Mr. Dream Man ☆ Part 15

24 2 0
                                    

Hindi na nagtanong pa si Zeth basta ang alam niya asawa na niya si Kathleen Samonte sa wakas.Doon na daw ito titira sa malaking bahay nila kasama ang lolo at Daddy niya.Pero ang anak nito si Karina daw kasi ang nag aalaga.Kaya bibisita lang ito lage doon.Demand ni Kathleen na may dalawang kama daw sa iisang kwarto.Kaya yon ang ginawa ng Daddy niya sa kwarto niya dati.Sa condo na kasi naglalage almost 6 yrs na.Sabi ng Daddy niya ibenta na daw niya ang condo na iyon.Dahil doon niya dinadala ang mga babae niya.Pumayag naman si Zeth dahil nga kasal na siya ngayon kay Kathleen.Di siya kinakausap nito kahit nasa malaking bahay na nila si Kathleen.Pero kinabukasan sumaya ang puso niya ng nakahanda na ng maayos ang damit niya papasok sa trabaho.Tulad ng inaasahan ni Zeth kay agad ni Kathleen gumising.Siguro part sa contract ng mga ito ang wifey duty.Infairness may benefit sa kanya ang marriage contract na iyon.
"Hay naku Kathleen iha di mo na kelangan magluto sa kusina."ani ni Rodrigo na naupo na sa hapag.
"Lolo pag may time lang naman po ako.Maya pa ako susunduin nila Kareem po.Titingnan po namin ang binili naming place para po sa bussiness namin."online ang transaction pa nila nagdedesign sila ng mga furniture.At pati bahay or structure kaya nilang I design.But gusto nila yong may furniture na talaga gawa na at bibilhin na lang mga buyers yong ready made na.Kaya kelangan nilang malaking puhunan ng pinsan.Usapan nila pag may nagpapagawa sa kanila ng bahay.Si Zea ang tatao sa furniture shop nila.Gusto din nilang makilala sila sa Pinas bilang mga interior designers.Susunod sila sa ama nilang kilala na ngayon.May malaking bahay na din sila.At mga properties na pag aari.Dahil sa sikap at tiyaga nina Karlos at Manuel.Ang dalawa na ang main head designer sa Guerrero interprises.Kaya Imerged ni Don Neri ang company niya sa Guerrero.Dahil ayaw nitong malugi ng tuluyan ang company na itinayo niya ng maraming taon.Patuloy ang paglabas ng pera sa Neri company.Bagaman matumal ang pasok ng pera.Cosmetics at  clothing line naman ang bussiness nila.Gastador ang pamilya meron si Don Neri.Kaya baka malugi ang company na pinaghirapan niya noon.
"Manang coffee ko.?"utos ni Zeth sa katulong.
"Hoy simula ngayon mag gatas ka.Aba mas mahirap mag alaga ng may sakit.Sabi ng doctor bawal na sayo yong kape Manong.At sobrang alcohol pag naglalasing ka bugbugin talaga kita.Aba ayoko din maagang mabalo noh."sermon ni Kathleen kay Zeth na para nang asawa na talaga ang datingan.
"Opo."di maitago ang ngiti ni Zeth napuna iyon nina Rodrigo at Arthur.At nagsenyasan ang mga ito na tama ang desisyon nila na pilitin si Kathleen Samonte maikasal kay Zeth.Ito lang nagpapaligaya kay Zeth Guerrero kasi.
"Kay bagal nito baka malate ka na Zeth.Nganga mas mabagal ka pang kumain kesa kay Krizzia."alas otso na kasi pero di pa natapos kumain si Zeth kaya brutal na papakainin ni Kathleen.
"Madam dahan dahan naman."parang batang nagrereklamo na si Zeth.Yong Nanay niyang pinapakain siya baka malate sa school.Di na mapigilan ng dalawang senior ang di matawa.
"CEO ka dapat maging magandang halimbawa ka sa mga empleyado mo.Pag di ka nagpapalate mahiya din silang malate diba.Para kang pinabayaang anak talaga.Tingnan mo itong buhok mo kay gulo pa Zeth.!"pagtatalak ni Kathleen.
"Good mood ka Ata ngayon kay daldal mo."gustong gusto naman ni Zeth iyon.Yon ang pinapangarap niya ang maging asawa niya si Kathleen.At alagaan siya nito tulad ngayon.
"Syempre yong nakita naming location.Kay lawak at maraming taong dumadaan.Ay lalakarin lang yata sa company building ninyo.Magaling tumawad si Zea talaga.Di na kelangan pinturahan pa."masaya si Kathleen dahil matatayo na nila ang bussiness na pangarap nilang magpinsan.
"Dadaan din ako doon pag may time pala."masaya din ani ni Zeth.
"Wag kang pumunta doon busy pa kami sa pag aayos ng mga gamit.At pwede ba wag kang bulakbol sa oras ng trabaho."sermon pa rin ni Kathleen mayamaya pa dumating na sila Kareem at Zea.
"Zea di ba kayo mag aalmusal.?"tanong ni Arthur sa bunsong anak.
"6 am kami nag aalmusal Daddy.Aba alas otso na routine namin sa Bahrain 5 am Gising na kaming lahat.Pati nga si Krizzia pinasok ko na sa nursery skul ngayon.Pero Kareem nagutom ulit ako."4 months kasing buntis si Zea kaya matakaw na siya ulit.
"Sumalo ka na lang sa akin.Para tipid sa hugasin.Ito Zea favorite mo tortang talong.Wag ka puro talong ni Kareem."sinubuan pa ni Kathleen si Zea.
Naibuga talaga ni Zeth iniinom niyang gatas.Walang filter na din pala bunganga ni Kathleen.
"Gaga ka talaga Kath nasa harapan mo sina lolo at Tito."pabirong hinila ni Kareem ang buhok ng pinsan.
"Kareem ilang taon na din kayong kasal ni Zea.Dapat tawagin mo na akong Daddy na rin."gusto talagang maging Close ni Arthur sa mga asawa ng ng mga anak nila.Dahil unti unti na ni Arthur pagtuunan ng pansin niya ang pamilya niya.Matanda na siya kaya gusto niyang makikita ng mga apo niya na masaya ang pamilya nila ngayon.
"Daddy ackward sa kanila ang tawagin ka ng Daddy.Papa na lang siguro mas ok iyon."ideya naman ni Zea dahil humble pa rin masyado ang pamilya nina Kareem at Kathleen until now.Yong kasambahay nila sa bahay nila ngayon.Mga kamag anak din nilang working student nila.Pati ang anak nila wala ngang mismong yaya.
"Ok simula ngayon tawagin nyo ako na Papa."nakangiting ani pa ni Arthur.
"Sige po."nahihiya naman ani ni Kareem.
Matapos nila ang mag agahan kay saya ni Zeth pumunta sa working place niya.Binabati niya ang mga empleyado ngayon.Na di naman niya iyon ginagawa.Kaya nagugulat ang mga ito dahil kakaiba si Zeth noong araw na iyon.
"Sir ito na po ang coffee ninyo."malanding salubong ng secretary ni Zeth.Dahil pinatulan din niya ito pag bored siya.Pagkatapos makipagsex ni Zeth sa mga babae niya.Parang mga GRO ang trato niya sa mga ito.Binibigyan niya syempre niya ng pera.Dahil na rin sa mayaman at maappeal si Zeth noon pa.Pumipila ang mga babae sa kanya.Mas masahol pa siya ngayon.Dahil kahit sa public place kaya niyang makipagsex.Subalit gusto yata ng Dyos na bigyan siya ng chance.Para tahakin na ang mabuting landas.Kaya isa isahin na niyang ibasura ang mga babae niya.
"Jessa simula ngayon wag mo na akong timplahan ng kape.At baguhin mo iyang pananamit mo.Anytime baka bumisita ang misis ko dito.You know naman na I'm married na diba.?"utos na ni Zeth iiwas na siya sa tukso.Para mahalin din siya ni Kathleen balang araw.Walang asawa ang gugustuhin na mambabae na lamang ang mister.Kahit ilag pa ang misis niya ngayon.Pasasaan ba makuha din niya ang pihikang puso ni Kathleen Samonte Guerrero.
"Sir willing naman akong maging kabit mo lang naman forever.Ang alam ko din na arrange marriage lang iyon di po ba Sir.?Sabi mo pa nga napipilitan ka lang maikasal sa apo ni Don Neri diba.?"lumapit pa si Jessa at pinagapang ang kamay niya sa dibdib ni Zeth.
"Gawin mo ang utos ko Jessa.Or else tatanggalin kita sa trabaho mo.!"biglang tulak at bulyaw ni Zeth sa secretary niya.
"Y-yes Sir magpapalit na po ako ng damit.At di na ko kayo titimplahan ng kape."syempre takot si Jessa na mawalan ng trabaho.Single Mom siya sa kambal niyang anak.At 4 yrs old pa lang ang mga ito.Siya lang din ang inaasahan sa pamilya niya.Kayod kalabaw na nga siya.Secretary siya sa Umaga pero hostess siya sa gabe.Sa isang private resto bar siya nagtatrabaho pag gabe.Isa siya sa mga entertainer sa mga parokyano doon.Madalas costumer nila mga matatanda na.At feeling niya mabibingwit na niya si Zeth Guerrero.Dahil pinatulan siya nito.Iniimagine na nga niyang asawahin siya nito.Pero nagising siya sa daydreaming niya.Dahil naikasal na si Zeth sa isang apo ni Don Neri daw.Balita niya hindi si Amber Neri.Kundi si Kathleen Samonte daw.Di nila kilala ito sa alta syudad.Kaya feeling ni Jessa na kayanin niyang banggain si Kathleen.Di niya alam na si Kathleen ang first love ni Zeth at huling mamahalin nito habang buhay na.

Mr.Dream ManWhere stories live. Discover now