Javier's POV
Javier's POV
"Isang batang babae nanaman ang namatay alas tres ng madaling araw sa barrio Las Escudos"
"Pinaniniwalaang pinasok ang biktima sa kaniyang kwarto habang ito'y mahimbing na natutulog. Hanggang ngayon ay wala pa rin makitang ebidensya na naiwan ng suspek, paniwala rin ng mga taga barrio ay hindi tao ang may kagagawan nito kundi ang sikat umanong aswang na nagngangalang Hiraya. Krimen nga ba ito o kababalaghan? Ito si Angel Venies nag uulat"
Napatingin ako kay papa habang nakikinig sa balita, tulala ito at walang emosyon ang mukha subalit bakas pa rin ang kalungkutan sa kaniyang mata.
May tumapik sa balikat ko at paglingon ko ay nag-aalalang mukha ni mama. Agad naman ako tumayo at humarap sa kaniya at niyakap ako ng sobrang higpit "okay ka lang anak?"
Hiniwalay niya na ako at hinawakan ang aking mga pisngi sabay bumitaw ng pilit na ngiti, nginitian ko rin si mama at tumango sa kaniya bilang tugon.
"Sobrang delikado na naman ng barrio anak bantayan mo ng maigi ang kapatid mo at please mag-iingat kayo" sambit ni mama saakin sabay tingin kay Sabrina na busy sa kaniyang ipad habang kumakain.
Hindi nga ako naniniwala kay Hiraya pero meron paring namumuong takot sa loob ko. Sobrang mahal na mahal ko ang kapatid ko at sobrang napakahalaga niya saakin. Kung totoo man si Hiraya o hindi alam kong vulnerable pa rin ang kapatid ko dahil na rin sa kaniyang edad halos mga nasa edad niya ang binibiktima. Hinding hindi ko makakaya makita na masaktan o kahit madaplisan lang man siya. Handa ako isakripisyo ang sariling buhay ko para sa kaligtasan ni Sabrina.
"Sige na at naghihintay na si manong Tonyo sa labas please be safe and take care always" bilin ni mama. Pinahiran ko na ang aking labi at tumayo na upang humalik sa pisngi nila mama bilang pamamaalam.
"Ay sir tulungan ko na kayo sa dala niyo" inalok naman ni manong Tonyo ang kaniyang kamay upang kunin ang project na dala dala ko. Nahagilap ng aking mga mata ang sugat sa kaniyang mga kamay. Sobrang sipag talaga ni manong Tonyo kasi minsan kung wala siyang trabaho bilang driver ay nagiging hardinero rin ito at tagaluto.
Ewan ko nga kung bakit hanggang ngayon wala pang pamilya si manong Tonyo. Siya ang pinaka matagal na nag sa serbisyo dito sa mansion, nandiyan na siya bago pa pinamana kay Lolo ang mansion.
Pag pasok ko sa kotse ay agad naman ako napasandal tanginang hangover to bat pa kasi kami uminom na may klase pagka umaga. Mga atat naman kasi eh sana pinag usapan muna namin na friday nalang or weekends.
"Kuya are you fine?" nag aalalang tanong at tingin ni Sabrina sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok.
"Yes baby of course tired lang si kuya at medyo masakit ang ulo"
"Oh noo kuyaa dalii higa ikaw sa lap ko I'll massage your head" pagpapanic ni Sabrina. Napangiti naman ako at sinunod ang sinambit niya at sinimulan niya na nga ihilot ang aking ulo gamit ang kaniyang munting palad. Kaya mahal na mahal ko talaga tong prinsesa ko eh
"Thank you babyy okay na si kuya hindi na masakit" sambit ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang noo at niyakap siya
"Kakapasok lamang na balita kanselado muna ang pasok ng mga nasa elementarya sa Las Escudos Intergrated School dahil sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa building kung saan nangyari ang insidente kahapon..."
"Badtrip naman oh kung kailangan malapit na sa school doon pa nagkansela ng klase" pagrereklamo ko pagkatapos ko marinig ang balita sa radyo.
"Oo nga sir eh yang balita sa radyo dito sa lugar natin minsan ang tagal mag anunsyo" dagdag ni manong Tonyo "ihahatid nalang muna kita sir pagkatapos non ay iuuwi ko nalang din si Maam Sabrina"
Hindi lang ako sa late na pagbalita na badtrip, badtrip din ako ba't hindi kami sinama na mga Senior High. Ma tatrauma din kami no at isa pa tangina may hangover pako napakasakit ng ulo ko.
Tama rin naman na sinuspende nila dahil sa Elementary building nangyari yung insidente para narin hindi ma trauma ang mga bata at para na rin sa kanilang kaligtasan.
Hinalikan ko na sa noo si Sabrina. Dumeretso muna ako sa canteen at bumili ng lugaw upang kahit papaano ay mabawasan ang hangover ko.
"Wala ka pala eh may amats ka parin hanggang ngayon" sarap na sarap ako sa paghigop ng may tumapik sa batok ko.
"Pahingi" biglang kinuha ang lugaw at humigop rin.
Nandito nanaman sila kahit kailan talaga gugulohin ako. Kailan pa kaya magiging payapa yung buhay ko.
"oh bat ganyan mukha mo di mo ba kami na miss?" sambit ni Ivan habang hinihigop parin ang lugaw ko. Naka isang higop palang ako pero siya parang mauubos na yung lugaw
"makahigop ka naman akala mo sayo" saway ni Justin kay Ivan "akin na nga" humigop din siya sa sabaw at nag agawan at nagkulitan nanaman ang dalawa sa harap ko. Habang kami ay nagtatawanan ay napatigil ako ng merong nahagilap ang mata ko.
Siya nanaman
Nasa labas siya ng canteen nakatingin ng direkta saakin. Lumuluha nanaman siya ng dugo
Ba't bigla akong kinabahan? Parang may kakaiba. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko singbilis ng kabayong nasa karera. Hindi ako maka hinga ng maayos namumuo ang luha sa aking mga mata ngunit hindi ko alam kung bakit. Nakatingin lang ako sa kaniyang mga mata na patuloy umaagos ang dugo.
Hiraya totoo ka nga
Kringgg... Kringgg...
Napabalikwas ako at agad agad kinuha ang cellphone ko pagtingin ko sa lokasyon kung saan ko nakita si Hiraya ay wala na siya doon. Parang nalalaglag ang puso ko ng makita kong ang tumatawag ay si Manong Tonyo. Tinapat ko ang phone sa aking tenga habang nanginginig aking kamay "H-hello? Manong T-tonyo?"
"S-sir si Maam S-sabrina..."
Agad ako napatayo at tumakbo.
"Tol teka anong nangyayari?" rinig ko na sigaw ni Ivan at wari ko dali dali rin sila tumakbo para habulin ako.
Mas binilisan ko pa ang takbo at hindi na pinapansin mga taong nababangga ko. Habang pabilis na pabilis ang aking mga hakbang ay ganon din kabilis ang pagbuo ng mga luha ko sa aking mga mata at ang sunod sunod na pag daloy nito. Huwag si Sabrina please, huwag ang kapatid ko.
Binilisan ko pa ang pagtakbo papunta sa gate ng may marinig akong motor na mabilis ang takbo papalapit saakin.
"Tol sakay" inabutan ako agad ni Ivan ng helmet habang angkas rin si Justin. Umangkas na ako sa likod ni Justin at pinaandar na ng mabilis ni Ivan ang motor.
Hintayin mo ako Sabrina, Hintayin mo si kuya
BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Misterio / SuspensoNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...