Chapter 3

344 88 27
                                    

Hindi ko magawang ngumiti nang makarating kami ng kaibigan ko sa room namin.

“Broken hearted as hell, Lyndsey nga pala. Poblacion girl, anak ni Lyndon. Naniniwala sa kasabihang matutong tumayo kapag nadapa pero nahulog s’ya sa lalaking may shota.”

Gaya ng inaasahan ko, mayroon na namang nasabi ang babae.

“Casseydey.” Pagtawag ko sa pangalan niya.

“Kapag may puting van tayong nakita ay kusang loob kitang ibibigay.”

She chuckled. “Napaka obvious mo, sis!”

“Ewan ko sa ’yo.” Naiiritang sabi ko.

“Tanggal pagka-maldita mo noong lumapit sa atin si Pavlo, eh.” Aniya pa. “Biglang naging good girl.”

Sinamaan ko siya ng tingin, pero hindi pa rin siya tumigil.

“Kaya pala todo ang pagmamadali papuntang ABM.”

Nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga kagagahan na ginawa ko. Bakit ba kasi ako nagkaganoon?! Hindi ko rin naman alam, eh! Basta na lang akong na-excite noong parating na siya kaya hinatak ko ’tong kaibigan kong bruha!

“So ngayon, sad girl ka.”

“Kapag ikaw na-broken hearted talagang mag-ce-celebrate ako!”

She rolled her eyes.

“Mas malabo pa sa sabaw ng adobong pusit.”

Mabuti na lamang at wala rito ngayon si Natasha kung kaya’t hindi niya naririnig ang mga sinasabi ni Casseydey. Mukhang hindi yata siya papasok ngayong hapon. Noong nakita namin siya kanina ay sumama siya kay Pavlo at hindi ko alam kung saan sila pupunta.

“Pero sis, ang gwapo ni Pavlo, ’no?”

“Ano’ng gagawin ko ngayon kung gwapo?”

“Mag-move on.”

Dahil doon, mas lalong umakyat ang dugo sa mukha ko. Talagang kuhang-kuha ni Casseydey ang inis ko!

Natigil ang pang-aasar niya sa akin nang dumating ang teacher namin sa Practical Research I. Bumati sa amin ang guro at ganoon din kami. Pagkatapos noon, nagsimula na siyang magklase, dahilan para makinig na ako.

Isa’t kalahating oras ang itinagal ng klase namin. Nang matapos ang discussion, kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung mayroon pa kaming kulang para sa compilation ng mga RRL, pero conclusion na lang pala kaya’t muli kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ko.

Nitong break time, tiniis namin ni Casseydey ang iba't ibang amoy sa loob ng canteen dahil talagang siksikan, halos walang pila. Pagkatapos naming bumili, saka lang ako nakahinga nang maluwag.

“Sa silong mangga muna tayo.” Aniya, at pumayag naman ako.

Sabay kaming nagtungo roon, at nang makarating kami’y napatingin ako sa lalaking may makapal na salamin sa mata na nakaupo sa pinakadulong mesa.

Si Jayson.

Mag-isa lamang siya habang may binabasang libro.

Kilala ko siya dahil palagi siyang nababaggit sa amin ni Ma’am Janairah. Nasabi pa nga ng guro na ang final grade niya noong first semester ay 97.

“Bakit ka nakatingin sa nerd na ’yan?” Tanong ni Casseydey.

“Paki mo.” Sagot ko naman.

Tumawa siya. “Alam mo bang may chismis akong nasagap tungkol sa kanya?”

Dahil doon, nilingon ko ang babae.

“Kapag chismis talaga, halos lumuwa ang mga mata mo, ’no?” Aniya.

Adami's Cigarette (Point of View Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon