Mr. Dream Man ☆ Part 21

30 2 0
                                    

Dahil sa kagustuhan ni Kathleen na dalhin niya sina Zea at Zeth sa bahay nila.Wala ng nagawa ang mga ama nila ni Kareem.Subalit malamig na si Karina sa manugang niya.
"Wala kami maraming katulong dito.Kaya dapat kumilos ka na Zea.Wag mo di  iasa kay Kareem ang pag aalaga kay Keo.Total pumapasok na si Krizzia sa kindergarten araw araw."malamig na ani ni Karina dito.
"O-opo Mama."lahat ng gusto ng mga ito susundin ni Zea.Wag lang hiwalayan siya ng mister niyang si Kareem.
"Sa nursery room ka matutulog dapat.Nandon na ang mga gamit mo."segunda naman ni Kareem.
"O-oo walang problema iyon sa akin."wala pa din reklamo si Zea.
"Sobra na kayo walang kinalaman si Zea sa pagkamatay ni Mama.Bakit dinadamay ninyo siya.?Wag kang mag alala tutulungan naman kita Zea sa gawaing bahay."talagang pinagtatanggol ni Kathleen ang kaibigan.
"S-salamat Kath don't worry deserve ko naman alagaan si Keo.S-siguro ayaw na ni Mama na umaasa lage ako kay Kareem.Kayo ang naghahanapbuhay.At obligasyon ko iyon bilang asawa at Ina na rin."tumulo ang luha ni Zea ramdam niya ang pagmamahal ni Kathleen mismo sa kanya.
"Basta di ko gusto trato nila ngayon sayo."galit ang mga mata ni Kathleen na pinukol sa pinsan.Umiiwas agad ito ng tingin sa kanya.
Di na lang kinokontra ng mga ito.Dahil malalim ang pinagsamahan nina Zea at Kathleen kahit papaano.At asawa ito mismo ni Kareem.Ngunit hirap ang kalooban ni Kareem.Kaya naglasing siya sa gabing iyon.
"K-kareem bakit lasing ka.?"nag alalang sinalubong ni Zea ang mister.
"Bitiwan mo ako Zea nahihirapan ang puso ko now.Dahil byenan ko pala ang pumatay kay Tiyang Klara."malakas na binalya ni Kareem si Zea.Bumagsak ito dahilan napilayan ito.
"Aray ang sakit ng paa ko."ngumingiwing ani ni Zea di siya makatayo.
"I-Im sorry Bhe di ko sinasadya.Sobrang kulit mo kasi."nataranta si Kareem halos madapa pa ito dahil kumukuha ng yelo sa kusina.
"D-di na ako maging makulit pa."di din minsan napagbuhatan si Zea ng kamay ni Kareem.Mas masakit ang puso niya kesa sa paa na napilay.Although wala siyang kasalanan.Pero Ina niya ang meron.Walang kapatawaran iyon kung siya ang tatanungin.
"Sinaktan ka ni Kareem.?"mabilisan tinayo ni Kathleen ng makita niya si Zea na umiiyak sa sahig.Galing sila sa ospital dahil sa every month na check up ni Zeth.
"L-lasing kasi siya di niya naman sinasadya Kath."pinagtanggol pa ni Zea ang asawa niya.
"Wag ka ngang martyr Zea.Kung ayaw niyang lapitan mo siya.Hayaan mo si Kareem.Sobra mo kasi siyang mahal kaya umabuso siya."galit na ani ni Kathleen.
"Hindi madali sa amin na tanggapin lang ang nangyari Kath.Dahil sa pagkamatay ni Tiyang di mo talaga nararamdaman ang sakit.Sabi ng doctor limited na ang emotion mo.At sa totoo lang dobleng sakit dahil Ina ng asawa ko pa ang kriminal.Malulunod na ako sa sama ng loob Kathleen.Sana gaya na lang ako ni Zeth na nakalimutan ang lahat.Sana may amnesia din ako.!"binato ni Kareem ang yelo sa sahig kaya nagkalat ito.
"A-ano bang nangyayari sa inyo ha mga anak.Kareem diba sabi ko sayo unawain mo lage si Kathleen.!"awat ni Karina sa mga anak nila.Dahil umiiyak na ang dalawang bata.
"Mama nahihirapan akong tanggapin na byenan ko pala ang kriminal.Nasasaktan ko si Zea araw araw.Di ko na alam gagawin ko."hagulgol ni Kareem sinabunutan ang sarili.
"Tama iiyak mo lang iyan.Zeth pakiakyat na muna ang mga bata.Di pwedeng nakikita ni Krizzia nag aaway ang mga magulang niya."utos ni Manuel kay Zeth na napaiyak kahit wala itong maalala.Marahil alam nito ang nangyayari.
"O-opo Tito."kinarga ni Zeth ang mga anak nina Zea at Kareem paakyat ng kwarto.
"K-kareem kung gusto mo ng hiwalayan.B-babalik na lang ako sa amin.Ayoko naman nakikita kang nahihirapan."gusto na ni Zea na sumuko na lang sa pagsasama nila ni Kareem.
"Zea kung gagawin mo iyon.Susunod na lang ako kay Mama.Ako ang dahilan sa pagkasira ng pagsasama ninyo ni Kareem."galit na umakyat si Kathleen sa may terrace.
"N-no Kath wag mong gawin magsuicide.Mas lalo kong di kakayanin iyon."hiyaw ni Zea halos gumapang siya mapigilan si Kathleen.
Nahimasmasan si Kareem sa kalasingan.Sinundan niya ang pinsan at gusto na nitong tumalon sa terrace nila.Third floor iyon kung di mamatay man si Kathleen.Malasog ang katawan nito dahil semento ang babagsakan nito.
"Nababaliw ka na ba.?"dali daling hinila ni Kareem ang pinsan.
"Mas ok pang mabaliw ako.Kesa apektado kayong lahat sa nangyayari sa akin.Kasalanan ko dahil nagkasakit ako ng gabing iyon.Dahil sa akin lumabas si Mama kahit umuulan."sigaw ni Kathleen talaga unti unti niyang naramdaman ang pighati sa puso niya.Sobrang sakit na kelangan sumigaw siya para maibsan iyon.
"Tama ganyan nga Kathleen.Dapat ilabas mo ang nararamdaman mo.Sorry di ko na pahihirapan pa si Zea."parang baha ang mga luha din ni Kareem.
"Si Zea ang nagbibigay saya sa mundo ko Kareem.Di lang ikaw nagmamahal sa kanya.At handa ko siyang tanggapin kahit kinasusuklaman ko ang Ina niya.Siya ang dahilan kung bakit unti unti ko nang naramdaman ang emotion.Sila ni Zeth nararanasan ko rin ang magmahal at masaktan.Sila ang naghilom sa sugatan na pagkatao ko Kareem.Kaya sino ba naman ako para kasuklaman silang dalawa.Siguro gusto din ni Mama na magmove on na ako sa pagkamatay niya.Dahil mananatili man siya sa puso ko na buhay.Pero kelangan kong tanggapin na patay na si Mama Klara.!"paos na paos na si Kathleen sa kakaiyak.
"K-kath shhh bakit ka ba umiiyak ng sobra.M-may nagawa ba akong mali dati.Kung nagkulang man ako babaguhin ko iyon Babe.Pag umiiyak ka ng ganito parang madudurog din ang puso ko.Handa akong pumatay kung sinuman manakit sayo Babe."matapos patulugin ni Zeth ang mga bata tumakbo siya sa terrace.
"Zeth di ko mapigilan itong mga luha ko."parang batang yumakap si Kathleen sa mister niya.
"Let's go sa kwarto patuligin kita.Para tumahan ka na."pinangko ni Zeth ang asawa niya ng walang pasabi.Handa niyang patayin ang sariling Ina.Maibsan lang ang kalungkutan ni Kathleen.
Samantalang pumunta si Kareem sa nursery room.Kinuha niya ang misis niya habang tuloy pa.Kapapanganak pa nito pero pinaiyak niya ito ng husto.Sobrang sama niyang mister.Kaya triplihin pa niya ang pagmamahal kay Zea.Tama si Kathleen walang kasalanan ito sa nangyayari.Dapat din ang tadhana din ang sisihin ni Kareem.Kinabukasan nagsasalita si Zea na pikit pa ang isang mata.
"Sobra siguro kitang namiss Bhe.Pati itong unan sa paningin ko kamukha mo."hinahalikan ni Zea ang braso ni Kareem.Sobrang namiss niya ito dahil ilang araw niya itong di nakatabi sa pagtulog.
"Araw araw mo naman akong nakikita.So namiss mo pa ba ako ha Bhe."hinahaplos ni Kareem ang pisngi ng misis niya.Until now obsessed pa ito sa kanya.Kahit may anak na silang na dalawa.
"K-kareem ikaw nga bati na ba tayo.?"nangilid agad ang mga luha ni Zea.
"Shhh...wag kang umiiyak papagalitan na naman ako ni Madam Kathleen.Baka masipa na ako sa mukha Bhe.Sorry tiniis kita ng ilang araw."malambing na pinapatahan ni Kareem ang asawa niya.
"O-oo di na ako iiyak.Isumpa mo na di mo ako iiwan.Ikakamatay ko iyon Kareem."mahigpit na niyakap ni Zea ang mister niya.Magpapasalamat siya ni Kathleen.Kay buti ng puso nito kahit ang Ina niya ang may kasalanan.
"Sumpa man di na din kita paiiyakin Bhe.Ituloy mo iyong pagdecorate sa shop natin ok.Bibili pa ba tayo ng maraming halaman.?"tanong ni Kareem.
"Oo dapat may maliit na halaman sa may counter Bhe.Tapos hanging plant din."nakangiting sagot ni Zea.
"Bhe plastic na halaman na lang ang bibilhin mo.Para di ka mahirapan magdilig ok."bumangon na si Kareem at kinarga ang asawa.Para maligo sila ng sabay sa banyo.
"Marami akong time para di din ako mabored araw araw sa shop."masaya na si Zea nagbalik na ang asawa niya.
Samantalang sumama si Zeth sa kanila sa shop.Di pa kasi nito maalala kung ano ang trabaho niya dati.At gusto niya dumikit lage sa misis niya.Balik ang normal na buhay nilang lahat.Subalit galit na pumunta si Don Neri sa shop nila Kathleen.
"Apo dapat hiwalayan ninyo ang magkapatid na Guerrero.Ina nila ang pumatay sa Mama Klara mo."maawtoridad na utos ni Don Neri kay Kathleen.
"Apo sino ba ang apo mo.?Ako si Kathleen Samonte Guerrero.Si Mama lang ang may middle name na Neri.At bakit mo ba ako inuutusan matanda.?Di Kita kinikilalang lolo naman."tumaas ang kilay ni Kathleen.
"Until ngayon ba di mo pa ako matanggap ha Kathleen.?"biglang nalungkot si Don Neri.
"Exactly at di naman din ako tanggap ng pamilya mo.Umalis nga kayo marami pa  kaming gagawin."pagtataboy ni Kathleen sa mga ito.
"Di din ninyo ako bakit naman hiwalayan si Zea.?Don Neri kaya pala di na nauwi si Tiyang Klara sa inyo.Dahil sobrang controller freak ka.Wag na nga ninyong guluhin ang buhay ni Kathleen.Di naman niya kayo kailangan.!"halos tinutulak ni Kareem palabas ng shop nila si Don Neri.
May naisip si Don Neri pabagsakin niya ang company na Guerrero.Para din makaganti siya sa pagkamatay daw ng anak niya.Dinadamay ng matanda ang wala namang kinalaman.Kaya nagrebelde si Klara noon.Dahil di nito matanggap na mahirap ang piniling maging asawa nito.Tama si Kareem kinokontrol ni Don Neri ang buhay ng bunsong anak niya noon.

Mr.Dream ManWhere stories live. Discover now