22

732 19 18
                                    

Mich's POV

Maya maya ay magsisimula na yung dinner. Pero eto kaming mga girls, nagdadaldalan pa rin tungkol sa kalokohan na sinimulan ni jia kanina.

Tiningnan ko si jia at mukhang may hinahanap siya sa kabilang lamesa. Tiningnan ko rin naman yung kabilang lamesa at napansin kong wala si marck. Ahh baka si marck ang hinahanap.

Maya maya pa ay dumating na si marck na abot hanggang langit ang ngiti kahit na nakasaklay. Siguro nagdate na naman sila ni kianna. Nagwave siya kay jia at nagwave rin naman si jia pabalik sa kanya. Pero nakaupo na si marck at lahat, mukhang may hinahanap pa rin siya.

Tatanungin ko sana siya nang bigla siyang nagsalita kay rex na padaan sa likod namin.

Jia: Kuya Rex, si Karlo?

Rex: Di ko nga alam eh. Puntahan mo kaya sa dorm. Papasukin ka naman siguro dun eh.

Jia: Ah sige. Wala bang sinabi sa inyo?

Rex: Wala naman pero pag-alis kasi namin kanina nasa banyo siya eh.

Jia: Sige, puntahan ko nalang.

Tumayo naman si jia at tumakbo na papuntang cervini. Hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila pero katabi ko lang si jia at si rex kaya hindi maiiwasan yun.

Den: Mich, san pupunta yun?

Mich: Kay karlo yata, ate. Wala pa rin dito eh.

Nagstart na kami magdinner ng wala sila. Pero hanggang sa matapos yung dinner namin ay wala na kaming jia at karlo na nakasama at nakita. Lumapit sa akin si marck dahil hinahanap si jia. Bigla naman naming nakita yung dalawa sa may labas habang nagtatawa. Anong nagyari sa dalawang 'to?

Akala namin papasok na sila, pero biglang tumakbo si jia palayo at sinundan naman siya ni Karlo.

Jia's POV

Tok tok tok...."Karlo!"

Pinagbuksan naman kaagad ako ni karlo pero bigla niya ulit sinaraduhan. Anong meron dun?

Maya maya ay binuksan niya na ulit yung pintuan at pinapasok ako sa loob.

Karlo: A..anong ginagawa mo dito?

Me: Susunduin sana kita. Ikaw nalang wala dun eh. Ano bang ginagawa mo dito? Tsaka bakit mo ako pinagsarhan ulit?

"Ah eh..nakaboxers lang kasi ako kanina eh. Di ko naman ineexpect na babae pala yung kumatok. Akala ko sila rex lang." Sabi niya habang kinakamot pa yung ulo niya.

Me: Eh bakit ka nga nandito? May dinner sa baba diba?

Karlo: Ehh...wait lang jia! Sandali lang talaga. Umupo ka nalang muna jan.

Sabi niya at dali daling tumakbo papunta sa bathroom. Mukhang alam ko na ang dahilan. Pero nung isang araw pa naman yun ah.

Ilang sandali lang ay lumabas na siya ng banyo na pawis na pawis at napatawa nalang ako sa kanya.

Me: Success?? Haha

Karlo: Delayed yata yung epekto nung mga kwek kwek ah. Nung isang araw pa yun eh.

"Hahahaha gusto mo kumain ng kwek kwek? Halika ilibre kita." Panloloko ko sa kanya. "Tara na nga. Magbihis ka na. Hinhintay na tayo sa baba."

Paalis na sana kami ng bigla na namang nagrambol yung tiyan niya kaya natagalan kami.

Karlo: Nako, bakit mo pa naman kasi ako sinundo. Ayan tuloy. Pati ikaw hindi nakasabay sa dinner.

Sabi niya sa akin dahil tanaw na namin sa may bandang labas na nakatayo na sila at mukhang tapos na sa pagkain.

The More You Hate, The More You Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon