Nanginig si Kathleen ng nasa ER na si Zeth.Bumalik ang phobia niya sa ospital.Dahil sa ospital nakita niya ang Mama niya nasa ICU.Pinaturukan na lang ni Kareem ng pampatulog si Kathleen.Baka di pa makahinga pa ito buti na lang nasa ospital na sila.
"Figther ang pasyente nakaya niya ang operation sa ulo niya.Kahit may internal bleeding sa ulo nito.He stable now obserbahan pa natin kung ano ang epekto ng operation.Marahil kasi magka temporary amnesia ang pasyente."pawisan ang doctor na lumabas sa ER matapos ang operation nito.
"Pupuntahan ko si Kathleen baka gising na siya.Kasalanan ito ni Mommy ko.Di ko talaga siya mapapatawad."umiiyak na nanggigil si Zea patakbong pumunta sa kwarto ni Kathleen.
"Gusto ko puntahan si Zeth kuya Kareem.Kasalanan ko kung bakit nahagip siya ng truck.!"pilit na bumangon si Kathleen pero pinipigilan siya ni Kareem umiiyak lang ito.Sobrang apektado ang pamilya niya sa nalaman din.Inaalala siya ng mga ito.
"K-kath ok na daw si kuya Zeth.C-can I come in.?"nag alalang tanong ni Zea.
"Wag mo munang lapitan si Kathleen Zea.Cant you see nahihirapan siya.?"galit ang boses ni Kareem sa mismong misis niya.Di biro ang epekto kasi sa buhay ng pinsan niya ng mamatay ang Mama nito.Naulila ito sa murang edad at kay hirap tanggapin din ni Kareem na byenan pala niya ang nakapatay sa mother ng kawawang pinsan.Gulo gulo ang utak niya din tila naiipit siya sa nag uumpugan na mga bato.
"S-sige kukuha na lang ako ng mga gamit nila sa bahay."naintindihan ni Zea ang trato ni Kareem sa kanya.Dahil nga mother iyon ni Kathleen ang pinatay ng Ina niya.Di man nito sinasadya pero ang mali ni Sarah tinakbuhan nito ang ginawa niya.Iniwan sa gitna ng kalsada ang mother ni Kathleen.Para kay Zea deserve lang niya iyon.Di na din niya maibabalik ang buhay ng Ina nito.Kahit ano pa gagawin niya.
"Wag ka ng mag abala kumuha na si Mama Karina ng mga kelangan ni Kathleen.Ang mabuting gawin mo Zea bantayan mo ang kuya Zeth mo.!"sobrang lamig bigla ang trato ni Kareem sa misis niya.Dahil gusto na lamang ni Kathleen kasi ang mag suicide na lang nong gabe na iyon.Sobrang awang awa siya sa pinsan niya.Di ito iyakin pero syempre apektado ito sa nangyayari.Tila pinaglaruan na naman sila ng tadhana.At si Kathleen ang hinagupit na naman nito.Mahal nito si Zea at masakit sa kanila ang katotohanan na binunyag ngayon na dekada na ang nakakaraan.
"S-sige."napaluha na lamang si Zea first time niyang tratuhin siya ng mister niya ng ganun.Sobrang sakit talaga ng katotohanang ito.
Samantalang damay sina Zeth at Zea sa krimen na ginawa ng Ina.Kinuha nina Karlos at Manuel ang lahat ng gamit at damit nina Kathleen at Kareem sa bagong bahay ng mga ito.Ilalayo daw muna nila ang mga anak nila sa magkapatid na Guerrero.Di biro ang pinagdaanan nila ng mamatay si Klara.Lalo na si Kathleen na ilang taon din naipasok nila sa rehabilitation center.Para lang bumalik sa normal ito.Nong pinanganak si Kathleen masayahin at madaldal ito.Ngunit ng mauling ito ng Ina sobrang tahimik na nito.At di na nila nakakausap madalas.Wala na daw reaction ito sa lahat ng bagay.Apektado masyado ang utak nito sabi ng Doctor.
"W-wala naman kasalanan ang mga apo ko.Paano na si Zea may anak sila ni Kareem.?"umiiyak na tanong ni Rodrigo Guerrero sa mga ama ng mga ito.
"Di namin pakialaman ang desisyon ni Kareem sa dalawang bata.At isa pa legal na anak ni Kathleen si Krizzia.Sa inyo na lang muna si Keo."di mapipigilan na sina Karlos at Manuel.Magreresign na din sila bigla sa trabaho.
"Sana pinatay ko na lang si Sarah noon.Sina Zeth at Zea ang naapektuhan sa krimen na tinakasan niya noon."sinuntok ni Arthur ang pader sa galit tuloy nagdugo ang kamao niya.
Samantalang nabalitaan ni Amber na naaksidente si Zeth.Kaya pumunta agad siya para daw alagaan ito.Tila masaya pa siya dahil bago pa lang kasal sina Zeth at Kathleen.May hinaharap na itong krisis.Gusto ni Amber na siya ang dadamay kay Zeth sa kalungkutan nito.Nasa tabi na si Amber ni Zeth inaayos pa ang mga gamit nito.Dahil panay lang ang iyak ni Zea sa may sopa.
"Dont touch me who are you.?"nagising si Zeth biglang tinulak niya si Amber.Di niya kilala ito ang naalala lang niya may asawa siya.At mukha lang naalala niya pero di niya maalala kung ano ang pangalan.
"Di mo ako maalala Zeth.?Im your gf I'm Amber Neri.?"maang na tanong ni Amber.
"May asawa na ako at hindi ikaw iyon.S-saan ba ang asawa ko.?"hinanap ni Zeth ang mukha na nakatatak sa isip niya.
"K-kuya nasa kabila si Kathleen.Teka tatawagin ko ang nurse or doctor."dali daling lumabas si Zea wala siyang pakialam sa presensya ni Amber kanina lang.
May mga tanong ang doctor kay Zeth.Di nito maalala kahit pangalan nito.
"Naalala ko lang ang mukha ng asawa ko."sagot naman ni Zeth.
"Mrs.Zea dalhin natin sa kabilang kwarto ang pasyente.Talagang may temporary amnesia siya."suggest ng doctor.
"Y-yes po doctor."dalangin ni Zea na maalala ni Zeth si Kathleen.Baka makatulong ito sa problema din nila ni Kareem.Tumawag ang lolo at Daddy niya.Kinuha daw ng mga byenan niya ang mga gamit at damit nina Kareem at Kathleen.Si Keo lang ang naiwan sa kanila.Dinala pati ng mga ito si Krizzia.Kaya panay ang iyak niya wala siyang lakas ng loob na pigilan ang mga ito.
"S-siya nga ang asawa ko.Napaano siya doctor.?"nag aalala si Zeth agad kay Kathleen.Dahil may dextrose na ito at nakahiga na sa ospital bed.
"Zea diba sabi ko wag nyo muna puntahan si Kathleen.?"bulyaw na ni Kareem kay Zea.
"K-kareem suggest ng doctor na dalhin si kuya dito sa kwarto."hagulgol ni Zea dahil first time niyang nasigawan ng mister niya.
"I'm not sorry can't you see kung ano ang ginagawa ng Ina ninyo kay Kath.?Buong buhay may trauma siya sa ospital.At nangungulila siya sa Mama niya araw araw.Diba alam mo iyon ha Zea.?Di makukuha ng sorry ang ginawa ng mother mo sa pamilya namin."impit na sumbat ni Kareem kay Zea.
"I know sorry is not enough.But I'm begging you Kareem wag kang lumayo sa akin.Di ko na alam ang gagawin ko sa ngayon.Tila mababaliw na ako.!"sinabunutan ni Zea at sinasampal ang sarili.
"K-Kareem bakit mo pinaiyak si Zea.?Patahanin mo siya ura mismo.!"pilit na bumangon si Kathleen at umagos ang luha niya ng makita na nasa harapan na niya si Zeth.Buhay at nakaupo ito sa wheelchair.
"P-pero Kath."umiiyak din si Kareem di niya matiis ang misis niya.Nilapitan niya ito at niyakap.Wala naman itong kasalanan kasi.Pero sobrang lupit nang tadhana para sa kanila.Sa Dinami dami ng Tao sa mundo.Bakit pa ang mother in law pa niya ang pumatay sa Ina ni Kathleen.
"Doc napaano ang asawa ko.Di ko maalala ang pangalan niya.Pero talagang sigurado akong siya ang asawa ko.Bakit kasama niya ang isang lalake.?"sunod sunod na tanong ni Zeth napakamot na lamang ang doctor dahil syempre di nito alam ang isasagot.
"Thanks God buhay ka.Yon lang ang importante.Siguro tinulungan ka ni Mama.Pwede ka bang lumapit nanghihina kasi ako."nakangiti pero umaagos ang luha ni Kathleen ng tuloy tuloy.Sa pagkakataon na ito naniniwala na siya na may epekto ang dasal niya.Di yata niya kakayanin kung mamatay din si Zeth.Tulad ng Mama Klara niya na iniwan lang siya bigla.
"Sure wala man akong maalala.Pero pwede mo naman ikwento sa akin ang lahat diba?"nahihirapan man si Zeth pero lumapit talaga siya kay Kathleen.At ng mayakap niya ito narerelax ang puso niya.
"Masakit ba ulo mo.?Gutom ka na ba.?Baka magka ulcer ka na."mahigpit na niyakap ni Kathleen si Zeth.Narealize niya na life is too short.Di na niya hihintayin pa na magsisi siya bandang huli.Mamahalin niya si Zeth minu Minuto at oras oras na.She should not waste time dahil maiksi lang ang buhay ng tao.
YOU ARE READING
Mr.Dream Man
Romanceang pagiging broken hearted pala ay pwedeng maging inspiration para magtagumpay ka sa buhay...