Chapter 12

46 5 0
                                    

Javier's POV

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas simula ng mangyari ang pagpatay sa anak ng mga Alonso ay mabilis na kumalat ang balita sa buong Las Escudos. Agad nagtipon ang mga mamamayan sa harap ng mansyon ng mga Alonso upang makiisa sa pagpapatumba ng tinaguriang aswang na si Hiraya.

Napatingin ako sa paligid at puno ito ng taong may iba't ibang dala na armas handang makipaglaban at bigyan ang hustisya ang bawat isa. Bakas sa mga mata nila ang galit at hustisya na gusto nila maabot.

"Nagtipon tayo dito upang sugpuin ang matagal na na katanungan saating bayan." Napatahimik ang lahat at napako ang kanilang atensyon sa babaeng nagsalita sa harapan. Isa itong matandang babae puti na ang kaniyang mga buhok at ugod ugod na rin itong mag lakad "Ang katanungan na matagal na natin hinahanap ang sagot ay lumabas na"

Base sa aking narining sa aking mga katabi ito ay si Aling Clarita isang matanda at pinakamalakas daw na albularyo sa bayan ng Las Escudos. Lahat ng katanungan ay kaya niyang sagutin at mga karamdaman ay kaya niyang gamutin. Base rin sa narinig ko sa mga yaya ko nung bata pa ako ay isa siya sa mga nagpatunay na isa ngang aswang si Hiraya. Sa mga panahong 'yon aking tinatawanan lang ang mga kwento nila ngunit ngayon na nasa harapan ko na ako'y napaniwala totoo nga si Hiraya at napatindig ang aking mga balahibo sa takot.

Totoo nga na siya ang pumapatay

Napatingin ako sa aking kanan naghihinagpis at tumatangis ang mga kamag anak ng mga biktima niya. Tumatangis na sa wakas ay makakamit na nila ang kasagutan at hustisya para sa kanilang mga anak at kapatid.

"Matagal ko na nakikita sa propesiya ko na isang babae ang pumapatay dito sa Barrio natin ngunit hindi ko ma wari sino" Sambit ni aling Clarita habang pa lakad lakad sa harapan at iniisa isa ang bawat impormasyon na kaniyang nalalaman "Ang akala nating mahinhin at inosenteng babae siya rin pala ang dadala ng sakim at kadiliman sa ating bayan."

Puno ang puso ng bawat mamamayan na patumbahin at pahirapan ang pumapatay sa Barrio ng Las Escudos.

"Suki ko si Hiraya sa palengke hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaya pumatay at mismo ang kaniyang alaga pa ang kaniyang pinatay" Sambit ng isang ali sa aking kanan. Maging ako rin ay nagtataka paano niya kayang pumatay at patayin si tito Gabriel na aking nasilayan kung gaano niya kamahal ito. Mahirap talaga magtiwala sa mga tao ngayon yung akala mong mabuti at mapagkakatiwalaan ay siya rin ang babaliktad sayo.

"MAY NAKAKITA KAYY HIRAYA SA BANDANG GUBAT" Napatingin ang lahat sa isang sumigaw na binatilyo. Pag ka rinig ng mamamayan ay agad silang tumakbo at sinundan ang kinaroroonan ng lalaki. Gumalaw at sumunod rin ang aking mga paa sa patutunguhan nila. Umusbong ang galit ng mga mamayaman habang hawak hawak ang kani kanilang sandata meron ring mga tao na may hawak na mga torch.

Tumagal ng ilang minuto ang pagtakbo ng mga mamamayan ngayon ay nakapalibot na sila sa isang umang kubo sa gitna ng kagubatan. Napapalibutan ito ng iba't ibang puno tanging ilaw galing sa torch na dala ng taong bayan at bilog at maliwanag na buwan ang tanging ilaw na nagsisilbing liwanag.

"HIRAYA LUMABAS KA JAN AT HARAPIN MO KAMI" Sigaw na may halong galit ng isang lalaki na biktima ng pagpatay ang kaniyang anak. Sumisigaw ang mga tao na lumabas na si Hiraya at harapin ang galit na galit at gutom sa hustisya na mga mamayan. "HARAPIN MO ANG KASALANANG GINAWA MO" Handang sumugod na ang lalaki ngunit pinipigilan lang ng kaniyang mga kasamahan. Galit na galit ang pamilya ng mga namatayan ilang tao rin ang pumipigi sa kanila upang sugodin ang loob ng kubo.

Nag-aalab ang kanilang loob dahil na rin sa sama ng loob na idinulot sa kanila ng aswang. Umaapaw ang katanungan sa kanilang mga isip na bakit niya ginawa yon. Kasabay ng kanilang galit at hinaing ang aking nararamdaman na galit at kalungkutan. Hustisya ang kailangan ko para kay Sabrina sa lahat ng tao bakit siya pa? Bakit kailangan niya maranasan to?

"Isang mangkukulam si Hiraya" Sambit ni aling Clarita na nagpatigil sa lahat "Galing ito sa pinakamakapangyarihang angkan ng mga mangkukulam na ginagamit ang kaniyang pagka inosente at tahimik na tao upang makuha ang loob ng mga tao. Buhay ng mga munting bata kapalit ay ang dagdag na taon sa kanilang buhay dito sa daigdig"

Mas umalab ang loob ng mga tao sa bawat impromasyon na lumalabas sa bunganga ni aling Clarita. Napahawak sila ng mahigpit sa armas na kanilang dala desidido na na pagbayarin ang may sala.

"Maniwala kayo wala akong kasalanan" Alingawngaw na sigaw ni Hiraya sa loob ng munting kubo. Unti unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Hiraya na puno ng pasa at mga sugat sugat sa katawan. Ito'y tumatangis at nakikiusap ang mga matang napupuno ng takot at pangamba "H-hindi ako ang pumatay"

"Sinungaling! Hindi mo na kami mapapaniwala at hindi na kami mahuhulog sa mga patibong mo hiraya" Sumbat ni Aling Clarita "Hinding hindi mo na kami mabibilog sa mga kwento at mga paawa mo.

"Maniwala kayo saakin wala akong kasalanan" Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ni Hiraya kasabay nito ang pagkahulog ng kaniyang dalawang binti sa lupa. Nagpupumilit na paniwalaan ang kaniyang kwento.

Lahat ng tao na nasa paligid ay gulong gulo ngunit hindi pa rin nagpapatinag si Aling Clarita sa kaniyang sinasabi na nagpalakas rinb ng loob ng bawat mamamayan na sugodin ang may sala. "Matagal mo ng minamanmanan ang bawat paslit dito sa Las Escudos. Matagal mo na pinaplano ang iyong mga hakbang upang maisakatuparan ang iyong nais. Ngunit ngayon ay hindi na kami makakapayag na masundan pa ang madugong nangyayari sa barriong ito"

Pagkatapos magsalita ni Aling Clarita ay biglang may apoy na bumulusok mula sa aking likuran patungo sa kinaroroonan ni Hiraya. Natamaan ito ng apoy na unti unti namang kumalat sa kaniyang katawan.

"SUNUGIN ANG MANGKUKULAM NG BARRIO LAS ESCUDOS" Agad nagkagulo ang mga tao at agad ipinalibutan ang kasalukuyang nasusunog si Hiraya. Sunod sunod ang pagtapon sa kaniya ng apoy na mas lalong nagpalakas sa sigaw ng dalaga.

Umaalingawngaw ang bawat sigaw, sigaw ng namimilipit sa sakit. Kasabay ng paghiyaw ng mga tao ay gayundin ang unting unti pag laki ng sunog sa katawan ni Hiraya. Kasalukuyang nasusunog ang buhok nito na unti unti ring kumakalat sa kaniyang mukha. Hindi ito mapakali sa kakasigaw at kakagulong ngunit walang tulong ito sa pagkalat ng apoy sa kaniyang katawan.

'W-WALA AKONG KASALANAN. W-WALA AKONG GINAWA TAMA NA TAMAA NAAA" agad na may tumakbo papalapit kay hiraya na may dalang galon. Ibinuhos ito sa dalaga ngunit imbis na mawala ang apoy mas lalo itong lumaki at lumala dahil gas pala ang hawak nito. Lumuhod at napaiyak ang mga mag anak na sa wakas ay nabigyan at natuldokan na ang hustisyang matagal na nilang inaasam.

"MAG MULA SA ARAW NGAYON NATAPOS NA ANG SUMPANG PUMAPALIBOT SA LAS ESCUDOS" Itinaas ni Aling Clarita ang kaniyang mga kamay na sinundan naman ng bawat mamamayan. Ipinikit nila ang kanilang mga mata habang umaalingawngaw ang sigaw ng hirap na hirap at kawawa na si Hiraya.

Natapos na

Natapos na ang pagsigaw hindi ko kayang tingnan ang sitwasyon ni Hiraya. Hindi ko kayang imulat ang aking mga mata. Ang tanging naririnig ko ay ang mga mamamayang nabuhayan ng pag-asa. Tapos na nga ba? Tapos na nga ba ang lahat?

Kung natapos na ang lahat bakit nadamay pa rin si Sabrina? Bakit pa siya namatay?

Unting unti kong minulat ang aking mga mata. Nagyayakapan at umiiyak ang bumungad saakin. Nabuhayan ng pag-asa ang bawat isa na animoy may bagong liwanag ang dumalo sa kanilang mga buhay. Inilibot ko ang aking tingin ngunit napako ang aking paningin sa isang taong nakatingin saakin.

Nakikita niya ako?

Lumapit ito ng lumapit saakin at ang kaniyang mga tingin ay hindi nawawala saakin. Ni isang kurap wala itong ginawa ngunit deretso lang itong tumingin saakin. Lumapit pa siya ng lumapit hanggang nasa harap ko na mismo siya. Bakit ako nakikita ni Aling Clarita? Hindi diba ako nakikita ng mga tao dito?

"Bakit ka nandito? Ipinadala ka ba niya? Tapos na ang lahat Hijo wala ka ng kasagutang inaasahan dito"

The Curse Of HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon