Chapter 5

67 8 0
                                    

Javier's POV

"I'm scared"

Iminulat ko ang aking mga mata ng aking madinig ang munting tinig. Tumingin ako sa paligid at malabo pa ang aking paningin .Nag aadjust pa ang aking mata at ng ito ay umayos na agad kong nilibot ang aking mga mata sa paligid.

Familiar ang lugar saakin, mas nilibot ko pa ang aking paningin at hinding hindi ako nagkakamali kwarto nga ito ni Sabrina.

Ngunit bakit parang iba ang itsura? tiningnan ko pa ang paligid at ng dumako ang aking tingin sa aking harapan ay nakita ko ang dalawang taong nakahiga sa kama. Nakayakap ang isang batang lalaki sa isang dilag na naka suot ng maid na uniform.

"Yaya i can't sleep po saan ba sila mommy at daddy" mas humigpit pa ang yakap ng batang lalaki sa kaniyang yaya at ramdam na ramdam sa kaniyang boses ang matinding takot.

"Gabriel meron lang pinuntahang importanteng bagay ang mama at papa mo okay?" humiwalay sa yakap ang yaya at hinawakan nito ang pisngi ng bata at ngumiti. Ngiting na nagpakalma sa munting bata "yaya hiraya is here to protect you diba?"

Yaya hiraya?

Agad ako napasulyap sa mukha ng bata at tiningnan itong mabuti. Bakit pamilyar siya saakin? Mas tiningnan ko pa ito ng mabuti na nagpagulantang saakin. shit? Tito Gabriel? Nanginginig na dumako ang aking paningin sa yaya na ngayon ay kasalukuyang nakangiti

siya si h-hiraya?

agad pumasok sa aking utak ang pigura ng babaeng palagi kong nakikita, siya nga kamukhang kamukha niya nga maayos lang ang mukha at pananamit niya ngayon. Tumingin ako sa aking paligid at ito nga ang lumang kwarto ni Sabrina.

Pero bakit? bakit napakabait niya kay tito Gabriel kung siya mismo ang pumatay dito? bakit napakaamo ng kaniyang mukha kung siya nga ang serial killer or aswang na pumapatay ng mga bata sa Las Escudos?

July 22, 1957

Hiraya's POV

"Talaga Mare? Yung anak ni Aling Rosita?"

"oo mare aba napaka bata pa non"

Naririnig kong tsisimisan habang ako'y namimili ng isda sa palengke. Napatingin ako sa mga aling nagtitinda at bakas sa kanilang mukha ang pagkabahala dahil na rin at sunod sunod ang patayang nagaganap sa barriong ito.

"Nakita doon sa taniman ng mais ng mga Alonso. Wala itong lamang loob puso, utak, tiyan kinuha lahat" Sambit ni Aling Tonya.

Napangiwi ako sa brutal na karahasang ikinukwento ni Aling Tonya. Napupuno na ng kilabot ang buong Barrio ng Las Escudos. Nagsimula ito noong nakaraang buwan lang halos puro bata ang mga biktima. Ang dating masigla at masayang bayan ng Las Escudos na nababalot ng tawanan ngayon ay puno na ng takot at pangamba. Tahimik na rin ang mga kalye at kalsada sapagkat wala ng batang nalalaro o lumalabas dahil na rin sa takot ng mga magulang at proteksyon an rin para sa kanilang mga anak.

"Eh ano na nga ang sabi ni Clarita tungkol dito?" Tanong ni Aling Tonya kay aling Kirselda na kaniyang suki na kanina pa niya ka tsismisan.

Si Clarita ang pinakasikat na albularyo dito sa barrio namin. Lahat ng kababalaghang nangyayari sa barrio na ito ay alam niya at siya lang ang nakakalutas. Ano mang mga sakit at katanungan ay kaya niyang sagutin at palagi itong tama. Epektibo rin ang mga pangontra niya laban sa mga aswang pati nga mga taga ibang bayan ay nais pang pumunta dito para lang bumili ng pangontra niya.

"Ayun na nga kumare pati si Clarita ay nahihirapan para sa mga pangontra sa di matukoy na pangyayari. Di na talaga to normal mare sigurado akong di ito tao"

Tama nga naman si Aling Kriselda mayroon bang tao ang kayang gumawa non? Makakaya kaya ng konsensya nila? Kung kaya't kumbinsido at sigurado ang lahat na aswang ang may gawa dahil sa sobrang brutal na pagkamatay ng mga bata.

"Oy Hiraya, nandito pala ang napakaganda kong suki" napabaling ang tingin ni Aling Tonya sa akin "oh ano nakapili ka na ba ng isda?"

"Ito naman si aling Tonya nagbiro pa. Kahit di mo na ako bolahin aling Tonya dito at dito pa rin ako bibili wag ka mag alala. Alam mo naman yung mga isda mo lang ang pasok sa panlasa ng mga Alonso" nakangiti kong sambit sa tindera na agad naman nagpahalakhak sa kaniya. Agad ko naman kinuha ang tilapyang kanina ko pa napili at inabot sa tindera "oh heto nga pala muna bibilhin ko Aling Tonya gusto gusto kasi ng alaga ko."

"Nako tama, ikaw Hiraya bantayan mo talaga yang alaga mo dahil sobrang delikado na ng panahon ngayon. Sobrang mahal pa naman ng alaga mo"

"Oo nga po aling Tonya eh pati nga po ang mga Alonso todo higpit sa pagbabantay sa kanilang unico hijo" tugon ko sa paalala ni Aling Tonya.

"Nasa tabi pa naman ng Hacienda Alonso ang nangyaring karumaldumal kagabi" dugtong ni Aling Kriselda na nag-aalala rin.

Agad nako nagpaalam sa kanila pagkatapos pakinggan ang kanilang mga paalala. Lahat na talaga ng tao takot na takot dahil sa mga pangyayari na ito.

Isa ako sa kasambahay ng pinakamayamang pamilya dito sa barrio. Ako ay nakatalaga upang magbantay sa walong taong gulang na unico hijo ng mga Alonso.

Mahigpit at maingat sila Don matapos mabalitaan ang sunod sunod na pagkamatay ng mga bata sa barrio. Sobrang pinoprotektahan nila ang tanging tagapagmana ng hacienda.

Simula nung insidente ay kahit saan man pumunta ang munting bata na si Gabriel ay palaging may naka sunod o naka bantay. Ako ngayon ang naka toka sa pamamalengke kaya ang aking ina muna ang abala sa pagbantay sa bata.

Buong pamilya ko ay nakatrabaho na sa mga Alonso. Sila ang tumulong sa mga magulang ko upang kahit papaano ay maka ahon ng kaunti sa hirap kaya laking utang na loob ko sa kanila Don Mariano at Doña Estrella. Sa likod ng kanilang yaman at kapangyarihan ay hindi parin nawawala ang pagiging busilak ng kanilang kalooban.

Kaya mahal na mahal sila ng Buong barrio at kanilang mga trabahador. Lahat ay tumitingala at hinahangaan ang pamilya Alonso.

Hindi rin biro ang pinagdaanan ng mag asawa bago makabuo ng anak. Hirap maka buo ang mag asawa kaya ganoon na lang din ang kasiyahan nila at ng buong barrio ng mabuo si Gabriel. Kaya todo protekta ang mga ito dahil itinuturing nila itong regalo at himala mula sa Panginoon.

Agad ko na pinasok ang aking pinamili sa sasakyan na ipinagamit sa amin upang mas mapadali ang pagdala ng mga bilihin sa mansion.

"Tulungan na kita" Pag aalalang sambit ni Tonyo marahil nakita niya ako na hirap na hirap sa pagdala ng mga pinamili. Napangiti ako sa kaniyang alok at agad naman niya nilagay sa likuran ng sasakyan.

Mag aalas singko palang ngunit sobrang tahimik na ng daan na aming dinadaanan pauwi sa mansion. Nakakapanibago dahil lahat ng bahay at mga tindahan ay nakasirado, hindi kagaya noon na puno ng kasiyahan at sobrang sigla. Lahat ng tao ay natatakot para sa kanilang anak.

Pati mga pulis at mga naka upo sa gobyerno ay hindi matukoy kung sino o ano ba talaga ang pumapatay. Kahit ang mga albularyo at mga taga simbahan ay nagtulungan para lang sa nakakatakot na pangyayaring to.

Marami ang naging apektado ng trahedyang ito kaya nga dapat mahuli na para matapos na.

Maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipag kagaya ng ano ba talaga ang pakay niya? Isang tao lang ba ang gumagawa nito? Aswang ba talaga ang may gawa nito?

Nababalot ng mga katanungan ang aking isipan at alam ko ay hindi lang ako ang napapatanong marahil ay halos lahat ng residente sa Las Escudos.

Sana matapos na, sana matahimik na at bumalik sa dating sigla ang Barrio Las Esudos.

The Curse Of HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon