1956
Mang Tonyo's POV
Hinding hindi ko mapapatawad ang Don sa kaniyang nagawa kay Hiraya. Ilang araw na akong binabangungot ng mga pangyayari gusto ko siyang ipaghiganti ngunit wala akong magawa.
Isa si Hiraya sa mga pinakamalapit sa akin dahil sabay kami lumaki dito sa mansion. Parehas na alipin ang mga magulang namin kung kaya't pati ang kapalaran namin ay maging alipin din.
Kanina pa ako nasa garahe ng Mansion at pabalik balik lamang ako sa aking paglalakad upang makapag isip ng aking gagawin. Napakahirap maging mahirap, napakahirap ng walang kapangyarihan kung ipagtatanggol ko si Hiraya ang aking pamilya naman ang malalagay sa alanganin.
Kanina pa kumukulo ang aking dugo at pawang anong oras ay sasabog ako sa galit. Nakakagalit ang mga kahayopan na ginagawa nila, nakakagalit na sa kabila ng mga kasalanang kanilang nagawa ay nagagawa parin nila maging komportable sa buhay.
Napatigil ako sa paglalakad ng may munting tinig akong narinig "Mang Tonyo okay lang po ba kayo?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng tono galing ito sa anak ng Don at Doña. Nang masilayan ko ang kaniyang inosenteng mukha ay 'di ko mawari kung bakit mas umalab ang galit na nasa loob ko. Hindi ko man kayo matatalo sapagkat wala akong kapangyarihan laban sa inyo ngunit alam ko ang kahinaan niyo.
Tuluyan na akong sinakop ng kadiliman at galit kung kaya't unti unti akong lumapit kay Gabriel at gumuhit sa aking mga labi ang nakakatakot na ngiti. Naramdaman naman ito ni Gabriel at napa atras siya sa aking mga ngiti. Tama nga matakot ka, matakot ka sa kademonyohan ng mga magulang mo. "S-sige po Mang Tonyo matutulog na po ako.
Sinundan ko lamang ng tingin ang munting bata na unting unting lumalayo sa akin. Sa bawat hakbang niya ay alam ko nakaramdam siya ng takot dahil lumingon lingon pa ito saakin habang lumalayo.
Buo na ang isip ko, sa wakas ay maipaghihiganti na kita Hiraya. Pagkatapos nito ay magpakalayo layo tayo at pwede na maging tayo. Magsisimula tayo ng simple at mapayapa na buhay malayo dito, malayo sa mga bangungot mo.
Kinuha ko ang kutsilyo na nakatago sa isa sa mga koste ng mga Alonso. Tinatago ko ito upang may gagamitin akong panangga sa kung ano man ang pwede mangyari saamin sa daan, ngunit ngayon ibang proteksyon na ang gamit nito proteksyon para sa mahal ko.
Unti unti kong nilakbay ang madilim na pasilyo ng mansion. Madilim kasingdilim ng utak ko ngunit alam ko ang daan patungo sa kwarto ni Gabriel. Unti unti kong binuksan ang pinto at aking natanaw ang munting Gabriel kung saan masarap at mahimbing ang tulog nito.
Paano mo nagagawang matulog ng mahimbing sa kabila ng mga kahayopang ginagawa ng mga magulang mo. Paano mo nasisikmura na sila ang magulang mo? Ikaw ang kanilang bunga at alam ko magiging katulad ka rin nila pag dating ng panahon. Dahil kayong mga mayayaman pera at kapangyarihan lang ang habol niyo, basura at walang kwenta lang ang tingin niyo sa aming mga alipin.
Unti unti akong lumapit sa kaniya at iniangat ang kutsilyo at itinutok ito sa kaniyang puso. Dito na magtatapos lahat ng paghihirap mo Hiraya, ito na ang tamang panahon upang maipaghiganti kita.
Ngumiti ako at tuluyan ng binaon ang kutsilyo sa puso ni Gabriel. Tumalsik ang mainit na likido sa aking mukha pinahid ko ito gamit ang aking kamay at tinikman ang dugo, dugo na sumisimbolo sa aking tagumpay.
Napabaling ang aking atensyon sa pintuan ng silid ng aking madatnan si Hiraya. Napako ito sa kaniyang kinatatayuan dahil sa gulat. "T-Tonyo anong ginawa mo?"
Unti unti itong lumapit saamin at mas lalong nagulat ng makumpirma nga niya na may saksak sa puso si Gabriel at galing ito mismo saakin. Hinawakan ko ang kaniyang dalawang braso at ngumiti ng malapad sa kaniya "Hiraya naipaghiganti na kita Hiraya, malaya na tayo!"

BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Misterio / SuspensoNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...