Chapter 15

233 77 5
                                    

Warning: Sensitive Language and Content

ADAMI

Cigarette.

There was no way I would smoke. Sinabi ko sa sarili ko noon na kahit isang beses lang ay hindi ko gagawin. I used to think that it was harmful. Na sa unang subok ay nangangahulugang ibinigay ko na ang kalahati ng sarili ko kay Kamatayan.

Pero kung minsan ay tayo lang din mismo ang sumusuway sa sarili natin. Isang araw ay malalaman na lang natin na tayo na ang gumagawa ng mga bagay na ayaw natin noon.

“Yosi?”

Kumunot ang noo ko nang nang ilabas niya ang bagay na iyon. He was wearing his uniform and we were in front of our school’s gate.

“What the hell?!” I almost shouted.

Ngumisi naman ang tarantado bago sumagot. “I thought you smoke. I’ll do it for you.”

Tinabig ko ang kamay niya nang akmang sisindihan na niya iyon. “Stupid.”

“Stupid your face.”

“Isusumbong kita kay Pablo.” Pananakot ko ngunit walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya.

“I don’t care about him, Adami.”

Laking pasasalamat ko na lang dahil wala nang gaanong tao sa harapan ng school kung kaya’t walang nakakita sa amin. Hinila ko siya palayo at hindi naman na siya pumalag.

Mabilis naming narating ang waiting shed sa baba at doon ay taimtim kaming umupo. Limang minuto ang lumipas ngunit wala pa rin si Pablo. I looked at my wristwatch. It was already 6:00 PM. Maraming dumaraang sasakyan at dama ko ang lamig ng simoy ng hangin.

“You look stupid.” Narinig ko siya ngunit hindi ako kumibo.

“I have something to tell you.”

I shifted my gaze to him right after he said that. “What?”

He chuckled. “Hindi ko muna sasabihin sa ngayon.”

“Huwag mo nang sabihin.”

Hanggang sa makauwi kami ay hindi ko na siya kinausap pa. Gaya ng dati, sinermonan na naman ako ng magaling kong ama at ikinumpara sa mabuti kong kapatid. He was always the good one; I was the rebel. We were different and I didn’t wish to be like him. I was aware of myself, and I didn’t want changes.

Lumipas ang ilang linggo. Napansin ko ang pagbabago kay Pavlo. Ang dating tahimik na kapatid ko ay nagkaroon ng maraming barkada. I was envious. Noong una ay naisip ko na baka kaya marami siyang kaibigan ay dahil totoo ang sinasabi ni Pablo sa akin. He was better than me.

“Hi, Mikeynito. Pa-picture, please! Pretty please. Last na ’to, promise. Hindi na kita guguluhin.”

I rolled my eyes. They were outside our room. Tanaw sila sa malaking bintana at halos lahat ng mga kaklase ko ay nasa kanila ang atensyon.

“Stop following me, Anne. Hindi kita type so just give up.”

Hambog.

“Please. Oh my god! Please, Mikey. Last na ’to, I swear.”

“I said stop following me!”

Itinulak niya ang babae at kaagad naman siyang tumumba kung kaya’t tumayo ako para lumabas. But instead of helping her, I followed Mikeynito. It wasn’t my fault that he pushed her, that was why it wasn’t my responsibility to help her. She deserved the consequences of her actions.

Nahinto ako sa paglalakad nang tumigil ang lalaki sa loob ng kantina.

“Sinusundan mo ba s’ya?”

“What the hell!” Napasigaw ako nang may magsalita sa likuran ko.

Adami's Cigarette (Point of View Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon