Chapter 4

69 7 0
                                    

Javier's POV

"Sabrina! " tumakbo agad ako sa loob ng bahay at nadatnan ko na pinapainom ng tubig si manong Tonyo.

"Javier" niyakap ako agad ni mama at ramdam ko sa bosses niya na siyay umiiyak "s-si sabrina"

Shit totoo nga

Ako'y nanghina at tuluyang nag sink in saakin na nawawala nga talaga siya. Wala pa man silang sinasabi ngunit alam ko na kung ano ang nangyari. Bakit si Sabrina, bakit siya pa?

Napatingin kami sa pinto ng biglang pumasok si papa kasama ang mga pulis. "Ipinacheck ko na sa cctv sa lahat ng lugar na nandito ngunit wala talagang bakas na nakita"

"Dalawang beses na nangyari to s-saakin. Una sir Gabriel ngayon naman s-si Maam Sabrina" imik ni Mang Tonyo habang nangingig rin ang kaniyang kamay dahil sa takot at trauma "Umihi lang naman ako tapos pag balik ko wala na si maam. S-sorry talaga Maam at Councilor kung alam ko lang na gagawin ulit to ni Hiraya"

Pagmamakaawa ni manong Tonyo. Hindi ko masisisi si manong Tonyo dahil hindi rin naman niya gusto ang nangyari. Ramdam ko rin ang panginginig at guilt na nararamdaman ni manong kung kaya't naaawa rin ako sa kaniya.

"Walang may kasalanan sa pangyayaring ito manong. Ginawa mo rin ang trabaho mo kung kaya't magtulungan nalang tayo upang mahanap si Sabrina" assurance ni papa kay manong Tonyo at tumango naman ito.

Lumabas muna ako sa balcony upang huminga. Napatingala ako sa maliwanag na langit na animo'y walang madilim na kaganapan. Napasinghap ako at napaisip kung bakit pa mangyari to, kung alam ko lang talaga edi sana sumama nalang ako umuwi. Lord sana makita na namin si Sabrina parang awa mo na, sana ligtas siya kung nasaan man siya.

"tol inom ka muna" napatingin ako sa kaliwa ko ng magsalita si Ivan na may dalang baso ng tubig napangiti ako at ininom ang kaniyang dala.

"Basta nandito lang kami para tumulong" Sambit ni Justin sabay akbay saakin. Bukod sa aking pamilya malaki din pasasalamat ko na mayroon akong mga kaibigan tulad nila na para ko na rin mga kapatid. Kahit puro man sila kalokohan ay maaasahan rin sila sa panahon ng pangangailangan. Nginitian ko lang sila bilang pasasalamat dahil hindi ko kaya magsalita dahil sa pangungulila ko sa aking kapatid.

Kung totoo kaman Hiraya binabalaan na kita na wag na wag mo gagalawin ang kapatid ko, pero ngayon humanda ka hintayin mo'ko. Lalabanan kita kapalit man nito'y buhay ko.

Namumuo ang bawat luha sa aking mata. Luha galing sa sakit at poot dahil sa pagkawala ng kapatid ko, galit sa kung sino man ang kumuha sa kaniya, pagsisi kung bakit ba kasi hindi nalang ako sumama umuwi edi buhay pa sana yung kapatid ko.

~~~

"Saan paba kulang tol" sambit ni Justin habang dinidikit ang poster sa poste.

"Tapos na tayo sa brgy. Maralika, brgy. Masagana, Brgy. Malagos" tugon ni Ivan habang tinitingnan ang mapa at checklist namin sa mga didikitan pa namin ng posters. "Bale dalawa nalang natitira"

"sige magpahinga nalang muna tayo tol bukas nanaman pababa na rin yung araw" sambit ko sa kanila dahil sa dami na rin ng kanilang ginawa alam ko pagod na rin sila.

Kumain na rin muna kami ng streetfoods sa gilid at nilibre ko na sila. Inofferan pa kami ni Ivan na ihatid na raw niya kami pero tumanggi ako at nagrason na meron pa akong kailangan puntahan pero gusto ko lamang mapag isa muna dahil sobrang lungkot parin para saakin ang pagkawala ng kapatid ko.

Iniangat ko na ang aking tingin at dinamdam ang malamig ng simoy ng hangin. Bumungad saakin ang walang katao taong playground dahil na rin sa madilim na.

Umupo ako sa isang bench at tiningnan ang litrato ni Sabrina sa poster. Ilang oras ka ng nawawala ngunit hanggang ngayon wala parin kaming balita sayo. Asan ka na ba Sabrina?

Unti unting nag init ang aking mukha at unti unti na ring bumubuo ang mga luha sa aking mga mata. Balik kana kay kuya please? Miss na miss na kita sobra. Tuluyan na nga bumagsak ang aking mga luha at mapatakan nito ang litrato ni Sabrina.

"Kuya..."

Isang bulong ang nakapagpatingala saakin. Pamilyar ang boses kung kaya't agad ko hinanap ang pinanggalingan nito. Bumilis ang tibok ng aking puso ng aking maaninag ang isang pigura na kung hindi ako nagkakamali ay pigura ng babaeng nakita ko noon sa school. Nag adjust pa ang aking paningin dahil na rin sa namuong luha sa aking mga mata, agad ko itong pinahiran at napatingin ulit sa direksyon. Wala na ito.

Napatingin ako sa paligid sobrang dilim na nga namamalikmata nanaman ako. Kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako nila mama, ayaw ko muna dumagdag sa mga alalahanin nila.

Sobrang tahimik sapagkat ako lang mag-isa ngayon sa park, aking naririnig ang mga patay na dahon na naapakan ng aking mga paa. Mas maganda na to para mas makapagisip-isip ako ng maayos. Sobrang lamig ng panahon ngayon at ang sarap ng simoy ng hangin para akong kinocomfort at niyayakap. Magpapasko na Sabrina, hindi ko kayang magpasko ng wala ka.

Napabalikwas ako ng may marinig akong sumigaw. Ang tinis ng bosses nito ay parang galing ito sa batang babae. Napalaki ang aking mga mata at agad lumingon sa pinanggalingan ng sigaw.

Huwag naman sana

Tumakbo ako agad patungo sa kung saan ang sigaw hindi na inaalintana kung ano man ang aking mababangga o maapakan.

Singbilis ng aking paghinga ang bawat yapak ng aking mga paa. Ako'y natigilan sa harap ng abandonadong building dito sa park. Tumingin ako sa paligid ngunit walang bahid na kung sino mang tao.

Pinatalas ko ang aking mata upang tingnan kung anong meron sa loob ng building ngunit ako'y nadismaya dahil wala parin akong nakita. Guni guni ko na lang talaga siguro yon. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko at mga naririnig ko dahil sa labis na pagod at kalungkutan kailangan ko na talagang umuwi.

Aking kinuha ang aking cellphone upang magpasundo na lang kay mang Tonyo kasi gabi na rin pahirapan makasakay patungo sa mansion. Kanina kasi inaya akong ihatid tumanggi naman ako, oh diba sino nahirapan ngayon.

Patuloy na ako nag scroll at hinanap ang number ni mang Tonyo ng may kung anong pumatak sa screen ng phone ko. Tiningnan ko itong mabuti ngunit hindi ko ma identify dahil against the light sa screen. Hinawakan ko ito gamit ang aking daliri at tinapatan ng ilaw galing sa aking screen.

Dugo

Napalaki ang aking mata ng may tumulo ulit ekaskto sa aking kamay kaya napatingin ako sa taas

T-tangina...

The Curse Of HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon