Hiraya's POV
Ilang araw ko na napapansin ang mga malagkit na tingin ng Don saakin. Ako'y nababahala at kinakabahan ngunit ayaw ko magbigay agad ng malisya sa kaniya sapagkat napakalaking utang na loob ang naihandog niya saamin. Baka nga ay namamalikmata lang ako. Pero iba talaga ang kutob ko.
"Ang lalim ng iniisip natin ah?" napabalik ako sa ulirat at napatingin ako sa kaliwa ko ng may narinig akong boses "umaapaw na yung tubig sa lababo oh"
Ako'y nataranta at agad ako napatingin sa lababo at agad pinatay ang gripo. Nako sa sobrang layo at lalim ng isip ko nakalimutan ko na naghuhugas pala ako ng plato.
"Ano ba kasi iniisip mo at natulala ka ng ganiyan?" Tanong ni Tonyo habang tumitimpla ng kape niya. Gustohin ko man umimik tungkol sa mga kakaibang kinikilos ng Don sa akin ay hindi ko magawa dahil sa labis na takot dahil alam ko wala akong laban at malaki ang utang na loob ng aking mga magulang sa kaniya.
"Wala tungkol sa ano- trabaho lang" pagdadahilan ko sa kaniya at agad ibinaling ang aking atensyon sa paghuhugas. Ito nanaman si Tonyo kukulitin nanaman ako. Ewan ko ba sa lalaking to bata palang kami ay inaasar na ako pinaglihi siguro to kay satanas.
"Pahinga ka rin minsan mababawasan ang ganda mo niyan" pambobola ni Tonyo na may kasamang kindat. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at uminit ang aking mga pisngi sa hirit niya. Ito talagang tao na to kung hindi mang iinis mangbobola pa.
Kasabay kaming lumaki ni Tonyo dito sa mansyon dahil ang kaniyang mga magulang ay namamasukan rin sa mga Alonso. Aaminin ko may angking kagwapuhan si Tonyo na kahit sino mang babae ay mahuhumaling sa kaniya. Mabait at masunurin si Tonyo kaya siya nga ang naging paboritong drayber ng mga Alonso.
Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha na kaniya namang ikinagulat "Ikaw talaga nandito ka nanaman para inisin ako" ibinaba ni Tonyo ang kaniyang kape at ipinatong sa mesa gumanti ito at ginulo aking buhok. Gumanti rin naman ako at nagpatuloy ang aming pagtatalo na sinabayan ng hagikhik at tawanan
Tumagal ng ilang minuto ang aming paglalaro at kami ay napatigil ng may umubo sa harapan namin. Ito'y aming ikinagulat at agad naman ako napatigil at tumayo ng maayos. Napatingin ako kay Tonyo na kasalukuyang buhaghag ang buhok at basa ang ibang parte ng kaniyang damit. Yumuko ako at sumunod rin si Tonyo "Paumanhin po, Don Mariano"
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo at di ko parin itinataas ang aking ulo dahil sa takot. "Hatidan mo ako mamaya ng pagkain sa aking silid dahil nagugutom ako" malamig na utos ng Don at agad ito tumalikod.
"Masusunod po Don Mariano" Pagkatapos ng aking tugon ay narinig ko ang yapak ng mga paa ng Don na palayo sa aming direksyon. Sinamaan ko ng tingin si Tonyo at siniko ngunit hagikghik lamang ang ibinalik nito saakin.
Inayos ko na ang aking uniporme at ang aking buhok at inihanda ko na ang pagkain na aking dadalhin sa Don. Dinalhan ko siya ng ilang prutas at kaniyang paboritong kape.
Galit kaya siya? Hindi naman siguro? Hindi naman siguro kami isesesante ng Don dahil lang sa paglalaro. Napakababaw naman siguro na rason yun kahit alam ko na sobrang strikto ng Don ay hindi naman siguro yun sapat na dahilan upang tanggalan kami ng trabaho.
Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang bandehado na puno ng pagkain para sa Don. Unti unti kong inangat ang aking braso sabay katok ng tatlong beses sa Don at tumugon naman ito "D-Don Mariano ito na po yung meryenda niyo"
"Pasok"
Dahan dahan ko binuksan ang pinto at bumungad saakin si Don Mariano nakaupo sa kaniyang kama at nagbabasa ng libro. Ipinatong ko na sa mesa ang bandehado at iaabot na ang baso ng kape sa Don.
Kinuha ito ng Don at pawang isinadya nito na mahawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa Don at naka tingin ito saakin na parang may halong pang aakit. Unti unting umakyat at gumapang ang nerbyos at takot na nagpalambot saaking katawan kung kaya't aking nabitawan ang kape at natapon ito sa Don.
BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Mystery / ThrillerNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...