Nagising si Kathleen sa hagikgik ng isang batang babae.Si Krizzia iyon kinukunan sila ng selfie ni Zeth habang magkayakap na natutulog.
"Saan ba ang bantay mo.?Saan si lola Karina mo bata ka."pinaakyat ni Kathleen si Krizzia sa sopa.Kaya nadaganan na nito si Zeth.
"Siya ang nagbabantay kay Keo ngayon Mommy ko.Sinundo kita di ka pa kasi umuwi ng house."nakangiting sagot ni Krizzia.
"Diba kamukha mo siya Krizzia.?"hinahaplos pa ni Kathleen ang pisngi ni Zeth.
Nagising na si Zeth pero ayaw niyang dumilat.Pakikinggan niya ang kwentuhan ng dalawa.
"Yeah but mas gwapo ang Papa Kareem ko.He is my Tito naman kaya we are lookalike."talagang anak si Krizzia ni Kareem binubuhat ang sariling Bangko.
"Pareho ka talaga ng ugali ng Ina mo.I think mas gwapo naman itong Tito Zeth mo."pinisil pa ni Kathleen ang ilong ni Zeth.
"Mommy kelan natin sabihin na si Papa Kareem talaga ang real Papa ko.?At mother ko talaga si Mama Zea.?Many people said my attitude is like my Mama Zea right.?"biglang tanong ni Krizzia kay Kathleen.
"W-what anak nina Kareem at Zea itong baby girl na ito.?"biglang bangon ni Zeth.
"Anak ka ng palaka.!Zeth bakit ka nanggugulat.Krizzia yong heart ko umakyat sa langit."nagulat talaga si Kathleen pero tawang tawa lang ang bata sa kanya.
"So pinagtripan mo lang ako Kath.Kaya pala nararamdaman ko ang lukso ng dugo.Tapos kamukha ko talaga ang baby girl na ito."pinupog ni Zeth ng halik ang pamangkin pala niya.
"Big ate na po ako Tito.Gusto kasi ni Mommy na ampunin ako.Kaya in my birth certificate Mommy ko talaga si Mommy Kath.Shhh...Tito secret lang natin ito sa people ok."halos pabulong pa na ani ni Krizzia.
"Ok from now on called me Daddy.Kath Hati tayo dapat sa costudy ng anak natin."demanding na sabi ni Zeth.
"Ok para maambunan ng mana naman si Krizzia."biro na ni Kathleen kay Zeth.
"You love me right.?"seryosong tanong ni Zeth kay Kathleen at tiningnan ito mata sa mata.
"Krizzia close your eyes."tinakpan ni Kathleen ang mata ng bata at ginawaran ng halik si Zeth sa labi.
"Isa pa please."request ni Zeth sabay halik niya kay Kath ng mabilisan.
"Mommy done na po ba.?"inosenteng tanong ni Krizzia kay Kathleen.
"Yes big ate tayo na magdate tayong tatlo."kay saya ni Zeth alam niyang pinaparamdam ni Kathleen ang pagmamahal nito sa isang tao.Di ito magaling verbally.Sapat na iyong halik na iyon assured na siyang mahal talaga siya nito.But curious siya kung kelan siya minahal nito.Pag may time tatanungin niya ito.Larawan sila ng happy family ngayon.Ngayon alam niyang gawa gawa lang nila Kathleen na may asawa ito sa ibang bansa.Siya lang pala pinagtripan nina Zea at Kathleen daw.Text iyon ni Kareem na natatawa talaga sa dalawa.Pasalamat si Zeth bff ng kapatid niya ang babaeng mahal niya.Mailap masyado kasi na nilalang si Kathleen Samonte.Bibigyan niya ng thank you gift siguro ang kapatid niyang kapapanganak pa lang.
"Happy family na pala kayo.Kawawa naman si Amber talaga.Pinalo pa ni Zea ang facelak niya.Nahihiya siyang lumabas tuloy ng bahay.!"si Cameron iyon kasama din si Tricia na pinsan ni Kathleen sa mother side.
"Bakit naman naging kawawa siya Aber.?Siya ang nanggugulo lagi sa buhay ko.Oo happy family kami kaya naiinggit kayo."lumingkis pa si Kathleen sa braso ni Zeth ngayon.
"Sweetheart wag mo na silang patulan.Wala talaga silang magandang sasabihin."hinihila na ni Zeth si Kathleen baka masipa pa nito ang mga pinsan nito na mga maldita.
"Zeth talaga bang aakuin mo ang anak ng babae na iyan.?Yong kambal mong anak itinatanggi mo.?"taas kilay na tanong ni Tricia kay Zeth.Nagulat silang biglang binalya ni Zeth ang laman ng mesa nila.
"Una sa lahat di ko anak iyong anak ng Jessa na iyon.Bulag ba kayo nasa social media na ang DNA tes ng mga bata na iyon.Lastly pakialam nyo ba sa buhay ko.?"galit na saad ni Zeth na nagbasag talaga ng Plato at baso sa harapan ng mga babae.
Nasindak sina Cameron at Tricia talaga.Kaya umurong ang dila nila.Nakalimutan nilang gangster noon si Zeth pala.At nakakatakot ito noon pa.
"Kung ako sa inyo izipper ko mga bunganga ninyo.Baka di ako makapagpigil susungalngalin ko mga bunganga ninyo.!"banta din ni Kathleen sa mga ito.
Pinapakalma naman ni Krizzia sina Zeth at Kathleen.Pareho kasing highblood ang mga ito.
"Mommy,Daddy calm down.Sabi ni Papa pag highblood si Mama.Imassage ko daw heart niya."hinahaplos ni Krizzia ang bandang dibdib nina Zeth at Kathleen.
"Ganito pala ang pakiramdam ni Kareem.Good girl ang baby girl namin.Naiinggit ako talaga kay Kareem.Siya lage kasama ninyo ni Zea.Ako di ninyo sinasama sa gigz ninyo."ngumuso si Zeth talaga.
"Naniniwala ka kasi noon na bf ko si Kareem.Trip ko lang iyon bago ako pumasok sa University.Dahil sabi ni Mama Karina bawal pa kami magka bf at gf.Pero si Zea ayaw niya talaga maniwala na bf ko si Kareem.Pareho kami ng mindset noon.Nakikijoin din siya sa trip ko.Si Kareem kasi cool na kuya ika nga.But alam ko na crush niya si Zea noon pa.Kahit talkative siya naeenjoy ko makinig sa chismis niya lage.Para siyang radio namin ni Kareem.Pareho kami di masalita mas silent type si Kareem kesa sa akin.Tumatawa lang ito at kalma lang kung baga.Minsan sa isang taon lang siya magalit talaga.Abnormal yata si Kareem no Zeth.?Nahawa na ako kay Zea sobrang daldal grabe."masaya pang kwento ni Kathleen proud siya maging best friend si Zea talaga.
Namumula sa katatawa si Zeth kahit napagtripan na siya ng magkaibigan.Tama si Kareem mas mahal ng dalawa ang isat isa higit kaninuman.Kung di lang siguro niya naging gf niya si Amber di siya mapag iwanan ng tatlo talaga.Siguro tama ang sinasabi ng iba kung lumuluha ka man ngayon balang araw makakamtan mo ang saya.Nagpapasalamat talaga siya sa Daddy niya.Gumawa ito ng paraan para lang maging asawa niya si Kathleen Samonte ngayon.Wala itong pakialam daw sa nakaraan niya.Basta ang mahalaga dito ay ang ngayon at ang bukas.Lumipat sina Zea at Kareem sa bahay nila Kathleen at Zeth.Dahil two storey daw ito.Sabi ni Kathleen mahirap Linisan iyon.Kaya dapat doon tumira daw sina Zea at Kareem kasama ang mga anak nito.Yong bahay na iyon regalo ng lolo ni Zeth sa kanila ni Kathleen daw.
"Kay ganda dito may pool pa for kids.Mahilig si Krizzia magbabad sa tubig.Kelangan lang taniman ng halaman diba.At konting decoration.Mga artist itong dalawa na ito pero tamad sila magpapaganda ng bahay or shop talaga."tuwang tuwa si Zea sa bagong bahay nila.
"Ikaw ang boss susunod lang kami ni Kareem Mrs.CEO."biro ni Kathleen sa bagong kaibigan.
"Wag ka masyado malikot Babe.Baka mabinat ka maupo ka muna dito ok.Magmando ka lang kami na ni Kathleen gagawa sa gusto mo bossing."inalalayan ni Kareem ang kapapanganak pa niyang asawa.
"Kay takaw ni Keo pala.Paano ba magpaburf ng baby.?"pinapadede ni Zeth ang pamangkin niya.
"Akin na ganito dapat."maingat si Kathleen sa ginagawa Mayamaya pa dumighay na ang si baby Keo.
"Kath pwede ka na magbuntis."tudyo ni Zea kay Kathleen na namumula naman.
"Paano ako mabuntisan di pa ako nadiligan.?"ganting biro ni Kathleen sa kaibigan naibuga tuloy ni Zeth ang iniinom na tubig ngayon.
"Pare V pa yan si Kath.Ako lang ex bf niya diba Zea.?"natatawang saad ni Kareem.
"Of course dapat i preserved yong virginity after married na."strikta si Zea sa lovelife ng kaibigan niya.
"Paano naman ako magkabf doon sa Bahrain ei sobrang strikta ka mother Zea.?Dinaig mo pa sila Mama at Papa."hinihila ni Kathleen ang pisngi ni Zea.
"Dahil alam ko di ka Makamove on sa first love mo."gumanti naman si Zea lambingan lang nila iyon.
"Pare sino ang first love ni Kath kilala ko ba.?"tanong agad ni Zeth inatake agad siya ng selos.
"Talagang wala kang pakiramdam kuya.Ikaw first love niya at ikaw din nagwakas sa heart ng bff ko.Nag confess ka ng feelings tapos bukas makalawa naging kayo ni Amber Neri.Alam mo bang umiinom si Kath noon magdamag.?Muntik na din masira pagkakaibigan namin dahil sayo.Kaya nagrevenge kami ng matagal.Pinaniwala ka namin nag asawa na si Kath sa Bahrain at anak niya si Krizzia.Aba di biro ang pambubully ng Amber Neri noon sa amin."galit si Zea ng maalala ang nakaraan.
"Pare iba magalit sila kaya quite na lang ako lage.Naninipa si Kath aba sobrang sakit noon."tinapik ni Kareem sa balikat si Zeth.Naintindihan niya ang pinagdaanan din nito.
Nagsorry naman si Zeth kina Zea at Kathleen.At pangako niya na ipriority na niya ang pamilya nilang bubuuin nilang apat ngayon.At sumpaan nila kahit kahit sinuman ang walang makakatibag daw sa samahan nila.Paano kung malaman ni Kathleen na ang Ina ni Zea at Zeth ang pumatay sa Ina niya mismo.?Maging matibay pa kaya ang samahan nila.?Or matitibag ang pondasyon ng pagkakaibigan nila Kathleen at Zea.?
YOU ARE READING
Mr.Dream Man
Romanceang pagiging broken hearted pala ay pwedeng maging inspiration para magtagumpay ka sa buhay...