyang titig at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko tuwing malapit siya.

Mukha siyang masamang tao.

“Hindi ako natuwa sa grades ko.” Narinig ko si Casseydey.

Matamlay siya’t tila walang ganang kumain, bagsak ang balikat, nakasimangot at kanina pa siya tahimik.

Nagsimula siyang maging ganito noong makita niya ang grades niya, aniya’y mababa raw. Hindi kasi siya nagpasa ng notebook sa mga subject teacher namin na nagdagdag ng points para sa mga may notes.

“Ngayong fourth grading, sabay na tayong magsulat palagi para pareho tayong may notes.” I suggested.

She shook her head. “Tamad akong magsulat.”

“Kahit keywords lang ang ilagay mo sa notebook mo. May mga teacher kasi talagang gusto na may sulat, kaya dapat ay ugaliin mo. At saka makatutulong din naman sa atin kapag may notes tayo, dahil bago mag-exam ay may reviewer tayo.”

Nawalan siya ng kibo.

“Kung gusto mo, dalhin ko sa bahay ang mga notebook mo. Ako na ang magsusulat—”

“Hindi na, okay lang.” Pinutol niya ako sa pagsasalita.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya naman nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Lumipat ang paningin ko sa labas ng canteen noong may marinig akong malakas na tawanan doon. Pero kaagad ding nawala ang interes ko nang makita ko si Natasha... at ang mga alagad niyang taga ABM.

Pagkapasok nila, nag-uusap pa rin sila ngunit biglang nag-ring ang cellphone ng babae kaya’t sinagot niya ang tawag.

“Hello, babe?”

Muntik kong maibuga ang kinakain ko dahil doon. Kaagad naman akong kumuha ng tubig upang pigilan ang pag-ubo.

“Kasama mo si Camilo?”

My eyes widened. Hindi ako bingi para hindi marinig ang pangalan na iyon ng lalaki.

“You’re going here sa old site?”

Tumingin ako kay Casseydey, ngunit tila wala siyang naririnig ngayon. Tahimik pa rin siya at hindi ginagalaw ang pagkain sa harap niya.

Naramdaman kong muli ang kaba sa dibdib ko at tila nawalan na ako ng pandinig dahil hindi ko na naintindihan ang sumunod na usapan nina Natasha at Pavlo sa cellphone.

Pagkatapos kong kumain, agad ko namang niyaya si Casseydey na umakyat sa building namin. Baka kasi mamaya, makita ko ulit si Camilo sa canteen kasama ang mga tropa niya.

From: Unknown Number
Na-miss mo ba ako?

Nagtipa ako ng reply.

To: Unknown Number
Bakit kita ma-mi-miss? Si Mama ka ba?

From: Unknown Number
Haha. Siguro naman ay kilala mo na ako ngayon, Lyndsey?

Teka... paano niya nalaman ang pangalan ko?!

To: Unknown Number
?

From: Unknown Number
Stupid.

Napalunok ako sa pamilyar na salitang iyon.

Parang...

Napailing ako.

Hindi lang naman siya ang may karapatang gumamit ng salitang iyon.

Adami's Cigarette (Point of View Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon