Javier's POV
"Hiraya is back in Las Escudos... " pagbasa ni Justin sa headline ng article na nakita niya sa kaniyang phone. "pfft kalokohan"
"Malay mo diba?" sambit ni Ivan na agad naman nakapukaw sa aming attention at tiningnan siya na may confusion sa mukha.
Napatingin naman siya saaming dalawa ni Justin na parang na intindihan ang ipinapahiwatig ng mukha namin na 'seryoso ka naniniwala ka diyan?'
" Look bro, I did my research..." panimula ni Ivan sa explanation niya "Since 1957 pa ang murder cases na ito and that year also pinatay ng mga taga Las Escudos si Hiraya according sa legend ng barriong to... "
"And naikwento saakin ni dad na meron talagang mga records ng mga namamatay na bata noong 1957, most of them mga around 5-9 years old. Pare pareha sila ng cause of death at nawawala ang mga laman" patuloy niya sa kaniyang explanation.
Isang masipag at tapat na pulis ang tatay ni Ivan. Pangarap din niya maging detective pagtapos namin ng pag-aaral kaya andami niyang alam sa mga krimen at mga imbestigasyon.
Mahilig rin kasi siya sa mga kwentong barrio at mga horror stories. Sobrang hilig niya sa mga urban legends kung kaya't madali siya maniwala sa mga paranormal at mga kwentong kababalaghan.
"As we can see sa news" inopen niya ang phone niya at pinakita saamin ang picture ng bangkay ng bata na namatay doon sa school namin. Zinoom niya ito sa kung saan bukas na bukas ang tiyan nito. "makikita mo na same din ang pagkapatay sa batang ito, nawalan rin siya ng lamang loob. Do you really think magagawa ng tao to na hindi man lang mahuli huli?"
Well may punto rin naman si Ivan sa haba ng kaniyang explanation. Pumasok sa isip ko ang nakita kong shadow sa hallway. Yun kaya yung bata na namatay? O si hiraya nga ba talaga ang nakita ko?
Pero bakit parang nagmamakaawa siya? Bakit hindi niya ako sinaktan? Dahil ba hindi na ako bata?
"A psychopath" tugon ni Justin sa explanation ni Ivan "duh? We're living in a 21st century na pare. There are a lot of psychopaths out there na mapagkunwari. Pwede rin mga sindikato kinukuha ang mga organs ng mga bata upang ibenta. Marami na ring record dito sa Pilipinas at ibang bansa about sa mga serial killers. Sa sobrang famous ba naman ng kwento ni Hiraya dito sa Las escudos malay mo naisip niya na ipattern doon ang pamamaraan niya sa pag patay upang hindi sila mahuli? Sino ba naman ang mamatay tao na walang plano? "
May punto rin si Justin at mas kapani-paniwala ang explanation niya. Tama nga naman siya masyado na nalason ang utak ng mga tao tungkol sa mga legends at mga kwentong bayan. Dala na lang din siguro ng pagod at kulang lang ako sa tulog ng mga panahong yon kaya kahit ano ano yung mga na iimagine ko.
Inabot na saakin ni Justin ang shotglass na ibig sabihin ay tagay ko na "ikaw Javier ano sa tingin mo? Totoo nga ba talaga si Hiraya?"
Napatingin naman si Ivan saakin na pawang hinihintay ang aking opinyon at kasagutan "balita ko Javier naging biktima ni Hiraya ang pinsan ng lolo mo noon sa taniman ng mais ng mga Alonso"
Si Tito Gabriel Alonso, ang tanging anak nila Don Mariano at Dona Estrella. Sila ang pinakamayamang pamilya at pinaka malapad na hacienda sa buong bayan ng Las Escudos. Siya ang bukod tanging tagapagmana ng hacienda ngunit siya rin ay namatay noong 8 years old palang siya, kung kaya't sa Papa ko pinamana ang hacienda dahil siya ang pinakamalapit na pinsan ni Tito Gabriel at yun din ang dahilan kung bakit medyo marangya ang aming pamumuhay ngayon.
"Bali-balita lang yon siguro ano... Na aksidente" tugon ko dahil wala rin naman akong alam tungkol sa nangyari. Matagal na rin pinag-uusapan yan sa mansyon ngunit hindi rin naman ako interesado.
BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Misteri / ThrillerNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...