Javier's POV
Hindi parin ako makapaniwala. Panaginip lang ba ito? Nasaan ba talaga ako. Kanina pako tulala at tinititigan ang mahimbing na pag tulog ng munting bata na nasa harapan ko. Ang weird na tawagin siyang munting bata considering na Tito ko siya.
Alonso nga siya ang pagkatangos ng ilong at mapupungay na mata ng mga Alonso ay kuhang kuha niya talaga. Grabe hindi parin ako makapaniwala nakikita ko lang si Tito sa malaking family portrait nila na naka display sa malaking hagdan sa mansion ngayon nasa harapan ko na.
Humiga ako sa kama niya at tumabi sa kaniya. Ang lambot ngunit parang wala lang siyang reaksyon na pawang walang dumapo na kahit papel lang man sa kaniyang kama. Pareha kanina dinaanan lang din ako ni Hiraya hindi lang man ako pinansin. Invisible kaya ako? Tangina nananaginip lang ata ako eh.
Unting unti bumigat ang talukap ng aking mga mata at di ko na namalayan na ako'y tuluyang nakatulog
Hiraya's POV
Ili-ili tulog anay
Wala diri imong nanay
Napakalamig at purong sariwa ang tubig na dumadaloy saaking balat. Tubig na nagpapasariwa at nagpapawala ng pagod sa aking sarili matapos ang mahabang araw.
Kadto tienda bakal papay.
Ili-ili tulog anay.
Aking sinabon ang aking likod at minsahe ito ng kaunti. Bukas ay panibagong araw nanaman ang haharapin
ili ili tulog ana-
Ako'y napalingon at napatigil sa aking pagligo ng aking may marinig akong tunog galing sa pintuan ng banyo tiningna ko ito ng maigi at nagulat ako ng ito'y nakabukas ng kaunti.
"Inay ikaw ba 'yan?" Tanong ko ngunit wala akong sagot na natanggap. Aking kinuha ang tuwalya at ang gasera na tanging nagsisilbing liwanag. Tinakip ko ang tuwalya sa aking katawan at nagsimula ng maglakad.
Tinungo ko ang pintuan ng dahan dahan. Napatingin ako sa pinto at nakabukas nga ito ng kaunti. Hindi ko ba nasirado ng maayos kanina?
Malapit ko na mabitawan ang gasera ng ako'y magulantang sa lalaking aking nadatnan sa labas ng banyo. Tinapat ko sa mukha niya ang gasera upang mas maka sigurado.
"D-don Mariano? Kanina pa ba kayo jan? At kanina pa ba kayo nakarating?" Tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko ang mga mata ni Don Mariano at hindi ito nakatingin sa aking mga mata kundi sa aking katawan. Napatingin ako sa aking katawan at ako'y nakaramdam ng hiya dahil tuwalya lang ang nakabalot saaking katawan. Isang malaking kahihiyan sa mga babae ang magpakita ng sobrang balat sa mga kalalakihan lalo na at amo ko pa ito.
Agad ko ito tinakpan ng aking braso at nakaramdam naman si Don Mariano na ako'y hindi na komportable.
"A-Ahh Itatanong ko lang sana kung tulog naba si Gabriel" Tanong niya saakin.
"Ay opo Don Mariano gaya ng bilin niyo dapat patulugin ko na po si Gabriel bago mag alas otso" ngumiti naman si Don Mariano at hinawakan ang aking braso na akin naman ikinagulat.
"Sige mauuna na ako yun lang naman ang nais kong itanong" Agad namang umalis si Don Mariano. Kakaiba ang mga gawi ni Don Mariano ngayon dahil hinding hindi naman siya napupunta dito sa mga silid ng mga kasambahay. Siguro nga gusto niya lang itanong kung nakatulog na nga ba si Gabriel. Tinapos ko na ang aking pagligo at agad na akong dumeretso sa aking silid upang matulog.
BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Mystery / ThrillerNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...