"Kathleen bakit mo pa sinama iyang mga anak ni Sarah Guerrero.?"inis na tanong ng ama ni Amber.
"Kung di sila sumama di din ako pupunta dito."deretsahang sagot ni Kathleen dito.Alam niyang di siya gusto ng mga Tito daw niya.Wala din siyang pakialam sa mga bagay na iyon.
"Sana sinabi ninyong di kami pwedeng pumunta."galit na ani ni Kareem pero pinigilan siya ni Zea na wag ng magsalita pa.
"Pinadalhan ko sila ng invitation lahat.May problema ba doon.?"sarkastikong tanong ni Don Neri sa panganay na anak.Kaya natahimik na lamang ito.
"Hay naku iha di namin alam kung ano paborito mong dish.Oh ano kain muna tayo."pakitang tao ang mother ni Amber talaga.
"Sobrang trying hard po kayo Ginang."taas kilay na ani ni Kathleen.
"Kathleen Tita mo siya ano ba.Matuto kang gumalang sa nakakatanda sayo.!"galit ang father ni Amber kaya konting pagkakamali lang ni Kathleen pinagtaasan niya ito ng boses.
"Mawalang galang na po ni minsan di namin pinagtaasan ng boses si Kath.Kung ayaw ninyo sa kanya maghanap na lang kayo ng ibang table.!"malditang ani ni Karina.
"Darling it's ok ganyan talaga ang kabataan ngayon."trying hard na ani ng mother ni Amber.
"Tumigil na kayo kung ayaw ninyong makisalo sa kanila mas ok na ngang kayo ang lumipat.Nag eenjoy kami ni Krizzia kumakain dito."sinusubuan ni Don Neri ang bibong bata na alam niyang anak nina Zea at Kareem.
"Fine halika na Darling Doon na tayo.Mas ok pang asikasuhin natin ang mga bisita natin.!"galit na tumayo ang father ni Amber.Pero di sumunod ang kapatid niya at ang asawa nito.
"Hay naku Kathleen pasensya ka na sa Tito mo matanda na kasi kaya highblood masyado.Sana nagustuhan ninyo ang pagkain."sincere naman ang isang Tita niya na asawa ng isang Tito niya.
"Nga pala Stella dapat hanapan mo na ng mapapangasawa si Tricia.Aba gusto ko nang may apo na kasing daldal niya."Yong isang Tito ni Kathleen Naaliw pala sa kadaldalan ni Krizzia.
"Ay oo nga noh Papa what do you think.?"tanong ni Stella sa byenan para maging magaan ang usapan.
"Wala bang bf si Tricia tawagin mo nga siya dito sa table natin."utos ni Don Neri sa manugang niya.Tumalima naman ito agad at pagbalik nito kasama na nito ang anak.
"A-ano po iyon lolo.?"parang tense si Tricia ngayon.
"Anak dapat mag asawa ka na.Total tapos ka na sa pag aaral naman.Gusto ko nang magkaapo anak."walang paligoyligoy na sambit ng ama ni Tricia.
"D-daddy ang totoo buntis na po ako.Pinapunta ko po si Ronald dito.Pero Dad Cook lang po siya sa isang resto.But responsable naman po si Ronald.Kaya po niyang buhayin ang anak namin."pagtatapat na ni Tricia sa mga ito.
"A-ano bakit ngayon mo lang sinabi.?Baka mahighblood na naman ang lolo mo Tricia.!"saway ni Stella sa anak.
"Stella di ka ba masaya na magkakaapo na tayo.Anak hayaan mo na ang lolo mo.Basta ako ok lang kung sino ang ama ng apo ko.Siguraduhin mo lang na gwapo ang bf mo.Ayoko magkaapo ng pangit."ani naman ng ama ni Tricia.
Ngayon alam na ni Kathleen na di pala matapobre ang isang Tito niya.At di na din kontra si Don Neri sa apo niyang si Tricia.Ayaw na niyang kontrolin ang mga ito.Dahil noon kintrolado niya si Klara ayon nilayasan lang siya.Kaya sobrang nagsisi na siya ngayon.
Matapos ang party na iyon.Gustong kausapin ni Kathleen ng masinsinan ang lolo niya.Heart to heart ika nga kaya sumama sila sa mansion ng mga ito.
"Matutulog na si lolo at madaling araw na.Kaya umalis ka na Kathleen Samonte pwede ba."pagtataboy ni Amber kay Kathleen.Lasing na lasing pa ito at pasuray suray itong naglalakad.
"Go to your room Amber.Wag kang magkalat ngayon may pag uusapan daw kami ni Kathleen.!"utos ni Don Neri kay Amber.
"Ayoko siya dapat ang umalis sa mansion.Total ayaw naman niyang kilalanin ka niya diba.?"giit ni Amber na ayaw niyang umalis sa sala.
"Amber I warning you wag mo ako galitin.Baka pagsisihan mo bukas ang ugali mo ngayon.!"maawtoridad na banta na ni Don Neri sa spoiled brat na apo.
"Amber tayo na sa kwarto bilis na.!"natakot ang Ina ni Amber wala doon ang asawa niya.Walang magtatanggol sa kanila ni Amber ngayon.
"Ayoko sabi uulitin ko pa ba.Ako karapatdapat maging apo ni lolo hindi iyang Kathleen Samonte na iyan.!"duro pa ni Amber kay Kathleen.
"Talagang ginagalit mo ako Amber noh.Pwes simula ngayon umalis ka na sa mansion.Total inispoiled ka ng magulang mo.Bahala na sila kung saan ka nila patitirahin.!"maawtoridad na saad ni Don Neri.
"Papa lasing lang si Amber di niya alam kung ano ang sinasabi niya.Halika na sabi ano ba.?"sinabunutan na ng mother ang anak para kaladkarin na ito sa kuwarto nito.Nagsisigaw pa si Amber kaya sinampal ito ng Ina magkabilaan.
Nang wala na si Amber sa sala.Sumeryoso ang mukha ni Kathleen.
"Lolo may hihingin sana ako na pabor sayo."naisip ni Kathleen na tanggapin na lamang si Don Neri na lolo niya.Dahil ama ito ng Mama Klara niya kahit anong mangyari pa.
"A-apo tinawag mo ako na lolo.?"gulat na tanong ni Don Neri at nagsimulang pumatak ang luha niya.
"Diba ama ka ng Mama Klara ko po.Baka magalit si Mama sa akin pag di kita talaga tinawag na lolo."kumunot ang noo ni Kathleen di niya alam kung bakit umiyak ito bigla.
"Oo lolo mo nga ako.Kahit anong hilingin mo tutuparin ko apo."talagang bumaha ang luha ng matanda.Matagal na niyang gustong tanggapin siya ng anak ni Klara bilang lolo nito.
"Sure kahit na ano po.?"lumakas ang loob ni Kathleen na Humiling kay Don Neri.Alam niyang kinakabahan si Zea sa maaaring outcome ng lahat.Pero may ibang paraan pa naman.Dahil pamilya din sila ng Mama Klara niya.Kelangan nila magfile ng request sa korte na iurong ang kaso na sinampa ni Don Neri sa Mommy ni Zea.
"Name it basta kaya ko lang apo.I will try to grant your request."hula ni Don Neri na mabigat ang pabor na hilingin ni Kathleen sa kanya.Kahit anuman iyon pipilitin niya ang sarili na pagbigyan ito.Kapalit noon kilalanin na talaga siyang lolo nito hanggang mamatay siya.
"Di na ako magpaligoy ligoy pa lolo.Gusto kong iurong ninyo ang kaso laban sa Mommy po ni Zea.Total po nakulong na po siya ng kalahating taon sa kulungan.Siya din ang byenan namin ni Kareem."deretsahan na hiling ni Kathleen.Natigilan naman si Don Neri at bumuntonghininga ng paulit ulit.Matagal itong hindi nagsasalita.
"O-ok pero sa isang kondisyon apo."naging seryoso ang mukha ni Don Neri at tumingin sa daku ng pamilya Guerrero.
"A-ano iyon lolo.?"kinabahan naman na tanong ni Kathleen.
"Bago ako mamatay gusto ko imerge ang company ko at sa company ng mga Guerrero."biglang saad ni Don Neri.
"P-papa anong sabi mo.?"nagulat ang Tito ni Kathleen sa sinabi ng ama.
"Honey mas ok iyong imerge dahil wala na kayong maisip na design na bago naman.At matutulungan pa kayo ng pamangkin mo.Aba nakapunta ako sa furniture shop nila.Diba bumili ako ng condo for Tricia.?Sa kanila ako bumili sobrang ganda at classy ng mga design nila."sabad ng Ina ni Tricia.
H-honey I'm sure di papayag si kuya."napakamot sa batok ang ama ni Tricia nagdadalawang isip ito.
"Daddy si lolo naman ang magdesisyon sa company niya mismo.At naiinis kami na naghari harian lage si Amber sa work.Pinagkakalat niya sa lahat na siya ang susunod na maging CEO.Ei Pasang awa ang grades noon.Bobo iyon baka tuluyan mabankrupt ang kompanya ni lolo."ismid ni Tricia ayaw na niyang maging sunod sunuran kay Amber Neri.
"P-payag ako Pare pero dapat kausapin mo muna ang mga anak mo tungkol dito.Arthur wala ka namang tutol diba.?"baling ni Don Guerrero sa anak.
"As long makalabas si Sarah sino ba naman ako kung tumutol.?"payag agad si Arthur ang mahalaga lang sa kanila ang makalabas si Sarah sa kulungan sa lalong madaling panahon.
"Sige ako na ang bahala sa mga anak ko.Kathleen pwede mo ba akong dalawin madalas dito.?At isama mo si baby girl.Napagod sa kadaldal yata kaya nakatulog."matanda na si Don Neri at matagal ng patay si Klara.Siguro matutuwa ito kung ibigay niya ang hiling ng nag iisang anak nito.
Napagkasunduan nilang dadalawin ni Kathleen every weekend ang matanda.At nagpapasalamat siya na tutuparin nito ang hiling niya.Ang iurong ang demanda laban sa Mommy ni Zea.Wala namang Humpay ang pasasalamat ng pamilya ni Sarah Guerrero sa desisyon ni Kathleen.Sinabi lang niya na byenan niya ito kahit papaano.
YOU ARE READING
Mr.Dream Man
Romanceang pagiging broken hearted pala ay pwedeng maging inspiration para magtagumpay ka sa buhay...