"Lolo bilisan mo na ang pag impake.Naririndi talaga ako sa drama ng babae na ito.Hoy Amber si lolo ang magbebenta ng mansion.Kahit ako walang karapatan doon."kibit balikat ni Kathleen wala siyang pakialam sa mansion na iyon.
"K-kathleen ikaw lang ang makakumbinse kasi ni lolo sa gagawin niya.Studyante pa ang mga kapatid ko.At housewife lang si Mommy ko.Please Kathleen pigilan mo si lolo.Pati ang Daddy ko nadadamay sa kanila.Sana silang mag anak na lamang paalisin ni lolo.At isipin mo ang lahat ng mga katulong mawawalan bigla ng trabaho."sincere na pakiusap ni Tricia kay Kathleen.
"Mommy sabi nina lolo ang family dapat may harmony.Sabihin mo kay lolo wag sila mag aaway away.And I want to swim in there pools.Sabihin mo kay lolo na wag ibenta ang house nila."inosenteng nakikisabad si Krizzia.
"Try mo nga lambingin si lolo.Baka lalamig ang ulo niya now baby girl."malumanay na utos ni Kathleen sa anak.
"Lolo don't be so mad.Kawawa naman sila mawawalan ng house lahat.Kaya give them a chance ok lolo.Yong grandpa ko sa kabilang malaking house.Sobrang mababait.Wala silang kasigawan sa house nila.Kaya walang wrinkles si Lolo Arthur at yong isa ko pang lolo.Laging nakasmile like may Dada sobrang pogi.!"inosenteng sambit ni Krizzia at biglang bumaba ang Presyon ng dugo ni Don Neri.
"So gusto mo magswim sa malaking pool.?"bumuntonghininga ni Don Neri.Naisip niya maraming alaala ang mansion na iyon sa asawa niya mismo.
"Yeah I bring some of my swimsuit here.Bili pa ito ni Mama Zea sa mall."nilabas ni Krizzia ang dalawang pares na cute na swimming suit nito.
"Ok Jess wag mo nang ituloy ang pagbebenta ng mansion.Pero Amber at iyang asawa mo Rafael makakaalis na.Kung gusto mong sumama di kita pipigilan.Manang bumalik na kayo sa kusina.!"malumanay na ang timbre ng boses ni Don Neri.Gusto pa niyang mabuhay ng konti pa.Kaya paalisin na niya ang sakit ng ulo niya.
"K-kathleen I said I'm sorry to you right.K-kumbinsihin mo si lolo na wag akong paalisin.!"tinablan ng takot si Amber.
"Amber tama na nga iyang drama mo.Total di ka pala apo ni lolo.Dapat ka ngang umalis dito.!"galit na si Tricia sa pinsan niya na gusto ng center of attraction.
"Duh hindi ako pumunta dito para Manood sa kadramahan mo Amber Neri.Dont tell me gusto mong kaawaan ka ni Zeth.?Kahit pilitin mo pang umiyak ng dugo.Di mo ako makumbinsi na sincere ka Amber.!"di talaga tinablan ng awa si Kathleen sa babaeng sobrang yabang.Kelangan matuto itong bumaba sa ere kung saan ito naroroon man.
"Manang itapon ninyo na sa labas ang mga maleta nila ni Amber.Naiirita na talaga ako sa pag iyak ng mag ina na ito.!"naubos na ang pasensya ni Don Neri na talaga.
"L-lolo tiyak na magagalit si Lola sa gagawin mo sa akin."favorite na apo kasi si Amber sa lola nila mismo.Kaya doon ang kayabangan na nanggaling.
"Hay naku patay na ang lola naman dinadamay mo pa Amber.!"malditang sabat ulit ni Tricia.
"Tricia dati tayo ang magkakampi diba.?"pinapatagal pa ni Amber para di siya talaga paalisin sa mansion na iyon.
"Kaladkarin na ninyo ang mag ina na iyan."utos na talaga ni Don Neri sa mga bodyguard niya.Dahil sobrang naiingayan na siya kina Amber.
"Rafael pigilan mo si Papa.Di pa tayo annulled di ninyo magagawa sa amin ito ni Amber.Isipin mo si Mama di siya matutuwa sa ginagawa ninyo kay Amber.!"hiyaw na nang mother ni Amber sa mister.Pero di natitinag si Rafael.Naisip niya di na siya mahihirapan maidispatsa ang asawa niya na nakakaumay na.Gusto niyang itira ang kabit niya sa mansion na iyon balang araw.
Sa isang iglap nawala ang pinagmamayabang ni Amber na kayamanan.Tila siya mababaliw ngayon di niya matatanggap na di siya apo ni Don Neri pala.Di niya matanggap na si Kathleen Samonte ang nagwagi sa laban.Babalik sila ng Ina niya sa mansion na iyon.Ipipilit ni Amber na legal siya na apo ng matanda.
"Anak fixed yourself first.Di pa tapos ang laban natin.Gagamitin ko ang alas ko para makabalik tayo sa mansion.Tirahan natin iyon at di tayo pwedeng paalisin doon."like mother like daughter na ganid sa yaman ni Don Neri.Gusto niyang sila ang makakamkam sa yaman ng matanda.Ang problema di nga apo ni Don Neri si Amber.Tila niloloko na lamang nila ang mga sarili nila sa pagkakataong iyon.
"Lolo be nice to your family ok.Gaya ng grandparents ko sa ibang house.They are so kind and they spoiled me.They take good care of my younger brother too."pangaral ni Krizzia kay Don Neri habang kumakain na sila.
"Parang matandang bata siya ano.?Mas mature pa siya mag isip kay Amber."napapailing na lamang si Stella buti naman medyo nadisiplina niya ang tatlong anak pa niya.Dahil na rin housewife lang naman siya.Yong Ina ni Amber may bar bussiness daw.At tulog iyon sa Umaga gising sa gabe.Therefore di nito nasubaybayan ang paglaki ni Amber.Naging spoiled ito dahil material lang binibigay ng mga magulang dito.At favorite na apo nga ito ni Donya Neri.Kaya kung makaasta wagas din.Ngayon pasalamat sila dumating si Kathleen.Napagtuunan ni Don Neri ang anak nilang si Tricia.
"Wag na nating banggitin si Amber.Tricia kumusta ang preparation sa kasal ninyo.?Kelan mo dadalhin ang fiancee mo dito sa mansion.?"malumanay na tanong ni Don Neri sa isang apo niya.Magbabago na siya pagtuunan na niya ng pansin kahit sa mga apo na lang.Dahil di na niya madisiplina ang dalawang anak niyang lalake.Lalo na si Rafael na sobrang tigas na ng bungo.
"Lolo itatanong ko sayo na kelangan pa bang mamanhikan si Ronald.?Nagtatanong kasi ang parents niya sa akin.?"nag aalangan si Tricia na magtanong nakakatakot ang lolo niya nong mga bata pa sila ni Amber.Dahil si Amber favorite na apo ng lola niya.Naiiwasan nito ang pamalo ng lolo niya noon.Pero siya hindi at ang mga kapatid niya.Lumayas nga ang ate Teffany niya.Dahil nga ayaw ng lolo nito sa bf nito noon.Until now di pa bumalik si Teffany sa mansion.Pero nagpromise itong umuwi bago ang kasal niya.
"Papuntahin mo na lang sila dito apo.Kelangan din namin makilala ang pamilya ng mapapangasawa mo."nawala na ang pagkastrikto ni Don Neri.
"Sige po lolo."napangiti si Tricia magpapasalamat yata siya kay Kathleen minsan.Dahil medyo nagbago na ang lolo nila.
"Don Neri may bisita po kayo."ani ng katulong kasunod si Teffany na simple na lang ang itsura.At may tatlong anak na hila hila pa.Sa itsura nito tila nakakaawa ito.
"T-teffany?"nag aalala si Stella lumapit sa panganay na anak.
"L-lolo I'm sorry di ako nakinig sayo.Iniwan kami ng asawa ko 1 yr ago at sumama sa babae niya.Sinubukan ko na magtrabaho para pangtawid gutom namin ng mga anak ko.Pero di ko pala kaya lolo.P-patawarin mo ako lolo naging suwail akong apo.!"biglang luhod ni Teffany kay Don Neri.
"Tumayo ka Teffany atleast natuto ka sa pagkakamali mo.Di ka nagaya pala ng Tita Klara mo na naging swerte sa pinili niyang buhay.Matalino kang bata ka pwede kang magsimulang muli."niyakap ni Don Neri ang panganay na apo.
"S-salamat po lolo."bumuhos ang mga luha ni Teffany.
Nagwalk out naman si Rafael dahil siya lang ang walang anak.At galit siya na pinalayas ng Don ang anak niyang si Amber.Kahit papaano tinuring na niyang anak ito.Tinawagan niya ito at simabi ang plano niya.
"Amber fixed yourself first.Umuwi si Teffany ngayon kelangan mong makuha muli ang loob ng lolo mo.Dahil di ako papayag na pinalaki lang kita ng walang pakinabang.!"utos ni Rafael sa ampon.
"Y-yes Daddy I will."nabuhayan ng loob si Amber kahit papaano nasa panig niya pala ang Daddy niya.Kung tutuusin unica iha siya nito.At impossible pati ito ibabasura siya nito.Sa pagkakataong ito gagawin niya ang lahat na makakaya niya.Para makuha muli ang loob ng lolo niya.Di siya papayag na maangkin ng mga pinsan niya ang trono na para lang sa kanya daw.Kahit alam na niya na di siya totoong Neri.Pero as long as legal siya na anak ni Rafael Neri.Walang magbabago daw sa pagkatao niya.
YOU ARE READING
Mr.Dream Man
Romanceang pagiging broken hearted pala ay pwedeng maging inspiration para magtagumpay ka sa buhay...