"Maria"
"Mariaa"
Kami ay napatigil sa paglaro ng tagu-taguan ng aming marinig ang nakakabinging sigaw na paparating "Bili ka muna doon ng bawang at sibuyas nakulangan na kasi tayo"
Inabot na saakin ni mama ang barya at tiningnan isa isa ang mga kalaro ko "atsaka kayo di ba kayo hinahanap ng mga magulang niyo? Aba't mag gagabi na magsiuwi na kayo"
"Sige po aling Rosita" sabi ni tonya habang pinapahiran ang tumutulong sipon gamit ang kaniyang kamay "nakaligtas ka nanaman Maria daya mo talaga sige bukas nanaman at baka merong sinturon na naka abang saakin"
Agad na nagsipagpaalam ang aking mga kalaro at tumungo na sa kani kanilang mga bahay. Tinanaw ko ang langit at pawang Pinaghalo na ito ng kulay kahel at asul na hudyat na malapit na mag gabi. Masyado ata kaming tutok sa paglalaro kaya di na namin namalayan na palubog na pala ang araw.
Nakatakas nanaman ako sa pagiging taya ng tagu-taguan. Di ko nga alam kung malulungkot bako o magpapasalamat kay inay dahil sa hirap ba naman hanapin ng mga kalaro ko.
Habang palayo ako ng palayo sa bahay ay pa dilim na pa dilim din ang dinadaanan ko. Agad ko binilisan ang aking lakad bagkus sa takot na aking naramdaman. Dahil ang bulong-bulungan sa barrio namin ay meron daw bagong aswang na pagala gala. Aswang na nangunguha ng mga bata lalo na sa gabi.
Bakit pa kasi ang layo ng pinakamalapit na tindahan sa amin kailangan pa lampasan ang mahabang taniman ng mais ng mga Alonso.
Dandansoy,
bayaan ta ikaw
Pauli ako sa Payaw
Napakanta nalang ako para maibsan rin ang takot na aking nadarama.
Ugaling kon ikaw
hidlawon,
Ang Payaw imo lang
lantawon.
Nasa kalagitnaan na ako ng taniman ng mga mais at patuloy pa rin sa pagkanta. Nakakita rin ako ng lata, sinipa sipa ko ito habang naglalakad. Naibsan nga ang takot na aking nadarama pero di ko parin mapigilan ang paglikot at pagiging alerto ng aking mga mata upang maging handa sa ano mang panganib na itinatago ng dilim.
Dandansoy,
kon imo apason
Bisan tubig dì ka
magba---
Ako'y natigilan sa pagkanta at paglakad ng may narinig ako na kaluskos sa mga mais. Agad ako napalingon ngunit hindi ko maklaro dahil na rin sa kadiliman ng lugar.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad ngunit aking nadinig nanaman ang kaluskos. "Manong? Manang? May tao pa po ba diyan?" walang sumagot sa aking katanungan.
Ah baka hangin lang to. Pilit ko ipinapakampante sarili ko kahit hindi naman malakas ang hangin. Naglakad ako muli at aking narinig nanaman ang kaluskos, ako'y pawis na pawis na at mabigat ang paghinga dahil sa takot.
Binilisan ko ang aking lakad ngunit gayon na lang din ang pagka gulat ko ng bumilis rin ang kaluskos na aking naririnig. Hindi lang ito pa bilis ng pabilis lumalakas din na parang lumalapit ito saakin. Pawang tumatakbo ito sa loob ng taniman ng mais at sumusunod sa bawat yapak ng aking mga paa.
Hindi ko na kaya ang takot na aking nadarama kung kaya't mas binilisan ko pa ang aking lakad na nauwi sa pag takbo.
Huli na ng makita ko ang malaking bato na nakaharang sa aking daanan kung kaya ako'y nadapa.
Tumigil ang kaluskos at ako'y napalingon. Para akong ipinako sa lugar kung saan ako nadapa. Hindi ako makagalaw, makatayo, o makasigaw lang man.
Lahat ng balahibo ko sa katawan nagsitayuan ng masilayan ko ang nananalisik niyang mata pababa sa naglalaway niyang mga bibig na parang gutom na gutom at ilang araw nang hindi nakakakain.
May dala siyang punyal sa kanyang kanang kamay. Kumikinang ito na mahahalata mo na ito'y sobrang matulis.
Ako'y napukaw ng humakbang siya papalapit sa akin. Agad ako bumangon at nagsimula maglakad ng mabilis kahit pa ika ika. Totoo nga! Totoo nga na may aswang! Sana nag laro na lang ako! Mas kaya ko pang tiisin ang pagdidisiplina ng inay kaysa matakot ng ganito.
Napatumba ako ulit ng may tumama sa aking binti. Agad ko ito tiningnan at sa laking gulat ko nakabaon na ang punyal na hawak niya kanina sa mga paa ko.
Napahawak ako sa paa ko at napaluha sa kirot. Ang sakit, sobrang sakit. Sobrang talim ng punyal tumagos ata hanggang buto ko. Napahagulgul akong tumingin sa kaniya "wag po maawa po kayo saakin"
Hindi nasindak ang taong nasa harap ko bagkus ay mas lumapad pa ang ngiti nito at lumapit pa. Lumuhod ito at tumapat ang kanyang mukha sa aking mukha. Nakakatakot ang kanyang mukha ngunit bakit hindi ko maipikit ang aking mga mata?
Napasigaw ako ng bunutin niya ang punyal na nakabaon sa binti ko. Tiningnan niya ito na pawang mangha na mangha sa dugo ko na dumadaloy sa kaniyang punyal. Tumingin siya saakin at dinilaan ang tumutulong dugo sa punyal.
Mama saan na ba kayo?
Tulungan niyo ako
Parang awa niyo na ayaw ko pang mamatay
Takot na takot ako pero di ko magawang ibuka ang mga bibig ko, patuloy lang ako sa paghagulgul. Itinaas niya ang punyal at itunutok ito sa akin.
"P-parang awa n-niyo na poo, wag p-po" huling pakiusap ko ngunit determinado talaga itong ibaon sa dibdib ko.
Wala na akong magagawa ito na ang katapusan ko. Hanggang dito na lang ako. Mama Papa mahal na mahal ko kayo.
Mas lumapad pa ang ngiti nito na may dala ng halakhak. Itinaas niya at walang pagdadalawang isip na isasaksak saakin.
"HUWAAAAAGGGG"
----------
A/N
I started this story a year ago and ngayon lang napatuloy. I'm currently suffering from anxiety and isa ito sa mga coping mechanism ko. Hope you'll like it<3
BINABASA MO ANG
The Curse Of Hiraya
Misterio / SuspensoNoong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada n...