Maagang nagising ang girls para sa morning training nila. After ng training, nilapitan agad ni jia si marck na nasa tabi lang dahil hindi pa nga siya pwedeng magtraining.
Marck's POV
Jia: Ping!
Me: Oh pong? Wala ba kayong pupuntahan nila mich ngayon? Breakfast or something?
"They're going to have some breakfast pero I choose not to join coz I think my bestfriend needs someone to talk to." Sabi ni jia habang nakaakbay sa akin.
Me: My bestfriend is the best. But sad to say, injured yung bestfriend mo ngayon that's why you have to walk with him.
Jia: That's not a problem. Tara! Breakfast tayo. Ilibre mo nalang ako nakalimutan ko pala yung wallet ko dun sa bag ko. Eh pinadala ko na sa bag ni ate aly yun eh.
Me: Sus, magpapalibre ka lang, dami mo pa palusot. Tara na nga!
Inalalayan niya na nga ako patayo at nagsimula na kaming naglakad. Naguiguilty naman ako dahil mukhang hirap na hirap na siya.
Karlo: Pre! Oh jia, mukhang pagod na pagod ka jan ah. Mas mahirap yata magbitbit kay marck kesa magtraining.
Jia: Sinabi mo pa, karlo. Hahaha
Rex: Pare, ba't mo naman pinapahirapan itong si jia mo? Wag ganon. Ganyan ka ba magmahal?
Loko loko talaga to si rex. Palagi nalang akong inasar kay jia. Kung alam niya lang tsk tsk tsk.
Karlo: Ako na aalalay kay marck, jia. Kawawa naman yang muscles mo.
Nagpalit naman sila ni jia at si karlo na nga ang umalalay sa akin.
Rex: San ba kayo pupunta? Wala kang dalang sasakyan marck diba?
Jia: Magbbreakfast sana kami sa rufo's eh.
Karlo: Sabay nalang kayo sa amin. Along the way lang din naman yun sa pupuntahan namin ni rex eh.
Jia: Okay lang? Hindi ba nakakahiya?
Karlo: Sa amin ka pa ba nahiya jia? haha tara na. Para maalalayan din namin 'tong phenom na tulig kahapon kaya nainjured.
Isang sapok lang naman ang sagot ko sa kanya. Sumakay na kami sa sasakyan at hinatid na nga kami sa rufo's. Umorder na kami at humanap ng table.
Nung una derederetso lang kami sa pagkain at hindi ko pa din alam kung san mapupunta tong "pag-uusap" na to. Hindi ko kasi alam kung pano ko sisimulan.
Jia: So marck, spill it.
Me: Uhmmm. Alin?
Jia: Things were okay yesterday. Okay yung mood mo, okay ka kausap, at mukhang okay naman lahat. Not until youc came from the parking lot and fetch me. May nangyari ba?
Me: I...saw her. We talked. She told me na mahal niya pa rin ako and she's sorry for everything she did.
Jia: What did you do? Anong sinabi mo?
Me: I didn't say anything. I'm so stupid for leaving her there crying. Bakit ko ginawa yun kung alam kong mahal na mahal ko pa siya. At bakit kahit gano kasakit yung ginawa niya, pinatawad ko pa rin siya.
Jia didn't said anything pero hinawakan niya lang ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
Jia: Alam ko marck. Sa akin mo shinare lahat nung tungkol sa kanya diba? Yung tungkol sa inyo dati nung kayo pa. Alam ko na hanggang ngayon, mahal na mahal mo pa rin siya. Whatever she did to you, kahit masakit, kahit halos pinatay ka na niya sa sobrang sakit, papatawarin mo pa rin siya sa huli.

BINABASA MO ANG
The More You Hate, The More You Love.
Fiksi Penggemar"The more you hate, the more you love? Too cliché." But what if one day, the one you hated the most, turns out to be the one you can't live without?