October 24, 2022
Javier's POV
"Kuya?"
Napamulat ako sa munting tinig na aking narinig. Nag adjust pa ang aking paningin sa liwanag ng ilaw, hindi naglaon ay naaninag ko ang mukha ng isang bata na takot na takot. Napatingin ako sa digital wall clock sa aking kwarto.
3:05 AM
"Why baby what's wrong?" I ask with my morning voice. Nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga inosenteng mata habang yakap yakap ang hello kity na teddy bear na bigay ko sa kaniya.
"May kumakatok nanaman sa bintana ko kuya" hindi na niya napigilan ang kaniyang iyak at agad pumulapot sa aking leeg "I'm so scared what if si Hiraya yon?"
"Shhhh tahan na baby okay?" inihiwalay ko ang yakap namin at hinawakan ang kaniyang mukha "It's not true baby ha? Hiraya is not true. Kuya is here to protect his only Princess"
Hinalikan ko ang noo niya at kiniliti ang kaniyang kilikili. Agad naman siya napahalakhak sa tawa at pilit ako pinipigilan. Itinabi ko na siya sa tabi ko at yumakap na siya at di nagtagal ay nakatulog na.
Kung ano ano ba naman kasi ang kinukwento nila yaya sa kaniya yan tuloy natatakot yung bata. Hinawi ko ang buhok niya at naghum ng lullaby para mas makatulog siya.
Unti unti na rin bumigat ang aking mga mata at napayakap sa munti kong prinsesa na ngayon ay tulog mantika na.
~~~
Kasalukuyan akong nag aanswer ng test sa subject na math. Hindi ako masyado maka focus dahil na rin sa kulang sa tulog, simula kasi nung bata pa kami bukambibig lang ng mga kasambahay eh yung pinaniniwalaang aswang sa barriong to. Hindi lang ng aming kasambahay kundi na rin sa buong Las Escudos na ginawa ng panakot sa mga bata upang hindi na lumabas kung gabi na.
Ayan tuloy pati pagtulog ng nakakabata kong kapatid naapektuhan na dahil sa kung ano anong imahinasyon ang pilit nila sinasaksak sa munting utak ng bata.
Tumigil muna ako sa pag-iisip ng malalim at nagpatuloy na sa pag sagot, hindi nagtagal ay tumayo na ako at pinasa na ang aking papel. Ako palang pala ang natapos.
Hindi naman ako ang pinaka matalino at perpektong estudyante sa klase ngunit pilit ko binubuti ang aking pag-aaral dahil na rin sa nahihiya ako sa parents ko. Kaya naman nila ako tustusan pero alam ko ang hirap na pinagdadaanan nila para lang maging komportable ang buhay namin kaya hindi ko hahayaan na mapunta sa wala ang bawat salapi na pinaghirapan nila.
"pssst"
Napalingi ako sa sumitsit saakin, tinaas ko ang dalawa kong kilay upang tanungin kung ano ang gusto niya.
"Mamaya alas 8 sa bahay inuman tayo" mahinang bulong ni Ivan saakin na agad naman siya sinita ni Sir. Tumango ako sa kaniya at sinenyasan na gagawan ko ng paraan.
Sabi sa inyo eh hindi ako perpektong studyante meron rin akong mga bisyo at mga masasamang gawain na di dapat tularan, pero kahit ganon ay sinisigurado ko na hindi maapektuhan ang pag-aaral at pagiging anak at kapatid ko sa bahay.
Agad na rin nagpasa ang aking mga kaklase at nag dismissal na rin sa wakas. Agad naman akong lumabas sa room para sunduin ang nakakabata kong kapatid.
Iisa lang kami ng school ngunit magkakalayo ang mga building. Ako nasa Senior High School building at ang kapatid ko ay nasa Elementary building.
Tanging yapak lamang ng aking mga paa ang umaalingawngaw sa buong hallway ng Elementary building habang nilalakad ko ito.
Wala na ang mga studyante dahil 3:30 PM ang dismissal ng mga Elementary students samantala kaming mga Senior High ay 4:30.
BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Mystère / ThrillerNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...