Chapter 13

48 5 0
                                    

Hiraya's POV

Hanggang ngayon ako'y nanghihina at nanginginig sa ginawa saakin ni Don Mariano. Hindi ko matanggap saaking loob ang kahayupang ginawa niya saakin ngunit ano ang aking kayang gawin? Ano ang laban ko?

Unting unting pumatak ang mga luha sa galing sa mga mata habang ako ay naghuhugas ng plato. Bakit pa kailangan kong maranasan ang mga ito? Bakit ako pa? Nanghihina ako dahil randam kong wala akong kalaban laban. Pilit pinapatahimik ng kahirapan ang aking bibig upang ipaglaban ang aking mga karapatan.

Kinuha ko ang kutsilyo at sasabunan na sana napatulala ako dito at ng may pumasok sa akin na alaala.

Flashback

Ako'y dahan dahang tumungo sa kusina habang nilalakbay ang kadiliman ng Mansyon. Gabi na sobrang payapa at tahimik ngunit hindi ang galit sa puso ko. Hindi papayapa ang puso ko hanggat walang hustisya. Kung hindi ko makukuha ang hustisya ako mismo ang kakamit nito.

Binuksan ko ang lalagyan ng mga kobyertos kung saan nakalagay ang iba't ibang patalim na gina gamit pang luto. Sinuri ko ang talim ng bawat isa at tiningnan kung saan mas babagay dito. Puno ng galit at kadiliman ang puso ko at wala nang makakapigil saakin. Pinaikot ko ang kutsilyo saaking kamay. Humanda ka sa aking paghihigant, humanda ka sa ganti ng api.

Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko at napahinga ng malalim. Ano ba itong naiisip ko? Ano ba itong pumapasok sa utak ko? Hindi maari, hindi ako ganito. Pinulot ko na ang kutsilyo at ibinalik ito sa lalagyan ng kubyertos.

Kailan man ay hindi sagot sa karahasan ang karahasan may tamang panahon upang makamit ang hustisya na aking inaasam. Alam kong mahirap pero hindi ako papayag na matulad ako sa kanila, na maging masamang tao rin.

End of flashback

Napabuntong hininga ako at sinabon na ang kutsilyong hawak ko. Nanginginig man dahil sa takot ay patuloy ko parin ilalaban ang karapatan ko, karapatang pilit binabaon ng hirap.

Ilang araw na matapos ako halayin ng Don ngunit ang mga pasa, sugat, at alaala ay sariwa pa sa aking isipan. Ang bawat galaw at pangbababoy na kaniyang ginawa ay detalyado pa sa aking alaala. Sa lalim ng aking iniisip ay di ko na namalayan na aking natabig ang baso kung kaya't tuluyan itong nahulog sa sahig.

"Susmaryosep Hiraya! mag hunos dili ka nga hindi mo ba alam ang presyo ng mga kubyertos dito sa mansyon? Mas mahal pa yan sa buhay mo" sumbat ng Doña na kanina pa nasa saaking likuran. Napatingin ako sa Doña at unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Agad ako lumapit sa kaniya hinawakan ang kaniyang mga kamay at lumuhod sa kaniyang harapan.

"Doña tulungan mo po a-ako" aking nasambit napatingala ako sa kaniyang mukha na gulat na gulat sa aking inasal na may bahid ng pag-aalala. Hinawakan niya ang aking kamay at pinatayo ako ng dahan dahan. "Anong nangyari at bakit ka tumatangis?"

Huminga muna ako ng malalim upang ipakalma ang aking sarili humigpit ang hawak ko sa kaniyang mga kamay na kung saan mas labis pa gumuhit ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Si D-don Mariano po"

Pilit ako pinapahirapan ng aking pag-iyak sa pagsalita. Nakaabang ang Doña sa bawat salita na lalabas sa aking bibig na pawang alam na nito ang aking sasabihin ngunit hinihiling din na hindi ito ang lalabas sa aking bibig. "Hinahalay ako ng Don t-tulungan moko Doña"

Gumuhit ang gulat at hindi makapaniwala sa mga mukha ng Dona. Napatingin ito saakin at sa aking mga pasa at sugat na animo'y naawa sa aking sitwasyon. Nahahaluan ng galit, pagka dismaya at awa ang mukha ng Doña.

Alam kong nabigla ang Doña at hinawakan ng mas mahigpit ang aking kamay. Sa kaniyang ginawa ay nagkaroon ako ng pag-asa sa hustisya na aking nais makamtan. Nasabi ko rin ang aking hinaing at alam ko ay nasabi ko ito sa tamang tao na kung saan karapatan niya rin malaman ang kaliwa't kanang pangbababae ng kaniyang mister.

Nagulat ako ng may dumapo na palad sa aking pisngi. Malakas ito na kung saan ako'y napatumba sa sahig. Napahawak ako sa aking pisngi kung saan nag iinit ito at kumikirot at napatingin ako sa gawi ng Doña.

"Yun ay dahil malandi ka! Ilang buwan ko ng napapansin na nilalandi mo at inaakit ang aking mister. Para saan? Para sa pera?" Galit na galit ang Doña at hinila ang aking buhok namilipit ako sa pwersa ng Doña at nilapit niya ang kaniyang mukha saakin.

"Biktima lamang ang aking mister sa panglalandi mo! Hindi hindi magkakasala ang mga lalaki kung walang malandi na kagaya mo. Hindi ako papayag na isang katulad mo ang sisira sa pamilyang to! Maliwanag?!" Binitawan na ako ng Doña at tuluyan ng umalis sa kusina.

Ako'y nakadapa parin sa malamig na sahig ng kusina habang patuloy na dumadaloy ang aking mga luha. Ang pag-asa na akala ko'y makakamtan ko na ay agad rin nawala, hindi ako makapaniwala na hindi naniniwala saakin ang Doña. Hindi ako makapaniwala na ganiyan ang pananaw niya saakin na ako pa ang kaniyang sinisisi.

Babae siya kaya dapat mas naiintindihan niya ako ngunit bakit siya pa mismo ang bumababa sa dangal ng mga kababaihan? Bakit siya pa mismo ang nakaisip ng mga ganoong dahilan?

Parang tinutuhog sa sakit ang nadarama ng puso ko ngayon. Mas lalo akong nawalaan ng pag-asa sa pag kamit ng hustisya. Ganito na lang ba talaga kahirap ang maging mahirap? Ganito ba ang nagagawa ng mga may kapangyarihan?

Napayakap ako sa aking mga tuhod habang umaalingawngaw ang aking hikbi sa buong kusina. Labis nasasaktan ang puso ko Panginoon, bakit kailangan ko pang pagdaanan ang lahat ng to? Anong nagawa ko para mangyari ang lahat ng 'to?"

Napatigil ako sa pagtatangis ng makarinig ako ng sigaw mula sa ikalawang palapag. "Gabriel?"

Dali dali kong kinuha ang gasera at agad tinungo ang hagdan paakyat sa kaniyang silid.


--------------------------------

A/N

Grabe ka naman Dona.


Hi guys if ever nakaabot kayo dito please also support my animations. I'm still new in animations guys and still learning. Soon I'm planning to have horror stories using 3d animation🥺


Tiktok: @xavianimations 

YT: @xavi_studios2024 


Thank youuu!

The Curse Of HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon