Dumating sila Amber Neri kasama sina Cameron at Tricia.Suportado ng mga ito ang pinsan.Dahil may mga bf na sina Tricia at Cameron Neri.Ayaw din ng mga ito maging asawa si Zeth Guerrero.Dahil kabilaan ang mga babae nito.Kaya si Amber ang sinuotan nila ng wedding dress.Dahil ex fiancee naman ito ni Zeth.At halos lahat expected na si Amber talaga ang mysterious bride ni Zeth.Pati nga si Zeth inaasahan na si Amber talaga ang magvoluntary na maging bride.
"Don Neri dumating mga apo ninyo.Nakasuot ng bridal gown si Maam Amber po."bulong uli ng assistant ni Don Neri.
"Harangin ninyo silang tatlo.Wag ninyo papasukin sa simbahan.Nakakahiya sa mga bisita."dali daling utos ni Don Neri pero nauna ang mga bodyguard ni Arthur Guerrero na humarang sa mga ito.
"Ano ba sino ba kayo.?Ako ang bride papasukin na ninyo ako.Late na ako ng almost 2 hrs dahil natrapik lang kami."bulyaw ni Amber sa mga humarang sa kanila.
"Ang alam po namin di kayo ang bride Maam Amber.Wag na po kayong mag eskandalo po.Bawal po kayong tatlo sa loob ng simbahan."ani ng isang bodyguard na malaki ang katawan.
"Ano teka tatawagan natin si Tita Analisa.!"dali daling tinawagan ni Cameron ang Mommy ni Amber.Pero laking gulat nila na may private van na tumigil sa harap ng entrance.Dali dali ang mga bodyguard na lumapit sa van na iyon.Unang lumabas si Kareem at Zea.At sunod si Karina na karga ang cute na batang babae.Tapos inalalayan nina Karlos at Manuel.Sila dalawa ang eskort sa bride.
"K-kathleen Samonte.?"nanghihina ang tuhod ni Amber pakiramdam niya kapusin siya ng hangin ngayon.
"Amber are you alright.?My god namumutla ka.Cameron dalhin na muna natin sa ospital si Amber."dali daling inalalayan nina Tricia at Cameron si Amber na anytime mag collapse na doon.Dahil sobrang excited ito sa kasal daw kuno nila Zeth wala itong agahan at tanghalian.At todo diet na din ito para maging sexy daw ito lage sa paningin ni Zeth Guerrero.Dahil sobrang hot at pang model ang datingan ng mga babae ni Zeth.
"Yeah dalhin ninyo ako sa ospital."yon lang at nahimatay si Amber.Pero di mapipigilan nito ang kasalan na iyon.Usapan iyon sa pagitan nina Arthur Guerrero at Kathleen Samonte mismo.Kasalanan ni Amber din iyon dahil umaasa siya sa wala.Walang binanggit ang lolo nila sa kanilang tatlo na magiging bride sila.Basta ang sabi nito isa sa mga apo niya daw.
Dali dali naman si Analisa pumunta ng ospital.At naiinis sina Rafael at Rodolf kay Arthur kamuntikan na kasi mapahiya si Amber sa mga bisita doon.Di kasi sinabi na si Kathleen ang bride.Kaya nagwalk out na lamang ang mga anak ni Don Neri.Tumugtog na ang bridal song kaya tumayo na si Zeth.Clueless siya sa nangyayari sa labas ng simbahan.Unang nagmartsa ang isang bata.Nagulat siya na si Krizzia iyon anak ni Kathleen ang alam niya.Pero parang nakaramdam siya ng lukso ng dugo sa bata.Parang may hawig ito lalo na ang mga ngiti nito.Nakita niyang tuwang tuwa pa ang lolo at ang ama niya.Kasunod si Zea na ang alam niya di makadalo sa kasal niya ngayon.Naguguluhan na talaga si Zeth sa nangyayari ngayon.Nang makita niya ang bride may takip pa ito sa mukha.Wala itong escort pero sobrang ganda ng suot nito.Ramdam bigla ni Zeth ang kabog ng dibdib niya.Na di niya maunawaan kung bakit.
Samantalang dahan dahan si Kathleen dahil takot siya madapa dahil may Belo pang nalalaman si Zea.Pero naiinitan talaga siya kaya tinanggal na niya iyon.
"K-Kathleen Samonte."tulad ni Amber nanlambot ang tuhod ni Zeth.At bumuhos talaga ang luha sa mga mata niya.Pinigilan na niya ang sarili na wag mahimatay sa kasal na iyon.Tila nanahinip siya ngayon.Pero ayaw niyang maputol ang magandang panaginip na iyon.Nakikita niyang walang gana ang mga mata ni Kathleen.Siguro nga panaginip lang iyon.At hiling ni Zeth sa Dyos na wag na siyang magising pa.Di niya maintindihan ang sinasabi ng pare.Nanginig pa ang mga kamay niya ng suotan niya ng singsing si Kathleen ngayon.
"Tito you me kiss my Mommy.!"lumapit na si Krizzia at hinila nito ang pantalon ni Zeth.
"H-ha.?"pero naintindihan ni Zeth na parte sa ceremony ng wedding na halikan ng groom ang bride.Ninamnam niya ang panaginip na iyon.Yon ang akala ni Zeth pero ramdam niya ang mga labi ni Kathleen.Natauhan siya sa daydreaming niya ng kinagat ni Kathleen ang lips niya.Totoo pala talaga ang kasal na iyon.Pakiramdam niya umurong ang dila niya ngayon.Di si Zeth makapaniwala na si Kathleen ang bride niya pala.Naguguluhan ang utak niya.Di na niya narinig ang mga nagsasalita.Matapos noon nagdilim ang paningin niya.Nawalan ng Malay si Zeth ng tuluyan.
"Teka hindi na humihinga si Zeth.!"dali daling binigyan ni Kathleen ng CPR si Zeth sa altar na iyon.Ayaw niyang agad mabalo ng isang araw lang.Palagay niya di na ito aabot sa ospital.Matapos ang paulit ulit na pagbigay ng hangin kay Zeth.Naubo na ito at sa wakas huminga si Zeth.
"Arthur maysakit ba ang anak natin.?"umiiyak si Sarah ngayon at nagpapasalamat na sinalba ni Kathleen ang anak niya.
"Ewan ang alam ko puro alak at babae lang naman siya.Baka nagkasakit na sa Atay ang gagu na ito."tumawag agad ng ambulance naman si Arthur.
"Baka may aids na itong mokong na ito.Tito sana hindi siya ang groom ko.Dyos ko natakot ako baka mabalo ako agad."nakahinga ng maluwang si Kathleen parang gripo na ang pawis niya.
"Mommy you are heroine.If ever magkasakit si Daddy Zeth aalagaan mo dapat siya Mommy.Baka magalit si God sayo sige ka."pananakot pa ni Krizzia sabay turo kay Jesus Christ na nasa harapan nilang lahat ngayon.
"No choice ano pa nga ba."nagpaypay na si Kathleen at mamaya pa dumating na ang mga rescue team.Nagbihis muna siya ng komportableng damit bago siya pumunta ng ospital.Sina Zea at Kareem pinakain ang mga bisita.Sina Krizzia at Mama Karina lang niya ang nauna sa ospital.
Nagising si Zeth na may dextrose na sa braso niya.Totoong kinasal sila ni Kathleen Samonte.At totoo ang pangyayari kanina lang.
"Hello po Gising na po ba kayo.?Nice meeting you po Daddy Zeth."madaldal itong si Krizzia dahil 4 yrs old pa lang ito nahihirapan itong umakyat sa kama.
"Saan ang Mommy mo.?Ikaw lang ba nagbabantay sa akin.?"tanong ni Zeth sa bata at kinarga na niya ito.Talagang may lukso nang dugo na nararamdaman niya.Di niya alam kung bakit magaan agad ang loob niya sa batang ito.
"Nope kasama ko si lola Karina.Bumili lang siya ng makakain at water po natin doon sa canteen."sagot naman ni Krizzia.
"Parang di ka nagmana sa Mommy mo.Sobrang daldal mo pala para kang si Zea ah."pinisil pa ni Zeth ang medyo chubby nitong pisngi.Humagikgik lang ito at hinalikan siya nito sa pisngi.Di niya Alam na pamangkin niya talaga ito.Anak ni Zea kaya madaldal mana sa tunay na Ina.Baka mabored ang bata nanonood na sila ng gustong cartoon nito.
"Krizzia baby andito na si lola.Malayo pala ang canteen dito.At sobrang mahal pa kahit mineral water lang.Nagtext ang Mommy mo dumaan daw siya sa grocery store.At nagtake out na siya ng late lunch natin.Aba gutom na tayo diba baby ko.?"dumating si Karina na may dala ng pinamili nito.
"Tita ano po ba ang nangyari sa akin.?"tanong na ni Zeth kay Karina.
"Tumigil ang heartbeat mo sabi ni Kathleen.Ayon gumamit siya ng CPR tapos after 30 minutes yata huminga ka ulit iho.Natakot kami baka may sakit ka na.Over fatigue ka lang daw sabi ng Doctor.At may gastritis ka daw iho.Dahil daw lage kang naglalasing sabi ng Daddy Arthur mo."kwento naman ni Karina.
"Hay naku ayoko pang mabalo agad.Kaya sinalba kita Zeth Guerrero.At takot ako sa Dyos kaya humanity ginawa ko kanina."dumating si Kathleen na may maraming dala dala.Mga gamit nila sa ospital.Dapat 3 days daw si Zeth sa ospital.Para masiguro din sinabi niya na dapat may over all check up pa ito ulit.
Di makapagsalita si Zeth naging pipi na yata siya ng dumating si Kathleen.Kay daming tanong sa isip niya na di lumabas sa bibig niya ngayon.Ayaw niyang kumurap pa baka mawala na naman sa paningin niya si Kathleen Samonte.Di siya makapaniwala na ito pala ang magiging asawa niya ngayon.May himala yatang nangyayari sa buhay niyang wala ng direksyon na sana.
YOU ARE READING
Mr.Dream Man
Romanceang pagiging broken hearted pala ay pwedeng maging inspiration para magtagumpay ka sa buhay...